Chapter 61

112 22 0
                                    

"Richie!" May biglang humawak sa kamay ko at kinabig ako paharap sa kanya. Dahil sa malakas na pagkabig nito sa akin ay nawalan kami ng balanse at natumba sa semento.

Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakita ang sasakyang umusad na palayo sa amin. God! Muntik na akong masagasaan!  "Ouch." Narinig kong daing ng humila sa akin. Nakayakap ito sa akin at nakahiga kami sa kalsada habang ako ang nasa ibabaw nya. Tiningnan ko ito at kitang kita ang pag-aalala nito.  "Ayus ka lang ba?" Napakaswerte ko talaga ngayong araw na ito. Sa dami ng tao sa mundo sya pa talaga ang magliligtas sa akin. Tsk!

"Oo, ayus lang ako." Bigla akong tumayo. Napangiwi naman ako dahil kumirot ang braso ko. Shit! Nagasgasan ako, nasira ang long sleeve uniform ko. Tsk.
"Dadalhin na kita sa Ospital." Nakatayo na din sya. Inalalayan ako nito na makaupo sa pinakamalapit na bench sa amin.

Tsk. Napalingon ako sa paligid at nakitang nasa labas na pala ako ng Campus. Yung mga tsismosa naman na nakamasid kanina ay umalis na.  "No, uuwi na ako." Tatayo na sana ako pero hinawakan nya ako sa balikat para hindi ako makaalis sa pagkakaupo. Masamang tingin ang ipinukol ko rito.  "No, you won't go home, unless we go to the hospital first." Seryosong saad nito.  "Tsk. Anu ba? Hindi kaba makaintindi? I said no! I won't go with you! Never!" Sigaw ko dito.
"Please Rich, nag-aalala lang ako sayo. Let me---" Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sa balikat ko at tumayo na. Tinalikuran ko na sya ng di tinatapus ang sinasabi nya. "Richie! I know masakit yan, kung ayaw mo talagang pumunta sa Ospital ako nalang ang gagamot sayo." Tsk. Ang kulit ah.  "As if you really care!"  "I'm sorry. I know I'm such a jerk to hurt you."  "Tsk. Enough of your sorry, Terrence. Nakakasa-------  "Shit! Ano ba ibaba mo nga ako?!"  "We need to talk!"  "What the hell?!" Nagwawala ako sa pagkakabuhat nito pero mas malakas ito sa akin. "Nakapag-usap na tayo! Wala na tayong dapat pang pag-usapan!" Hiyaw ko pero parang wala itong naririnig sa sinasabi ko. Dinala nya ako sa sasakyan nya at iniupo sa passenger seat. Sumakay din sya agad at mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"F*ck you! Saan mo ako dadalhin?!" Sigaw ko rito habang pinagsusuntok sya sa balikat. Pero mukhang hindi man lang ito nasasaktan sa ginagawa ko.

"Oy! Saan mo ba ako dadalhin?!" Itinigil nya ang kotse nya at walang pasabi na bumaba ito.  "Shit! Nakalock!" Ilang minuto pa ang lumipas at bumalik din sya na may dalang paper bag.

"Ano to?" Iniabot nya sa akin ang paper bag na malaki.
"Medicine and food."  "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Umusad muli ang sasakyan at hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng lalaking ito.  "Our place." Napamaang ako sa sagot nito.  "What? Are you out of your mind? Shit! Ibaba mo na ako!" Hiyaw ko pero tulad kanina ay parang wala itong naririnig.

Ilang minuto pa ang lumipas at tumigil narin ang sinasakyan namin.
"We are here. Let's go!" Napilitan akong bumaba dahil alam kong hindi rin naman ako makakaalis sa lugar na ito. Wala kasing dumadaan na sasakyan dito. Tsk.

Nandito kami sa isang lugar na tahimik para syang mini park. Yun nga lang walang katao tao kundi kami. Pumunta ako sa malaking puno kung saan isinulat pa namin ang 'Terrence ♡ Richie'. Hanggang ngayon ay malinaw parin itong nakaukit doon. Parang bumalik sa akin ang nakaraan pero mas naalala ko yung sakit kaysa sa sayang naramdaman ko kasama sya.  "Wala paring pinagbago. Halika dito, Richie." Umupo ako sa harapan nya kung saan naglatag sya ng isang sapin. Malilom ang pwesto namin dahil nga sa malaking puno. Mahangin din kaya presko ang paligid. Marami rin kasing puno.

"Wala ka paring kupas. Handang handa ka parin sa gantong pagpipicnic." Natawa lang ito sa sinabi ko. Lagi kasi syang may handang panlatag. Mahilig kasi si Terrence sa mga ganitong lugar. Dito lagi ang tambayan namin noon.

Ginamot nya muna ako. Hindi na ako pumalag pa dahil kumikirot talaga ang sugat ko. Pagkatapos noon ay inilabas na nya ang mga pagkain na binili nya.  "Alam ba ito ni Sofie? I'm sure magwawala na naman iyon at aawayin ako. Tsk. Baliw yang girlfriend mo."

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon