Chapter 71

125 22 0
                                    


Hindi ko alam kung tama ang desisyon ko na ituloy ito. Nabanggit ko na naman ito kay Dwayne noong isang araw pero wala akong sinabing isa iyong date. Tsk. Bahala na.

"Let's go." Saktong paglabas ko sa silid ko ay nakasandal na si Kira sa pintuan ng kwarto nito. Bagong bihis din ito kagaya ko at sa ayos nito ay mukhang pinaghandaan nya ang lakad namin. Tsk.

"Okay." Nagsuot lang ako ng isang simpleng dress na pinarisan ko ng doll shoes.

Nauna na akong maglakad dito pababa, nang makarating ako sa salas ay nagsalita na naman ang impostor kong kapatid. Tsk.

"Saan ang punta nyo?"

"Bakit sasama ka?" Nakataas kilay kong tanong dito.

"Sa ayus nyo palang dalawa mukhang magdedate kayo ah." Pinasadahan kami nito ng tingin. "Alam ba ito ni Dwayne?" Kinutuban ako pero dahil ayokong magpatalo sa harapan ng babaeng ito ay nagsalita agad ako.

"Oo naman. Hindi kasi ako sinungaling. Kahapon nga kadate ko si Terrence eh. Nagpaalam ba sya sa'yo?" Tumatawang saad ko rito. Nag-iba agad ang timpla nito. Umuusok na naman ang ilong.

"Anong sabi mo?! Mang-aagaw ka talaga! Napakalandi mo!"

"Mang-aagaw? Kailan pa? Sa pagkakatanda ko sa akin talaga sya." Tumatawang nilampasan ko ito.

"Are you really that kind of girl?" Binalingan ko si Kira ng magsalita ito. Nasa tapat na kami ng sasakyan nito.

"Hindi ko gusto ang pananalita mo ah."

"What? Iyon ang pinapakita mo kaya iyon ang iisipin ko."

"Why should I explain myself to you? Sino ka ba ha?" Nakita ko na nasaktan ito sa sinabi ko pero hindi ko iyon pinansin. "Wala akong pakialam sa iniisip mo. Kung dahil lang doon ay ayaw mo ng ituloy ito edi maigi, huwag na------------

"No, I'm sorry." Saad nito agad. "Let's go." Pinagbuksan ako nito ng pinto sa passenger seat kaya pumasok na ako. Tsk.

Alas syete palang. Akala ko ay doon ulit kami pupunta sa madalas naming kainan pero iba ang aming tinigilan. Dahil wala ng mapagpark-an sa mismong resto ay sa katapat na kalsada namin itinigil ang sasakyan. Nasa may Highway ang Resto kaya maraming sasakyan ang dumadaan.

Habang hinihintay namin ang go signal para makaliban kami sa kabila ay nagring ang phone ni Kira. Iminuwestra nito ang kamay nya sa akin na sinasabing hintayin ko sya. Lumayo ito sa akin para makipag-usap sa nasa kabilang linya. Tumaas ang kilay ko sa ginawa nito. Tsk. Mukhang importante iyon at hindi ko pwedeng marinig.

Tumingin muli ako sa pedestrian lane ng makitang tumatawid na ang mga tao. Nilingon ko muli si Kira pero abala parin ito sa pakikipag-usap sa telepono nito. Inis kong tiningnan ang traffic light at nakitang may 18 seconds pa para lumiban ang mga tao. Dahil naiinip na ako ay napagdesisyunan kong maglakad paliban. Hindi ko na inintay pa si Kira. Halos iilan nalang ang nakakasalubong ko at nakakasabay kong tumatawid.

Nang nasa kalagitnaan na ako ay nakarinig ako ng isang humaharurot na sasakyan. Lumingon ako sa kanan ko at nanlaki ang mata ng makita ang isang motor na papunta sa gawi ko. Hindi agad ako nakagalaw at nilukob ng kaba ang puso ko.

Mariin akong pumikit pero imbes na masaktan ako ay may humatak sa akin at ikinulong ako sa braso nya.

"What the heck? I said wait for me! Don't you understand? Are you deaf or stupid? Why are you bullheaded? Do you really want to die?!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Kira ngayon. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ayaw ko mang aminin pero natakot ako.

"What are you even thinking?! Liliban ka na nga lang hindi ka pa nag-iingat!" Patuloy parin ito sa panenermon sa akin pero walang pumapasok sa utak ko kundi ang muntik na naman akong masagasaan.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon