Chapter 3

296 69 35
                                    


** At The University  Naglalakad ako sa Hall Way. Papunta na ko sa first subject. Halos lahat ng mata ay nakatutok na naman sa'kin. Ano bang bago?

Halos magdalawang linggo na ang nakakalipas ng magsimula ang school year. Himala nga at hanggang ngayon ay hindi pa ako ginagantihan ni Sofie. Alam ko kasing hindi iyon magpapatalo sa akin. Hindi rin ako kinagalitan ng mga professor na hindi ko inattend-an noong first day ng klase.

Nasa may tapat na ako ng room ng biglang may umakbay sa akin na ikinagulat ko. Sasampalin ko na sana kung sinu man ang malakas ang loob na akbayan ako pero bigla itong nagsalita.

"Richie ang aga mo ah. Namiss kita!" Sino pa nga ba kundi si Louie.

"Pwes ako hindi! Ang kapal ng mukha mong akbayan ako!" Tinanggal naman nya ang braso nya sa balikat ko dahil masama na talaga ang tingin ko sa kanya.

"Nakakasakit ka naman ng damdamin." Nakanguso na naman nitong sabi. "Alam kong nagtatampo kalang dahil hindi kita nadalaw sa Mansion. Hindi kasi ako pinapaalis ni Mommy sa bahay dahil sobrang dami nyang inaasikaso. Tulungan ko daw sya. Alam mo bang ginagawa na akong alila ni Mom?!" Mahaba nyang litanya sa akin. As if interested ako sa kinukwento nya.

"So?" Nakataas kilay kong tanong dito.

"Sa sobrang haba ng sinabi ko yan lang ang sasabihin mo!" Naiinis nitong sabi. May pag nguso pa syang nalalaman at maluha luha narin. Akala mo batang naagawan ng candy. Napatawa naman ako. "Woah! Napatawa kita, couz! Tulungan mo ako kay Mom ah. Sabihin mo pinapapunta mo ako sa Mansion nyo ah! Malakas ka dun e!" Bigla ko namang binago ang ekspresyon ng mukha ko.

"Wala akong panahon sayu Louie. Lumayas kana nga! May klase pa ako."

"Please! Please! Please!" Pangungulit pa nya sa akin. Hawak nya ang braso ko kaya di ako makapasok sa loob ng room. Mabuti at nasa gilid lang kami ng daan.

"Sobrang aga naman ata ng pakikipagflirt mo Richie." Speaking of the devil. Tumigil sya sa may gilid namin ni Louie. Nakita kong kasama nya si Terrence.

"Baka gusto mo kaming ipakilala sa boyfriend mo." Hindi nga pala nila nakilala si Louie dahil lumipat na ito sa abroad ng makilala ko silang dalawa. Magsasalita na sana ako pero kinukulit parin ako ni Louie na akala mo hindi nya napapansing may nagsasalita sa gilid namin. Humarap naman ulit ako dito.

"Ang kulit mo talaga!" Binulyawan ko na ito dahil nauubusan na naman ako ng pasensya sa kakulitan nya.

"Sige na kasi!" Napabuntong hininga naman ako at pinipilit pakalmahin ang sarili. Alam kong hindi nya ako titigilan hangga't hindi ako pumapayag sa gusto nya. Ganyan sya kakulit.

"Ignoring us, Richie?" Nakataas kilay na tanong nito sa akin pero hindi ko muna sya inimikan dahil panay parin ang pangungulit ni Louie.

"Oo na! Bitawan mo ako!" Inis kong sabi nito.

"Talaga? Yey!" Lumulundag parin nitong sabi. "Yes makakadalaw na ako sa Mansion." Nakangiti na ito ngayon habang napapailing nalang ako. Inirapan ko ito at maglalakad na sana ako papasok sa loob ng hindi pinapansin si Sofie.

Masisira lang kasi ang araw ko pag pinatulan ko sya. Masyado pa kasing maaga.

"What Richie? Di mo man lang sya ipapakilala sa amin? At ano pupunta kayong Mansion? Ano kayang balak nyong gawin." Napatigil ako at hinarap ang bruhang si Sofie.

"It's none of your business, Miss." Biglang lapit ni Louie sa tabi ko. Seryoso na itong nakatingin kina Sofie. Habang si Terrence naman ay tahimik lang na nakatingin sa amin. Nung magtama ang mata namin ay inirapan ko sya. Kapal ng mukha ng lalaking to. Tsk.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon