RICHIE'S POV
Pagkatapos ng nangyaring bungguan namin ng lalaking iyon ay hindi ko na ulit sya nakikita. Lagi ko syang sinisilip sa cafeteria pero wala sya dun. Balak ko kasing ibalik ang panyo nya. Pag nakikita ko kasi sya bigla nalang akong naiinis sa kanya dahilan para makalimutan kong ibalik ito sa kanya. At yung iniabot kong 100 pesos ay pinabalik nya noon kay Chloe. Kaya balak kong bayaran na sya. Ayokong nagkakautang na loob sa taong di ko naman kilala. At si Chloe? Tinatarayan, sinisigawan at lahat na ata ng pang-iinsulto nagawa ko na sa kanya pero ayaw nya parin akong lubayan.
Natapos narin ang midterm exams namin at pagkatapos ng finals ay susunod na ang foundation week ng University kaya imbes na pag-aaral ang atupagin ng mga estudyante ay about sa gaganaping event ang pinag-uusapan ng bawat department. Kailangan kasing magtayo ng booth at may mga contest na kailangan ng participation ng bawat department. Nasa may pavilion kami ngayon ni Chloe, nakaupo lang kami habang ako ay nagbabasa ng isang book. Ang babaeng katabi ko naman ay kanina pa may sinusulat sa notebook nya. Kahit saan kasi ako magpunta kabuntot ko sya lagi. Halos isang buwan narin ng mangyari ang pangbubully sa kanya. Akala nga siguro ng mga tao dito ginagawa ko syang alila. Wala naman akong magawa para palayasin sya sa tabi ko dahil sobrang kulit talaga nya. Nasasanay na nga rin akong laging may kasama.
"Oh Richie?" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.
"What?" Walang sa mood kong tanong dito.
"Magkasama na naman kayo ni Chloe? Pinilit mo ba syang maging kaibigan mo para hindi ka naman loner?" Natatawa nitong sabi.
"Hindi! Ako mismo ang gustong maging kaibigan sya!" Sigaw naman ni Chloe.
"Bakit? Dahil mayaman si Richie?" Bigla naman akong napatingin kay Chloe at iniintay ang sasabihin nito. Umiling sya bago magsalita.
"Hindi. Kung dahil lang sa yaman kaya ko sya kinakaibigan sana noon palang ay lagi ko na syang kinukulit. At isa pa napaka moody ni Richie, madami naman dyang ibang mayaman na mabait ah." Sagot naman nya. Aba't ang babaeng ito! "Pero sa lahat ng mayaman si Richie lang ang totoo dito, moody man sya at mataray malambot parin ang puso nya. At hindi ko magagawang gamitin sya. Hindi man ako kasing yaman nya sincere ako sa pakikipagkaibigan sa kanya." Dugtong pa nya. Napangisi naman ako kay Sofie.
"You hear that, bitch?" Tanong ko dito. Napanganga pa sya sa sagot ni Chloe.
"At akala mo naman tunay yun Richie? Iiwan ka din nya!" Sabi pa nito na naiinis.
"We'll see, bitch!" Sabi ko dito. Hindi na ito nakipagsagutan pa at umalis na.
"Chie?" Lumingon naman ako dito. "Friends?" Tanong pa nya.
"Tsk. Whatever!" Sagot ko naman pero bigla akong niyakap ni Chloe. "What are you doing?"
"Wala lang. Masaya akong friends na tayo." Sinabi nya yan ng humiwalay sya sa pagyakap sa akin.
"At sinong may sabi?" Nakataas kilay kong sabi dito. Feelingera talaga ang babaeng ito.
"Pres!" Bigla naman kaming napalingon. "Pres, magstart na po ang meeting natin." Kausap nito kay Chloe.
"Naku Chie di ata ako makakasabay sa ng lunch sayo ngayon. Baka abutin kami ng hapon e. May aasikasuhin kasi kami para sa nalalapit na foundation. Baka sa kanila na ako sumabay kumain." Sabi nya sa akin.
"Just leave, I don't even care." Sagot ko naman pero tinawanan nya lang ako. Nagpaalam na sya at umalis na sila. Kailan kaya nya seseryosohin ang mga sinasabi ko sa kanya?
Simula ng samahan ako ni Chloe wala ng nangangahas na bullyhin sya. Kaya normal narin ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kanya, hindi na sya ang utusang si Chloe. Pero kahit naman bullyhin sya nalaban na ito, dahil siguro sa lagi kong panenermon sa kanyang wag magpaapi.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...