Chapter 30

149 21 0
                                    


Naglakad na kami habang hawak nya ang kamay ko. Pinipilit kong bawiin ang kamay ko sa pagkakahawak nya kaso lalo nyang hinihigpitan. Baka daw kasi mawala na naman ako sa paningin nya. Ang korni!

“Okay lang ba kung dito tayo kumain?” Napatingin ako sa pangalan ng gusto nyang kainan. McDonald’s.

“Ayus lang naman, kung saan mo gusto.” Sagot ko nalang sa kanya. Dahil sa totoo lang nagugutom na talaga ako.

Medyo maraming kumakain sa loob. Maigi at nakahanap pa kami ng bakanteng upuan. First time ko lang kakain sa fastfood na ito, last time ay kumain na ako sa Jollibee kasama si Chloe at Alexa. Mukhang bago matapos ang taon ay makakakain ako sa lahat ng fast food dito sa mall. Tsk.

“Wait order lang ako ah.” Tumango naman ako sa kanya. Di man lang nya ako tinanung kung anung gusto kong kainin. Tsk. Napatingin ako sa counter, ano kayang masarap sa mga pagkain dito? Hmn. Mukha namang masarap ang fillet nila.

Nakita ko si Dwayne na nakapila, napansin ko na naman ang mga taong nakatingin sa kanya. Agaw pansin talaga ang kagwapuhan ng lalaking ito. Naghintay pa ako ng ilang minuto at sa wakas nakabalik narin si Dwayne. May buhat syang isang tray at may kasunod pa syang crew na may buhat ring dalawang tray. Inilapag nila ito sa lamesa na nasa harapan ko.

“Thanks.” Sabi pa nya sa lalaking crew. Ngumiti lang ito sa kanya at umalis narin.

“Ano yan?” Taka kong tanong sa kanya, ang dami nya kasing inorder. As in. Akala mo limang tao kaming kakain.

“Hindi ko kasi alam ang gusto mo. Isa pa first time ko lang kasing kakain dito kaya hindi ako makapagrecommend sayu ng masarap na pagkain.” Napamaang naman ako sa sinabi nya. Kaya pala di man lang nya ako tinanong.

“Eh bat dito mo pa ako niyakag?”

“Gusto ko kasing matry ang mga bagay na bago sa ating pareho. Gusto kong itry lahat ng bago kapag kasama ka.” Hindi naman ako nakaimik sa sinasabi nya. Pinapakilig ba ako ng Ungas na ‘to? Kasi effective. Tsk.

“Kumain kana. Kailangan natin yang ubusin.” Nakangiti nyang sabi. Inilapag nya sa harapan ko ang isang kanin na may kasamang fillet. Apat na extra rice din ang nasa tray. Fries, ice cream, burger, spaghetti at chicken ang nakalagay sa lamesa namin. Ang inumin naman ay softdrinks, pineapple, tubig at iced tea. Napapailing nalang ako sa inumin, mukhang gustong pasakitin ng lalaking ito ang tyan ko ah.

Inialis nya sa tray at inilapag sa mismong lamesa lahat ng pagkain at inumin. Nang matapos iyon ay nagsimula na kaming kumain. Kumain lang ako ng kumain at mukhang hindi na pinansin iyon ni Dwayne. Siguro ay alam nyang titigil ako sa pagkain pag inasar nya ako.

“Kumain ka pa.” Sabi ni Dwayne. Katatapos ko lang kainin ang spaghetti at kakainum ko lang ng tubig. Siguro ay nakatatlong kanin rin ako. Buti nalang talaga ay hindi ako tabain kaya walang problema kung kumain ako ng kumain.

“Busog na ako. Masarap naman pala ang pagkain dito.” Nakangiti kong sabi. Hindi naman sya umimik pero nakatingin lang sya sa akin. “Bakit may dumi ba ako sa mukha?” Sabay punas ko sa labi ko gamit ang tissue'ng nakapatong sa lamesa. Umiling naman sya habang nakangiti.

“Ang ganda mo lalo na kapag nakangiti ka.” Sabi nya sa akin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Narinig ko naman ang bahagya nyang pagtawa. “Make sure na sa akin mo lang ipapakita ang ngiti at pagblabush mong ‘yan.” Sabi pa nya na inirapan ko lang. Tsk. Sya pwedeng ipagdamot ako sa iba, pero kapag ako sa kanya hindi pwede? Tsk.

Hindi namin naubos ang pagkaing inorder nya kaya itinake out nya ang mga natira. Hindi ko alam kung ba’t kailangan pa nyang kunin iyon. Pwede naman nyang iwan nalang. Pero sabi nya sa akin ay may pagbibigyan daw sya noon. Hindi nalang ako umangal tutal sya naman ang nagbayad at ang may dala ng paper bag ngayon.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon