Dumating na nga pala ang Gown ko noong Lunes pa. Hindi ako nagkamali sa pagpili dahil napakaganda talaga nito.
Bumalik narin pala sa Mansyon si Sofie at sa sobrang kapal ng mukha nito akala mo ay walang nangyari kung makarampa ito sa School. Kasama na naman nya ang alipores nya. Hindi ko alam kung bakit bumalik pa ang mga iyon sa kanya pagkatapos ng nangyaring palabas. Mukhang mahirap din pala mabuwag ang pagkakaibigan nila. Hmn. Paano kaya kapag naghirap na si Sofie? Mag-stay parin kaya sila? I can't wait to see that.
Pabalik na rin si Dad, excited na ako dahil babalik na sa normal ang lahat. Pwede na muling pumasok sa Mansion si Dwayne at mawawala na ang mga bodyguards ko.
Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay bumaba ako sa unang palapag. Nakita ko pa na nagmamadali ang dalawa kong katulong papalapit sa akin. Pababa na kasi ako ng hagdan.
"M-miss! Miss!" Hinihingal na saad ni Elsa.
"S-sa O-office po ni M-mr. Real." Dugtong naman ni Elena.
"What?" Nakataas kilay kong saad dahil hindi ko maunawaan ang sinasabi nila.
"Nandoon na ang Daddy mo, Hija." Napatingin ako sa baba ng magsalita si Manang Catalina.
"Si Dad?" Bigla akong napangiti ng maunwaan ang sinabi nito. Shocks! Nandito na si Dad.
Hindi ko na inintay pa ang sagot nito. Pandalas na akong bumaba ng hagdan para makapunta agad kay Dad.
"Miss, dahan dahan lang po!" Sigaw ng katulong ko, pero mabilis parin akong tumakbo papunta sa Opisina nito.
"Dad!" Masiglang sigaw ko ng makapasok ako sa loob. Hindi ko pinansin si Sofie na hinahalungkat na ang uwi ni Dad galing sa Madrid.
Mas napangiti ako ng salubungin ako ni Dad ng yakap at halik sa pisngi.
"I missed you, Sweetheart."
"I missed you too, Dad." Mahigpit na yakap rin ang isinukli ko rito. Kahit ilang beses na kaming nagtalo ni Dad hindi siguro mababawasan ang pagmamahal ko rito.
"May pasalubong pala ako sa'yo, Hija. You would like it for sure." Inakbayan ako ni Dad at lumapit kami sa kinaroroonan ni Sofie.
Tuwang tuwa si Sofie habang tinitingnan ang mga damit at chocolates na uwi ni Dad. Imbes na mainis dito ay naaawa ako. Nakakaawa sya dahil mukha syang pulubi sa paningin ko. Namamalimos ng pagmamahal at atensyon sa aking ama. Namamalimos rin ng pera at materyal na bagay sa Ama ko. Isang pulubi na nangangarap na mapasakanya ang lahat ng meron ako. Tsk. Pathetic bitch!
"What is that? I'm excited to see it, Dad." Nakangiting saad ko dito.
Humiwalay pa sya sa akin para siguro hanapin ang ibibigay nya. Pero ng hahanapin na sana nya ang bagay na pasalubong nya sa akin ay bigla itong huminto. Sinundan ko ang mata nito na nakatuon sa hawak ni Sofie.
"Dad, this is so beautiful." Nagniningning ang mata ni Sofie habang nakatitig sa laman ng velvet jewelry box na hawak nito. Hindi ko iyon makita dahil nakaharap ito sa gawi namin ni Dad kaya natatakpan ng takip nito ang laman ng box. "I love it, Dad." Bulalas nito habang ang paningin ay nandoon parin.
Tiningnan ko si Dad pero hindi ito ngumiti sa komento ni Sofie sa uwi nito.
"I'm sorry, Sofia." Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Dad. Nag-angat ng tingin si Sofie. Halatang naguluhan rin ito sa sinabi ni Dad. "That jewelry set is for Angel." Saad ni Dad na parang nahihiya, mukhang ayaw nitong mapahiya si Sofie sa harapan ko.
Nawala ang ngiti ni Sofie at bumakas ang pagkadismaya nito dahil sa sinabi ni Dad. Isinara nito ang box at marahang tumayo para iabot kay Dad. Parang ayaw pa nitong bitawan iyon. Hindi naman ako mahilig sa alahas. Hmn. Gaano kaya kaganda ang ng laman box na iyon?
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomantikI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...