Chapter 78

118 21 0
                                    


"Miss Real, may nagpadala pong bulaklak." Saad ni Elena na ngiting ngiti.

Nasa hapag-kainan ako ngayon. Maaga akong nagising kahit Sabado ngayon. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayong araw.

"Kanino galing?" Tanong ko.

"Kay Sir Charlie po." Excited na sagot ni Elsa. Napalingon ako rito dahil sa sinabi nito.

"Really?"

"Opo, Miss. Kinuha lang po ni Von iyon sa Guard House kasi nga ho dipa pwedeng makapasok dini si Sir." Saad ni Maricris. Pinunasan ko agad ang labi ko ng table napkin at tumayo.

"Nasaan?" Palabas kong saad sa Dining Area. God! Ang aga aga pinapakilig na naman ako ng lalaking iyon.

"Nasa salas po." Sagot ni Jolie.

Namangha ako ng makita ang bouquet ng tulips. This is the first time I've seen what they call Ice cream Tulips. It's really looks like an ice cream. Strawberry and green ang outer petals na nagsisilbing cup, ang loob naman ay white petals na parang scoop ng vanilla ice cream.

Hmn. I wonder how did Dwayne bought these beautiful flowers.

Kinuha ko ito at pinagmasdan. Shocks! Lalo lang akong nahuhulog sa lalaking iyon. Nakita ko ang isang card na nakaipit dito. Binuksan ko iyon at binasa.

"Ice cream tulips symbolizes an eternal love which means..."

"What the heck? Bakit hindi tapos?" Komento ko ng binasa ko ang mensahe nito sa card. Tsk.

Pero ilang saglit lang ay tumunog na ang cellphone ko na nasa lamesa kung saan ko iyon ipinatong. Iniabot naman ito agad ni Elena sa akin. Habang nakayapos ang kaliwa kong kamay at braso sa bulaklak at ang kanang kamay ko ang ipinanghawak ko sa cellphone. Mas lumawak ang pagkakangiti ko ng makitang si Dwayne ang tumatawag.

"Good Morning Wifey." Malambing na bati nito sa akin.

"Good Morning Mister." Narinig ko ang impit na pagtili ng mga katulong ko. Tsk.

Tiningnan ko ang mga ito at sinenyasan na iwan muna nila ako sa salas. Wala naman silang nagawa ng paalisin ko sila.

"Nagustuhan mo ba ang bulaklak na ipinadala ko?"

"Yup, but where did you bought these? Rare ang gantong klase ng bulaklak ah." Mangha kong tanong dito.

"I know pero dahil para sa'yo iyan, walang mahirap hanapin, Love." Oh. My cheesy man!

"Tsk."

"And I want to ask you another question."

"Go on."

"I'm asking you to be my date in the Graduation Ball."

Date? God! I forgot to tell him about Dos.

"Hey Angel? Still there?" Pukaw nito sa akin.

"D-dwayne."

"Yes?"

"N-niyakag na kasi ako ni Dos pero huwag kang mag-alala babawiin ko nalang ang pag-oo ko. Actually ginawa yun ni Dos para mapag-ayos tayo e. Galit kaba?" Mahabang saad ko.

"Alam ko."

"Oh. How did you know?"

"Nalaman ko sa isang Senior na dito nag-o-OJT sa Company. Ang tarant*dong iyon ipinagmalaki pa talagang ikaw ang partner nya. Akala ata nya hindi makakarating sa akin ang pagyayakag nya sa'yo."

"Did you hurt him?" Nag-aalala kong tanong dito. Baka kasi nagtalo sila gawa ko.

"Hindi ko pa sya nababangasan ngayon. Inuna ko muna ang pagyayakag sa'yo bago ko sya sugudin. Pero nakausap ko na sya over the phone. Wala na sana akong balak na pumunta sa ball pero dahil sa kumag na lalaking iyon kailangan kong pumunta para sa'yo. Hindi ako papayag na ibang lalaki ang makasama mo doon." Galit na saad nito.

I Don't Care (♥COMPLETED♥)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon