RICHIE's POV
"Dwayne, I'm not a disabled person. Don't treat me like one." Inis kong saad dito habang inaalalayan nya akong pumasok ng Mansyon. Kanina pa kasi nya ako inaalalayan. Kulang nalang buhatin nya ako. Tsk.
"Mukhang magaling kana nga." Komento nito pero hindi parin nya inaalis ang pagkakapulupot ng isa nyang braso sa akin. "Parang nitong nagdaang araw lang ayaw mo na akong lubayan tapos ngayon naman pinagtutulakan mo ako palayo sa'yo."
"Tsk. Huwag mo akong artehan, Dwayne. Baka palabasin kita ng Mansyon ng wala sa oras." Banta ko rito.
Hindi na ito umimik at pinaupo ako sa sofa sa may salas. Masayang sinalubong ako ng mga katulong. Kanyahan silang tanong sa akin na syang sinasagot ko naman kahit naiirita na ako. Tsk.
Mahigit limang araw ako nanatili sa Hospital kasama na doon ang dalawang araw na wala akong malay. Dapat nga ay hindi pa ako pauuwiin ni Dad pero ayos na naman ako kaya nagpumilit akong sa Mansyon nalang magpatuloy ng pagpapahinga. Pero bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot ng may maalala ako.
"Hey Love, what's wrong?" Puna sa akin ni Dwayne na katabi ko na pala.
"Bakit kailangan pang may magbuwis ng buhay para lang maging maayos ang lahat?"
"Sssh. Nakaiyak kana diba? Tama na." Niyakap agad ako nito pero hindi noon napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Sofie's has a soft side. She really cares for you, Angel. Ang kailangan mong gawin ngayon ay ingatan ang sarili mo para hindi masayang ang buhay na isinakripisyo nya para sa'yo." Hindi ko mapigilan ang luha ko sa pagpatak.
Masakit malaman na namatay sya ng hindi kami nagkakausap na dalawa. Sobrang sakit habang nagbabalik sa aking alaala ang duguan nitong katawan. Ang pagngiti nya sa akin bago sya bumagsak sa sahig. Dahil lang sa kasakiman ng Ina nya ay buhay nito ang syang naging kapalit.
Isang malaking bangungot ang lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ni Tita Anasthasia. Mula sa ilang beses na muntik na akong maaksidente sa kalsada, sa lalaking ipinakulong nila Kira na syang pagnanakaw lang daw ang motibo ay isa ring tauhan nito. Pero dahil ayaw nilang matakot ako noon ay iyon ang sinabi nila sa akin. Yung lalaking muntik ng maglagay ng lason sa inumin ko. Pati noong gabing na-kidnap kami ni Sofie. Hinihiling ko na nga lang na sana ay si Tita nalang ang namatay at hindi si Sofie pero sa kabilang banda ay nagpapasalamat ako at buhay ito. Sisiguraduhin kong mabubulok sya sa kulungan at pagbabayarin ang lahat ng kanyang ginawang kasamaan.
Ni hindi ko man lang nasilayan si Sofie sa huling hantungan. Ni hindi ako nakapag-alay ng dasal at bulaklak sa harapan nya. Ni hindi ko rin alam kung saan ba sya inilibing. Ang sabi lang ni Dad ay sa isang probinsya ito dinala. Sana sa susunod ay madalaw ko na ito.
Wala na ang galit sa puso ko dahil sa mga ginawa noon ni Sofie. Pinapatawad ko na sya. Sana lang ay maging masaya at payapa na sya kung nasaan man sya ngayon.
Utang na loob ko sa kanya ang buhay ko ngayon at lalo na sa nakatataas. Baka kung sa akin tumama ang bala ay mas malala ang natamo kong sugat. Iingatan ko ang pangalawang buhay ko para sa mga taong mahalaga sa akin.
Hinatid na ako ni Dwayne sa kwarto ko ng kumalma ako. Sinamahan nya ako hanggang sa makatulog ako. Nang magising ako ay alas sais na ng gabi. Naligo na ako at nagbihis ng pambahay.
"Miss Real." Nang makalabas ako ng pintuan ng kwarto ko ay sinalubong na agad ako ni Elena. Kumunot ang noo ko dito. "Miss kailangan nyo pong magbihis ng maganda ngayon." Nakangiting saad nya.
"Miss magpalit po kayo ng damit." Saad naman ni Elsa kaya nagbaba ako ng tingin sa suot kong short at T-shirt.
"Why? Wala akong maalalang may lakad ako."
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
Lãng mạnI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...