Chapter 2
Halatang galing sa pagkakahiga si Lian nang pagbuksan niya kami dahil magulo pa ang buhok niya. Si Mady naman ay sa kusina ang lipad para kumuha ng pagkain. Kasabay ko siya nang pumunta kami dito dahil nagpasundo ako.
Aba naman, may sasakyan siya. Maawa siya sa'kin tinatamad ako mag-commute.
"Hindi naman siguro pagbebenta ng katawan 'yan?"
"Cheap ng katawan mo,"
Simula no'ng nag-college kaming tatlo ay nag-condo si Lian. Advantage niya lang dahil malapit 'yong University namin dito kaya minsan dito na natutulog si Mady kapag tinatamad umuwi. Itong dalawang 'to, spoiled sa mga magulang.
"Wow naman! Feel at home mga punyeta," sarkastikong sabi ni Lian habang nakasandal sa likod ng pinto.
Mahina lang akong tumawa. Sos, para namang ngayon lang kami nakapunta dito.
"Feel at home? E, walang pagkain sa ref mo sis!" reklamo ni Mady na kakalabas lang galing sa kusina.
"Kahit alak wala! Design lang ba 'yan diyan?" dagdag niya at namaywang pa.
"Sorry naman senyora! Tinatamad mag-grocery maid mo."
"Hindi ka nga naglinis dito. Lian naman nag-condo ka pa," irap ni Mady at binagsak ang sarili sa sofa na inuupuan ko.
Binuksan ko nalang ang TV para hindi ko marinig ang bangayan nila pero mga walang hiya nagsigawan pa talaga sa harap ko. Tumayo ako saglit at kumuha ng dalawang kutsilyo sa kusina saka ko binigay sa kanila.
"Sige na! Magpatayan na kayo manonood ako," I said crossing my arms at them.
Hindi sila nagsalita at sabay akong inirapan.
"Oh, parang kanina gusto niyo nang magpatayan tapos ngayon tatahimik kayo?" sabi ko.
Busangot ang mukha ni Mady nang tumingin sa'kin.
"Nakakainis ka!"
Palagi naman talagang nagbabangayan si Lian at Mady kaya ako lagi ang referee nila.
Nag-order nalang kami ng pagkain sa isang fast food chain para matahimik ang bunganga ni Mady.
Kanina pa raw kasi siya hindi kumakain tapos may hangover pa kagabi. Nang dumating na ang pagkain ay sa sala namin nilapag 'yon habang nanonood ng Netflix.
"Kilala niyo ba si Justine?" tanong ni Lian habang nginunguya ang burger sa bibig niya.
"Alam mo kagabi mo pa 'yan bukambibig, e."
"Syempre crush ko!" hiyaw niya na may halong konting tili.
"Ang dami mo naman kasing crush sis," katyaw ni Mady sabay tayo at diretso sa kusina.
Naubo si Lian habang iniinom ang kaniyang coke float.
"Nakakahiya naman sayo na maraming lalaki!" sigaw niya para siguradong maririnig ng kaibigan namin sa kusina.
"Bakit? Pinagsabay ko?!" sigaw nito pabalik.
"Mga ulol! Nagpapadamihan lang naman kayong dalawa," sabi ko habang nasa TV ang mga mata ko.
"Buti pa ako loyal kay Russel." ngisi ko.
"Di ka naman kilala,"
Masama kong tinignan ang tomboy at binato sa kaniya ang remote na nasa harap ko.
"Ano ba meron sa raket na 'yan ha?" tanong ko ng kaming dalawa nalang ang nasa sala. Si Mady nagpaalam bigla na magbabanyo.
"Si Justine nga kasi. Yung sinasabi ko,"
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...