Chapter 76

116 21 0
                                    


Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at umalingawngaw agad sa pandinig ko ang cellphone kong nag-iingay. Inis akong lumapit sa kama ko at dinampot ito. Nang makita kong si Dwayne ang tumatawag ay huminga ako ng malalim at pilit na pinahupa ang inis kong nararamdaman bago sagutin ang tawag nito.

"Love, nandito na ako." Masiglang saad nito. Sh*t! Anong sasabihin ko?

"L-love."

"May problema ba?" Nahimigan siguro nito ang tono ng boses ko.

"H-hindi kasi ako pwede ngayon."

God! Sorry Dwayne! Baka lalo akong paghigpitan ni Dad kapag nalaman nya ang nangyari kagabi or worst baka ipa-house arrest ako ni Dad. Kilala ko si Dad at nagawa na niya iyon sa akin noon. Over protective ito sa akin kaya hanggat maari kailangan kong mag-ingat ngayon. At sa ayaw o gusto ko man kailangan kong sundin ang bwisit na Butler na iyon. Tsk. Kilala ko si Kira gagawin nya ang gusto nya. Masyadong tiwala si Dad sa lalaking iyon kaya paniguradong hindi ko gugustuhin ang resulta sa oras na magsumbong ito kay Dad.

"Ha? Bakit? May nangyari ba?" Nag-aalalang saad nito.

"Wala." Sagot ko agad at napakagat sa ibabang labi. Sh*t!

Sorry Dwayne. Ayokong magsinungaling pero ayokong mag-alala ka sa akin. Baka hindi mo na ako lubayan para mabantayan lang at hindi mo na magawa ang dapat mong gawin kapag malaman mo ang nangyari kagabi. Isa pa hindi naman iyon big deal. Sabi naman ni Kira, robbery lang iyon. Kaya okay lang kung hindi mo malaman. Tsk. Okay nga lang ba?

"Are you sure?" May pagdududa nitong tanong. Napalunok naman ako. Tsk. Mukhang pagdating kay Dwayne nahihirapan akong umakto na ayus. Tsk.

"Yes. Sorry Love. Babawi ako sa susunod, may kailangan kasi akong gawin." Nakangiwi kong saad.

I'm dead!

"Sige." Malungkot nitong saad.

"Ingat ka pauwi. Sorry talaga ah."

"Okay." Ito na mismo ang pumutol sa tawag. Napahiga naman ako sa kama ko.

Bwisit! Bwisit! Kailan pa natutong mang blackmail ang lalaking iyon?! Kasalanan nya ito!

Bumangon ako at naupo sa sofa. Binuksan ko ang laptop ko para maging abala at mawala ang inis na nararamdaman ko sa hinayupak na lalaking iyon. Tsk. Dinaig ko pa ngang nakakulong.

Tumaas naman si Elsa at dinalhan ako ng makakain. Hindi daw kasi ako kumain ng umagahan. Kahit wala akong gana na kumain ay pinilit ko ang sarili ko. Nagugutom narin kasi ako, ayoko namang mahimatay nalang sa gutom. Tsk.

Siguro ay trenta minutos palang ang lumilipas ay nakatanggap akong muli ng tawag kay Dwayne. Sinagot ko naman ito agad.

"Dwayne?"

"Why are you keeping that to me?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa tanong nito, lalo na sa malamig na boses nito.

"A-anong sinasabi mo?" Kinakabahan kong tanong.

"Really Angel? Wala kang balak na sabihin sa akin ang nangyari sa'yo kagabi?" God! How did he know? Bakit nalaman nya agad? "What? Talk to me, Angel." Halata na hindi maganda ang mood nito dahil sa pagsisinungaling ko.

"I'm sorry." Nakayukong saad ko kahit hindi naman ako nito nakikita.

"Iyan lang ang sasabihin mo sa akin? Bakit kailangan mo pang magdahilan ng iba kung pwede mo namang sabihin sa akin ang totoo?"

"Ayoko lang na mag-alala ka." Narinig ko ang walang buhay nitong pagtawa sa kabila.

"No you're not. Wala kang tiwala sa akin kaya hindi mo sinabi. Bakit kailangang sa Butler ko pa malaman ah? Nagmukha akong tanga, Angel." Naghihinanakit nitong saad. Hindi ako nakaimik dahil kasalanan ko naman na hindi ko sinabi dito.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon