Chapter 68

124 22 0
                                    

RICHIE's POV

"Hey, maligo kana!" Saad ko rito ng makalabas ako ng banyo. Nakaupo ito patalikod sa gawi ko kaya lumingon pa ito sa akin.

"Magbihis ka nga muna!" Reklamo nito sa akin at nag-iwas ng tingin. Natawa naman ako sa reaksyon nito. Nakabathrobe lang kasi ako.

"Oho!" Naiiling na saad habang natatawa. Pumasok na ako sa walking closet ko at pumili ng maisusuot. Isang sleeveless dress lang ang isinuot ko. Tutal wala naman akong balak lumabas ng Mansion ngayong araw.

"Okay na po." Mapang-asar na saad ko kay Dwayne dahil nakaupo parin ito sa sofa. Mukhang ayaw pumasok ng banyo ng hindi ako nagdadamit. Tsk.

"Wala akong pamalit." Saad nya ng humarap ito sa akin.

"Sa susunod nga magdala kana ng damit mo."

"So, may susunod pa?" Nakangising saad nito na inirapan ko lang.

"Maligo kana nga!" Sabay bato ko ng isang bagong towel dito. "Ikukuha muna kita ng bagong damit." Natatawa naman itong nagtungo sa banyo.

Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa isang kwarto na may mga damit panlalaki. Kumuha ako ng isang Polo shirt na puti at khaki short para kay Dwayne. Bumalik muli ako sa kwarto at inilapag sa kama ko ang damit nito. Naupo ako sa sofa habang iniintay ang paglabas ni Dwayne.

Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas narin si Dwayne sa banyo. Kinuha nito ang damit na inilapag ko sa kama at nagpalit sa banyo. Pagkatapos noon ay naupo sya katabi ko habang kinukuskos ang buhok nya ng towel na ginamit nya.

"Ako na nga." Agaw ko sa hawak nitong towel. Nakaluhod ako sa sofa para mas mapunasan ko ang buhok nito. Ilang saglit pa ay tinigilan ko na ang pagpupunas nito at naupo na ng ayos sa tabi nya. Ipinatong ko ang towel sa ibabaw ng lamesa.

"Angel." Nilingon ko ito at nakita ang seryosong mukha nito habang nakatingin sa labi ko. Napataas naman ang kilay ko sa inakto nito.

"Ano na namang kabaliwan ang iniisip mo?"

"Kiss mo 'ko." Nakangusong saad nito. Umipod naman ako palayo dito. Tsk. May kahalayan talaga ang lalaking ito.

"Tigilan mo ako sa pagiging adik mo ngayon ah!" Saway ko rito pero umipod din ito palapit sa akin.

"Sige na! Isa lang! Miss ko na yan eh. Halos dalawang linggo kong hindi natikman yan."

"Gag*! Anong akala mo? Pagkain 'to?" Singhal ko rito. Tumayo na ako dahil may kalapitan na ito sa akin. Tsk.

"Oo, lasang cherry. Matamis." Nakangising saad nito. Tumayo narin ito at unti unting naglakad papalapit sa akin. Ako naman ay pumunta sa likuran ng sofa para makalayo dito.

"Tsk. Manyak mo!"

"Isa lang!" Hiyaw rin nito pabalik sa akin.

"Tigilan mo ako, Dwayne ah. Wala kang halik ngayon dahil sa pang-aaway mo sa akin noong Friday." Tumigil naman ito sa akmang paglapit sa akin.

"Akala ko ba bati na tayo? Eh ba't binabalikan mo pa?" Bagsak ang balikat na saad nito. Nakanguso ito na akala mo ay nanalo sa lotto pero hindi nakuha ang cash prize. Tsk.

"Bati na nga, pero iyan ang parusa mo dahil sa ginawa mo."

"Grabe ka naman. Sobrang lupit mo naman, Love. Sinasaktan mo ako." Saad nito habang nakahawak sa tapat ng dibdib nya kung nasaan ang puso nya.

"Sige, kulitin mo pa ako, Dwayne. Dalawang buwan kang hindi makakatikim ng cherry'ng to." Napangiti ito sa sinabi ko. Tsk. Ano na naman kaya ang iniisip nito?

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon