"That was awesome Richie!" Namamanghang sabi ni Louie. "Your suc-----" Hindi ko na inintay pang matapos ang sinasabi nya tumakbo na ako palayo. Narinig ko pa ang pagtawag nya pero hindi na ako tumigil pa sa pagtakbo. Nakarating ako sa dulo ng campus. Sa may second gate ng university. Di ko na namalayan na dito ako dinala ng mga paa ko.Sumandal ako sa isang puno ng mangga at dahan dahang naupo. Maya maya pa ay tumulo ang luha kong kanina pa gustong kumawala. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halo halong emesyon. Galit, inis, tuwa, at sakit. Galit kay Sofie dahil tinurin ko syang tunay na kaibigan pero iba ang iginanti nya sa akin.
Inis sa sitwasyong kailangan pa nya akong ipahiya at sabihan ng masasakit na salita laban sa akin gayong sya naman ang may ginawang hindi maganda. Wala akong balak magmaldita sa kanya kung hindi lang ganun ang pakikitungo nya sa akin. Na ang lakas ng loob nyang ipamukha sa akin na naagawan nya ako. Tuwa, dahil nakaganti ako sa kanya ngayon. Pero parang hindi iyon maramdaman ng puso ko. Sakit, masakit sobrang sakit na pinagpalit ako ng taong minahal ko sa taong pinagkakatiwalaan ko.
Ilang taon na ang lumipas pero bakit nandito parin ang bigat? Bakit nararamdaman ko parin ang sakit? Yung sakit na ipinaranas sayo ng mga taong pinahalagahan at pinagkatiwalaan mo. Bakit kailangan nila akong saktan ng ganito? Hindi ba ako kamahal mahal?
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Nahihirapan na akong huminga. Humihikbi ako hanggang sa lumakas na ang pag-iyak ko. Hindi na kayang itago at hawakan ito ng puso ko dahil sobrang bigat na. Nakaupo lang ako habang tinatakpan ko ang mukha ko.
"Miss." Dahan dahan kong iniangat ang mukha ko.
Nakita ko ang isang lalaking nasa harapan ko, umupo sya para magpantay ang mukha namin. Kitang kita ang brown nyang mga mata na may mahahabang pilik mata. May matangos syang ilong at may dalawang dimples sa gilid ng labi nya. Nakangiti syang nakatingin sa akin.
"Here." Iniaabot nya sa akin ang isang puting panyo.
Pero imbes na abutin ito ay tinabig ko lang ang kamay nya.
"I don't need it!" Sigaw ko dito. Tumayo ako at pinunasan ang luha ko gamit ang kamay ko. Lalakad na sana ako palayo pero hinawakan nya ang kamay ko at inilagay nya dito ang panyong iniaabot nya. Nakatayo narin sya ngayon.
"Hindi masamang tumanggap ng tulong mula sa ibang tao, lalo na kung kailangan mo ito." May sasabihin sana ako pero tinalikuran na nya ako.
Gusto ko sanang sigawan ang lalaking papalayo sa akin pero hindi ko na nagawa pa. Ayokong amining kailangan ko ngayon ng isang taong masasandalan.
Tiningnan ko ang ang panyong nasa kamay ko. Kulay puti ito at may burdang bulalak sa sulok nito. Napangisi naman ako. Sino kaya ang lalaking iyon?
Hindi ko alam kung naging masaya nga ba ang unang araw ng pagiging third year student ko.
Pumunta na ako sa parking lot. Wala na akong balak pang umattend sa class ko dahil nawalan na ako ng gana.
"Angel, ang aga mu ata. Wala kana bang class?" Kakapasok ko lang sa loob ng mansion. Nakita ko agad si Dad sa may living room. Nakaupo habang nagbabasa ng dyaryo. Mukhang wala syang trabaho ngayon dahil madalas ko syang di naabutan sa Mansion. Lagi kasi syang may business trip o di kaya ay nasa company.
"As if you care Dad." Sagot ko naman sa tanong ni Dad.
Tinamad na kong umattend ng class ko, lalo na't classmate ko ang dalawa sa isang major subject ko. Si Sofie at Terrence. Palibhasa same kaming tatlo ng piniling course ang kaibahan lang ay ang major namin.
Nagkataong nakita ko ang pangalan nilang dalawa sa list ng subject teacher namin. Di naman ako takot bumagsak. Rank 1 lang naman ako sa buong year level namin. Kaya di ko masyadong pinoproblema ang pagliban sa klase.
"Don't talk to me that way! Ama mu pa rin ako." Galit nitong saad. Napatayo pa nga sya sa pagkakaupo.
"So? I don't care!" Sinabi ko yun ng nakatingin sa kanyang mga mata. Biglang nagbago ang reaksyon nito sa sagot ko. Imbes na mas lalo syang magalit ay nakita ko ang lungkot mula sa mga mata nya.
Kinuha ko sa bag ko ang cheque na ibinigay nya sa akin. Inilapag ko ito sa lamesa. Ibinigay nya ito para daw kung sakaling kailanganin ko ng pera. May signature na nya ang makapal na cheque'ng iyon. May bank account naman ako pero di ko alam kung para saan pa at binibigay nya sa akin ang cheque na pagmamay-ari naman nya. Saan ko naman gagamitin ang maraming pera? Isa pa may pagkukunan naman ako ng pera kung sakaling may gusto akong gastusin.
"Binabalik ko na yan sayo Dad." Tinalikuran ko na sya at umakyat papunta sa kwarto ko. Masama ang loob ko sa tatay ko dahil pinatulan nya ang Mama ni Sofie. Employee si Tita sa Company namin dati. Dahil nga gusto nitong yumaman pinakaibigan nya ako kay Sofie para mapalapit sakin at magpaawa. Well effective naman dahil nagpauto ako. Ginawa ni Dad na Secretary ang Mama ni Sofie at inakit ito.
High School kami ni Sofie ng magkakilala kami. Every sunday kasi gumagala ako sa may Park dito sa Subdivision namin.
FLASHBACK------
"Hello! Pwedeng makipagkaibigan?" May lumapit sa aking babae na kasing edad ko lang. Dahil nga friendly din naman ako ay tinanggap ko ang pakikipagkaibigan nya.
"Sana magkapareho tayo ng School no." Saad nya sakin isang araw. Nasa bahay kami at kilala na sya dito. Taga kabilang Subdivision sya pero pag may time, sya na ang pumupunta dito.
"Lumipat kana lang ng School namin." Nakangiti kong sabi sa kanya.
"Gustuhin ko man di kaya ni Mama eh. Triple pa ata yang tuition ng school mo sa pinapasukan ko ding private school."
"Okay. Sige sasabihin ko kina Mommy na tulungan ka." Sabi ko dahil gusto ko din naman syang makasama.
"Talaga? Thank you best friend!" Niyakap pa nya 'ko sa tuwa nya.
----------END OF FLASHBACK
Yun na pala ang simula ng panggagamit nya sa akin. Masyadong malambot ang puso ko noon at madaling magtiwala kung kanino man. Kung dati ay palakaibigan ako ngayon kahit isa wala akong kinakaibigan. Wala na akong tiwala kanino man. Sinabi nga ni Louie sa akin noon na napakataray ko pero mas malala daw ang pag-uugali ko ngayon. Masyado kasi akong spoiled lalo na't only child lang ako.
Nalaman ko lang lahat ng pangloloko ni Dad kay Mommy dahil sa Nanny ko noong High School ako at ng bumisita ako sa Company namin nakita ko si Dad at si Tita na masayang nag-uusap. Mukha silang naglalandian. Matagal ko na ring napapansin na laging matamlay si Mom, siguro ay dahil kay Dad. Ang akala ko lahat ng oras nya ay ginugugol nya sa pagtatrabaho yun pala ay dahil nageenjoy sya sa piling ng magaling nyang kabit.
Mas lalo pa kong nagdamdam ng mamatay si Mommy dahil sa sama ng loob. At ang lalo pang ikinasasama ng loob ko ng hiniwalayan ni Dad si Tita ng namatay na si Mom. Kaya mas lalo akong nagalit kay Dad at kay Tita. Hindi naman sana madadamay si Sofie eh.
Kaso mag-ina nga sila, parehong manggagamit at mang-aagaw. Hindi ko napansing panay tulo na ng luha ang pisngi ko at nakatulugan ko na ang pag-iyak. Hindi ko kayang magpatawad hanggat nararamdaman ko ang sakit na to!
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...