Dumating ang isang waitress kaya umorder ako ng maiinom habang naghihintay ako.The name of this shop is 'Hot Princes Café'. I find it weird but this shop is one of the most prestigious and popular coffee shop over the city. I need to negotiate with Mr. Wilson. Gusto kasi ni Dad na magdagdag ng Coffee shop sa ilang branches ng hotel namin. At dahil isa ito sa pinakamagandang shop at masasarap ang ino-offer nila, ito ang napili nya.
"Excuse me. Can I sit here?" Napaangat naman ako ng tingin ng biglang may magsalita sa tabi ko. "Wala na kasing vacant seat eh."
Tumingin din ako sa paligid at halos punung - puno narin ang loob, sobrang dami ng tao. Kahit Monday na ay dinarayo parin ito. Puros tulad kong estudyante ang nandito ngayon dahil nakauniform din sila kagaya ko.
"Yah, Sure." Nakangiti syang umupo sa tapat ko. Maganda sya, actually ang amo ng mukha nya. She looks familiar to me. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita."Here's your order. Enjoy your drink Ma'am." Nakangiting saad ng cute na babae, nakacostume pa kasi ito. Ipinatong nito ang kape ko sa lamesa. Tinanguan ko lang ito.
"Hannah, nasaan si Van?" Tanong ng babae sa waitress. Mukhang kilala nya ang mga tauhan dito.
"Nasa may counter lang po, Ma'am Miracle. Kayo po anong order nyo?"
"Mamaya nalang, iniintay ko pa si Riri eh." Nakangiti nitong sagot.
Mas bagay sa kanya ang pangalang Angel. Sa nakikita ko ay tunay syang mabait. Nakikitungo rin sya ng maayos sa waitress. Na sa tingin ko ay hindi ko magagawa ng ganoon lang kadali. Tsk.
"Hi, I'm Miracle." Bati nya sa akin pagkaalis nang waitress.
"Ikaw?"
"Richie." Isang pilit na ngiti ang ibinigay ko rito. Hindi naman kasi ako sanay na makipag-usap lalo na at sa hindi ko kilala.
"May iniintay ka ba?" Tanong nito ng ipinatong ng tinawag nitong Hannah ang kape nito.
"Thanks." Baling nya sa waitress.
"Yep." Tipid kong sagot. Pagkatapos ay sumimsim ako ng kape sa aking baso habang nakatingin sa labas kung nasaan si Kira. Tsk. Naiiling nalang ako ng makita ko itong nakatingin na naman sa gawi ko.
Sa tingin ko ay si Alina na naman ang iniisip nito. Nakakairita talaga ang lalaking ito. Tsk. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon titingnan ko ang larawan ng babaeng minahal nito. Gusto kong malaman kung tunay ba kaming magkamukha.
"Ang tahimik mu naman." Napalingon ako kay Miracle ng magsalita ito, pero hindi parin ako kumibo. "Well, ako meron ding iniintay." Namumula nyang saad. Tsk. Kinikilig ba ito? Para syang teenager. Pero halata namang mas matanda ito sa akin ng ilang taon.
"Han! Ba't andito ka?" Natigil ang pagde - daydream ni Miracle ng may biglang sumulpot na babae. Maganda din sya ngunit mukhang masungit.
"Han! Na-miss kita!" Tumayo pa ito at bineso ang babae. "Inaantay ko si Riri." Hindi ko alam pero biglang pumasok sa isip ko si Chloe habang pinapanuod silang mag-usap. Tsk.
"Ah, kaya pala todo paganda ka." Panunukso nito.
"Di ah!" Pagtanggi naman ni Miracle. "Ay, Van si Richie nga pala new found friend ko. Richie si Van nga pala BFF ko." Nakangiti nyang sabi. Ngumiti ito sa akin kaya napilitan akong suklian ito. Somehow I missed Chloe, katulad ni Miracle na madaldal.
"Ahm. Han, gotta go. Madami pang ginagawa eh. Sige Richie, nice to meet you." Paalam nito sa amin.
"Same here." Nakangiting saad ko rito. Umalis na ito kaya kami nalang ulit ni Miracle ang naiwan. "Why?" Nakatitig kasi sya sakin. Nawi-weird-ohan tuloy ako sakanya.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...