"Hey beautiful!" Nag-angat ako ng tingin at bumungad sa akin ang nakangiting si Dos. "You look sad. Come on, let's have some coffee outside." Hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan agad ako nito sa pulsuhan at hinila palabas ng Campus.Bubuksan na sana nya ang pinto ng sasakyan nya para papasukin ako ng may pumigil sa pintuan. Si Franz.
"Woah! What is this?" Gulat na saad ni Dos.
"She can't go out with you." Napalingon ako at nakita ang nakakunot noo na si Kira.
"Guards mo ba sila?" Biglang tanong ni Dos at hinarap ang mga ito.
"Yep. Mga asungot." Bulong ko rito.
"Gusto mo bang makipagbasag ulo ako para maitakas kita?" Bulong rin nito sa akin. Nakahawak parin ang kamay nya sa pulsuhan ko.
"Seryoso? Gagawin mo iyon?" Namamangha kong tanong rito.
"Syempre hindi. Nako naman, Richie, sa tingin mo mabubuhay pa ako sa limang yan? Ayokong umuwi na isang malamig na bangkay. Sayang ang lahi ko." Bulong ulit nito sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sinabi nya.
"Let's go, Miss Real." Saad muli ni Kira.
Hinablot ko ang kamay ni Vil na syang ikinagulat nito.
"Sasabay nalang sa amin si Vil sa sasakyan ni Dos." Mariin kong saad.
Ako ang mismong nagbukas ng pinto ng passenger seat at pinaupo si Vil doon. Wala silang nagawa ng sumakay na ako sa backseat ng sasakyan. Umikot narin si Dos at sumakay sa driver's seat.
"Sigurado kaba sa ginagawa mo?" Tanong ni Dos sa akin.
"Tsk. Hayaan mo sila."
"Eh, paano kung patayin ako ng mga bodyguards mo."
"They won't. Isa doon ang kakambal ko at hindi namin hahayaan na masaktan ang kaibigan ni Miss Real." Sabad naman ni Vil.
Nakahinga naman ng maluwag si Dos sa sinabi nito. Gusto kong matawa sa reaksyon nito. Mukhang kinutuban sya kanina. Nagdrive nga si Dos at pumunta kami sa isang coffee shop.
Pumasok kaming dalawa sa loob habang si Vil naman ay sa labas nalang naghintay. Nakita ko rin ang sasakyan nila Kira na nagpark.
"Bakit nagyakag kang lumabas?" Tanong ko ng makaupo kami.
"Malungkot ka eh." Sagot nito at basta nalang tumayo para umorder ng maiinom. Ilang saglit lang ay may dala na itong dalawang cup. Ang isa ay inilapag nya sa tapat ko.
"Thanks." Nakangiting saad ko. "So, may kailangan ka ba?"
"Grabe ka naman sa akin." Nagtatampo nitong saad.
"Tsk. Hindi mo naman ako lalapitan kung wala kang kailangan." Diretsahan kong saad na ikinatawa nito.
"Napakahusay mo talaga, Angel."
"Gusto mong mapatay ni Dwayne?"
"Hindi naman nya malalaman na iyon ang itinawag ko sa'yo eh. Maliban nalang kung sasabihin mo." Natatawa nitong saad. May sapak talaga itong kaibigan ni Dwayne.
"Tsk. Spill it now." Naglabas ito ng isang kahon na hindi kalakihan. "Ano yan?" Tanong ko ng itulak nya palapit sa akin ang box.
"Chocolate yan."
"Alam ko. What I mean is para saan?"
"Can you be my date?" Muntik na akong mabilaukan sa tanong nito.
"Gusto mo talagang mapatay ni Dwayne?" Saad ko rito na ikinatawa nya.
"Siguro."
"What the heck?! Gusto mo bang mag-away kayo?" Inis na tanong ko rito kaya tumigil ito sa pagtawa at tiningnan ako ng seryoso.
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...