Chapter 73

111 21 0
                                    


"Anong nangyari kay Chloe? Nakita ko kasi syang tumatakbo habang umiiyak." Napasulyap naman ako at hindi makapaniwalang nakita si Dwayne sa labas ng theatre. "Ah, nasa Opisina na ako ng maalala kong nagbake pala ako. Nasa kotse ko yung cupcakes mo. So, ayun nga tinapos ko lang saglit yung iniwan ng sekretarya ko tapos bumalik ako dito." Mahabang paliwanag nito ng hindi ako kumibo sa tanong nya habang titig na titig.

"About Chloe, napanuod nya na ang video clip."

"Oh. Mukhang hindi sya okay." Saad nito. Alam ni Dwayne ang tungkol sa ginawa ko kay Sofie pati ang laman ng video. Wala akong itinago sa kanya tungkol sa plano kong paghihiganti. 

"I don't know." Kibit balikat kong saad. 

"Hindi parin ba kayo ayos? Matagal tagal nadin yun ah."  

"Right now, I really don't care about her."  
"Hmn, pero sana naman magkaayos na kayo. Sayang ang pagkakaibigan nyo. Anyway let's go somewhere." Nakangiti nyang saad. 

"Ha? Saan naman?"  

"Kung saan tayong dalawa lang." Kinindatan pa ako ng ungas. Tsk.  

"Richie." Napatigil naman kami ni Dwayne sa paglalakad ng biglang humarang sa daan si Terrence.  

"Oh? Terrence. Nice act ah." Nginitian ko pa sya. Bigla naman akong inakbayan ni Dwayne na inirapan ko lang. Tsk. Inaatake na naman ito ng kanyang sakit. Selos. 

"Possessive, I see." Natatawang saad ni Terrence. "About that act, pinaghandaan ko talaga iyon." Nakangiti nitong saad. "And nga pala Richie, I need to say good bye, for now. Flight ko na mamaya."  

"What?" Napamaang ako sa sinabi nito "Bakit ngayon kalang nagpapaalam?" Nakakunot noo kong saad. Hindi ko man aminin pero nalungkot ako sa balita nito.

Actually Terrence is my boy-bestfriend before we got into a relationship. I think naibalik namin kahit papaano ang pagkakaibigan namin sa ilang araw na nagkakasama kami. 

"Oh, wag kang iiyak. Biglaan eh. Babalikan naman kita if that's what you want." Kumindat pa ito sa akin. Pinalo ko naman sya sa braso dahil sa pagbibiro nya. Tsk. Pagseselosin pa ang Ungas ko eh. 

"Bakit naman kita iiyakan?" Nakataas kilay kong saad dito. "Kahit wag kanang bumalik." Pabiro ko pang dugtong na ikinasimangot nito. 

"Aalis na nga ako't lahat tinatarayan mo pa rin ako." Naiiling na saad nito  

"Hindi kana nasanay. Sya mag-ingat ka doon." Bago ko pa mayakap si Terrence ay hinigit agad ako ni Dwayne pabalik sa kanya.

Natawa naman si Terrence dahil sa ginawa ni Dwayne habang ako ay sinamaan ng tingin ang Ungas. Umiwas naman ito ng tingin sa akin na akala mo ay walang ginawa. Tsk.

"I will and take care too. Sorry at salamat sa lahat, Rich." Nakangiti nitong saad. Hinalikan nya agad ako sa noo at umatras palayo sa kinatatayuan ko.

Huli na para makita iyon ni Dwayne pero napansin nya ang mahinang pagtawa ni Terrence na malayo na sa gawi namin. Ang likod ng kamay nito ay nasa labi nya habang malokong nakatingin kay Dwayne. Tsk. Aalis na nga lang mang-aasar pa.

"Bye Honey! I'll visit you soon!" Kumaway pa ito sa akin habang naglalakad paurong. Naiiling naman akong kumaway dito. Tumalikod na ito at tumakbo palayo hanggang sa hindi ko na ito matanaw.

"That jerk!  Where did he kissed you?! And what he did called you? Honey?" Galit nitong tanong habang nakatingin sa nilakaran ni Terrence.

"He kissed me in my cheek. Yep, Honey." Sagot ko rito para mas asarin ito.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon