Pumasok na ako sa loob at sinalubong agad ako ni Chloe na mukhang kanina pa naiirita.“Chie! Ba’t ba ang tagal mo?” Inis nitong tanong sa akin.
“Bakit ba?” Nakataas kilay kong tanong dito.
“Yung karibal mo inaagawan kana!” Napalingon ako agad sa pinag-iwanan ko kay Dwayne at nakita ko nga ito na katabi ang bruhang si Nickie. Nakita ko pa ang pasimpleng paghawak nito sa braso ng Ungas ko pero parang wala lang sa lalaki ang ginagawa nito. God! Tumataas na naman ang dugo ko. Hindi ko na pinansin si Chloe at agad na nilapitan ang dalawa.
“Hey! Stop touching my property!” Malakas kong saad kay Nickie dahil maingay parin sa loob. Napalingon naman agad si Dwayne sa akin na parang nagulat pa. Inirapan ko naman ito. Tsk.
“What? A property? His not a place or thing that you can own.” Saad nito habang nakangiti ng nakakaloko.
“He isn’t really a place or thing, Idiot! Because his mine!” Pabulyaw kong saad dito, wala na akong pakialam kung naririnig man kami ng mga kasama namin sa loob ang gusto ko lang ay layuan na nya si Dwayne. Bigla namang tumayo si Dwayne at inakbayan ako.
“That’s my Wifey, possesive of what’s her.” Bulong nya sa akin, naaamoy ko narin ang alak sa hininga nito. “Well, kinukuha na ako ng taong nagmamay – ari sa akin.” Nakakalokong saad nito kay Nickie. Tumayo naman ang bruha at inirapan pa ako bago tuluyang umalis.
Hihilahin na sana ulit ako nitong maupo sa kinauupuan namin kanina pero pinigilan ko ito.
“No, ayoko ng maupo dyan. Baka mahawa ako ng kalandian ng babaeng iyon.” Inis kong sabi dito na ikinatawa nito ng bahagya.
Lumakad naman si Dwayne kasama ako dahil nakaakbay ito sa akin. Papunta sa isang sulok na medyo may kaluyan sa sofa na kinauupuan ng mga kasama namin. Lumapit kami sa pang isahang upuan na nandoon. Naupo na ito habang ako ay nakatayo sa harapan nito.
“So, nakaupo ka habang ako naka-------” Bigla akong hinila nito paupo sa kanyang hita ng patagilid. “Dwayne!” Pasigaw kong saad dahil sa pagkabigla. Tatayo na sana ako pero pinulupot na nya ang isa nyang kamay sa bewang ko kaya hindi ako makaalis sa pagkakaupo sa kanya.
Ramdam ko na naman ang pamumula ng pisngi ko. Sh*t! This is embarassing!
“Ano ba Dwayne! Nakakahiya!”
“Bakit ka naman mahihiya? Kung ipagsigawan mo nga kanina na property mo ako eh, walang kahiya hiya.” Mapanuksong saad nito. Nakakabwisit talaga ang isang ito.
“Nakikipaglandian ka kasi!” Bulyaw ko dito at sinamaan sya ng tingin.
“Hindi ako nakikipaglandian, sya ang lapit ng lapit. Saan kaba kasi galing at ang tagal mo? Kung dumating kalang kasi agad edi sana hindi nakalapit yung babaeng yun sa akin. Kanina pa sya nalingkis sa akin.” Sinabi nito na parang nandidiri sa nangyari.
“Tsk, nagcomfort room lang ako kaso nga lang may humarang sa aking pulubi.” Naiinis na kwento ko dito.
“Pulubi? As in beggar?” Napairap naman ako sa tanong nito.
“Oo, pulubi – beggar. Nanlilimos ng awa.” Napangisi naman ako sa huli kong sinabi.
“May nakakapasok palang pulubi sa loob ng Resto Bar na’to? Hmn.” Muntik ko ng mabatukan si Dwayne dahil sa katangahan nito, maniwala ba naman sa sinabi ko. Tsk. Hindi pulubi, mukhang pulubi lang. Tsk.
“Nakakailang bote kana ha? Lasing ka naba ha?” Pag-iiba ko ng usapan.
“Apat palang.”
“Anong lang?!”
BINABASA MO ANG
I Don't Care (♥COMPLETED♥)
RomanceI'm Richie Angel Wright Real. My name defines who I am because I'm rich, always right, and pure real. Wholly bitch and entirely war freak. If you think that I'm an angel, I'm so sorry to tell but I'm evil. I'm not afraid to show the real me. And la...