Chapter 66

117 24 0
                                    


Nanatili akong nakaupo ng mapagpasyahan kong maligo muli. Nagbabad ako sa bathtub habang naglalakbay ang isipan ko. Hindi ko alam kung ilang minuto ako nanatili roon. Nagbihis lang ako ng silk short pajamas na kulay green.

Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nahiga na sa kama. Alas nuebe na ng gabi. Pumikit na ako at ilang sandali lang ay nakatulog na rin ako.

"Miss Real!"

"Hala, baka magalit si Miss kung gigisingin pa natin sya."

"Eh, anong gagawin natin?"

"Sige, gisingin na nga natin."

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Nakakunot ang noo kong nagmulat ng mata.

Narinig ko pa ang ilang mahinang pagkatok sa pintuan. Kahit antok na antok ay naupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Tiningnan ko ang wall clock at mahinang napamura ng makitang alas dose na ng hatinggabi.

"Miss?!" Muling pagtawag ng katulong ko mula sa labas. Inis kong nagulo ang buhok ko bago sumigaw sa mga katulong ko.

"Pasok!" Inis na hiyaw ko. Bumukas ang pintuan at pumasok ang lima kong katulong. "Tsk. Ano bang akala nyo umaga na ha? At bakit ginising nyo pa ako? Kailangan pa ba ako sa pagpupulong nyo ha?!" Bulyaw ko sa mga ito habang nakayuko sila.

"Pasensya na po, Miss." Hingi nila ng tawad sa akin.

"Ano bang kailangan nyo ha? Siguraduhin nyong mas importante yang sasabihin nyo kaysa sa pagtulog ko!" Masamang tingin ang ipinukol ko sa mga ito.

"May bisita po kasi kayo." Sagot ni Josefa.

"Bisita?! Pinagloloko nyo ba ako ha? Sinong bibisita ng ganitong oras?!" Muli kong sigaw sa mga ito. "Wala akong balak lumabas!"

"Pero -----

"Walang pero pero! Lumabas na kayo at matutulog na ako!"

"Pero kanina pa po sya--------

"Ano ba?! Ginagalit nyo ba talaga ako?!" Sigaw ko sa mga ito.

"Bakit pa kasi ninyo ginising si Miss, alam nyo namang nagiging mabangis yan kapag ginigising eh."

"Anong sabi mo, Maricris?!" Umiling ito agad at yumuko. "Ano pang ginagawa nyo? Labas!" Agad namang lumabas ang mga ito dahil sa pagsigaw ko.

Mahihiga na sana ako ng bumalik si Elsa at nagsalita na naman.

"Miss, please po, labasin nyo na -------

"Aaaaaaaargh!" Hiyaw ko sa sobrang inis sa mga ito. "Oo na! Oo na! Lalabas na ako!" Hiyaw ko sa mga ito. Nakita ko pa ang kasiyahan sa mga mukha ng mga ito bago ako iniwan sa silid.

"Bwisit! Kung sino man ang lapastangan na bisitang yan ipapalapa ko sya sa aso!" Iritableng bumangon ako sa kama at padabog na naglakad palabas ng silid. Hindi na akong nag-abalang ayusin ang buhok ko o silipin ang itsura ko sa salamin. Ang gusto ko lang ay makabalik na agad sa pagtulog. Tsk.

"Oh? Nasaan na ang bisita?" Nakakunot noong tanong ko sa mga katulong ng makababa ako sa salas.

"Nasa labas na po eh, akala nya po hindi na kayo bababa." Kumakamot na sabi ni Elena.

"Tsk. Ginising nyo pa ako eh wala naman pala akong dadatnan dito!" Galit na saad ko.

"Maabutan nyo pa po yun." Agad na saad ni Jolie. Tiningnan ko ito ng masama.

"Inuutusan mo ba ako?" Bigla itong umiling sa akin. "Tsk." Lumakad ako palabas ng Mansion.

Madilim na sa labas dahil nga hatinggabi na. Ilang ilaw lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid. Nagpalingon - lingon ako sa paligid pero wala naman akong makitang tao. Naglakad pa ako papunta sa malaking gate ng Mansion dahil baka nakalabas na ang sinasabi nilang bisita pero ng makarating ako doon at silipin ang labas ay wala akong nakitang tao.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon