LOUIE’S POV
Nakarating na kami sa Cafeteria, ngayon ay kumakain na kami ni Richie. Naibalita na nga pala nyang nagkaayus na sila ng Papa nya. Masaya ako para kay Richie, sa totoo lang ngayon ko lang ulit sya nakitang ngumingiti. Yung totoong ngiti na alam mong tunay nyang nararamdaman.
“Ano naman ang problema mo ngayon?” Biglang tanong ko sa kanya. Sumeryoso naman ang mukha nito.
Ikwinento nya sa akin ang nangyari sa dinner nila ng kanyang Papa, pati narin ang napag-usapang arranged marriage. Hindi din nya itinago na tumawag si Charlie sa kanya. Yung lalaking kasama nya noong isang araw.
“Si Charlie ang balak mong pagpanggapin?” Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin. “Bakit sya?”
“Hmn. Sa totoo lang para kasing kilalang kilala na nya ako, para bang nauunawaan nya ako. Ewan ko ganun pakiramdam ko pag magkasama kami.” Sagot nya sa akin. “Isa pa kayong dalawa lang naman ang kakilala kong lalaki na pwedeng malapitan. Bawal ka naman dahil magpinsan tayo.”
“Yun lang ba ang dahilan?” Tanong ko naman sa kanya pero kinunutan lang nya ako ng noo. Umiling nalang ako. “Oh gusto mong tulungan kitang humanap ng iba?”
“Pwede naman kaso...” Bigla syang tumigil sa pagsasalita. “Ay ewan, basta tulungan mo ako!” Bigla nalang nyang sabi. “Hindi ko rin naman makita si Dwayne.” Dugtong pa nya.
Napalingon naman ako sa kanang side ko at napansin ko ang lalaking kanina pa ata nakatingin kay Richie. Napangiti ako ng makitang ito ang kanina pang hinahanap ni Richie. Tumingin ako kay Richie at ngumiti dito. Sumenyas ako dito gamit ang kamay ko para lumapit sya sa akin. Kumunot ang noo nya pero inilapit nya parin ang mukha nya sa akin. Inilapit ko rin ang mukha ko sa kanya, alam ko kasing nakamasid na ngayon ang lalaking iyon sa amin. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni Richie.
“Don’t worry tutulungan kitang hanapin sya pero kapag hindi nagtagumpay ang plano mo itatakas kita kay Tito at isasama sa malayung isla.” Bulong ko sa kanya.
Lumayo ako ng kaunti at nakitang tumatawa ito habang umiiling sa sinabi ko. Bigla ko naman hinipan ang tenga nya at tumawa ako. Alam kong sa paningin ni Charlie ay hinalikan ko ang pisngi ni Richie. Lumayo sya sa akin at hinampas ang braso ko.
“Are you crazy?” Nakakunot nyang sabi sa akin. Mukhang nagalit ata sa ginawa ko. Ganun kasi ang pang-asar ko sa kanya dati. Ang hipan ang tenga nya, nakikiliti kasi sya pag ginagawa ko iyon.
“Isip bata ka talaga!” Dugtong pa nya. Tumatawa lang ako pero bigla kaming natigil sa malakas na pagkalabog ng lamesa.
Napatingin kami kung saan nanggaling iyon at napangisi ako ng makita ko si Charlie na nakatayo at maya maya pa ay lumakad na ito palabas ng Cafeteria.
“Si Dwayne yun ah?” Napalingon pa si Richie dito pero lumabas na si Charlie ng Cafeteria.
Mukhang tama ang hinala ko.
RICHIE’S POV
“Si Dwayne yun ah?” Napalingon ako sa lalaking papalabas na. Nakita ko pa ang mga kasama nyang tinatawag sya pero tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Andito lang pala sya sa Cafeteria. Bakit hindi ko sya napansin?
“Ano kayang problema nya?” Nagkibit balikat naman si Louie sa tanong ko. Hmn. Ano nga naman alam ng lalaking ito e pangalawang beses palang nyang nakikita si Dwayne?
“What a wonderful day.” Sabi pa ni Louie habang nakangiti.
“Ha?” Tanong ko dahil hindi ko naintindihan ang sinabi nya. Umiling lang sya at nagyakag na sa aking lumabas dahil tapos narin naman kaming kumain.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...