MELODY 21: VIP FAN

22 1 0
                                    

Chapter 21

Hinila ko ang kumot at muling binalot sa buong katawan ko pero may hayop na naman ang humila ulit nito paalis sa katawan ko. I groaned loudly and pushed my face to the pillow and covered my ears.

Nakaidlip ulit ako sandali pero nagising din ng marinig ang malakas na ingay mula sa speaker na nasa studio table ko. Napasabunot ako sa sarili ko at marahas na tumayo.

"Putangina naman, oh! Patulugin niyo naman ako!" I yelled in frustration and throw some pillows at them.

"Tanghaling tapat na uy!"

"Pakialam ko?!" muli kong singhal at humiga.

Pinatay na nila ang speaker at hagikhikan na lamang nila ang naririnig ko. Kahit nakapikit ako ay naramdaman ko ang paghiga nila sa kama ko.

I'm on my day off and I'm planning to sleep all day but these two aliens are ruining my beauty rest! Bakit ba kasi pinapasok pa sila rito? Binilin ko na nga sa mga tao rito na 'wag akong guluhin, e!

"We brought you foods," Mady hugged me but I pushed her face away.

"Ano ba ginagawa niyo rito?" pikit mata kong tanong.

"Pumunta kami rito para guluhin ka," mapang asar na sagot ni Lian at hinila na lamang bigla ang paa ko hanggang sa mahulog ako sa kama. "What's up motherfucker!"

Padabog akong tumayo mula sa sahig at sinakal siya. Hindi pa ako nakuntento at sinabunutan ko pa hanggang sa inawat ako ni Mady. Masama ang tingin namin sa isa't isa pero kalaunan ay bigla nalang silang humagalpak sa tawa ni Mady.

"Alam niyo nakakainis kayo," busangot ko at binagsak ang mga balikat. They walked at me smiling with their wide arms open.

"Na miss ka lang namin, tanga!"

My eyes are half open but I still managed to hugged them back tightly. They were dancing and jumping as we hugged and I can completely feel the relaxation at me. Namiss ko rin talaga sila. I want to give them kisses but they refused just because I haven't brush my teeth yet. Umupo na lamang kami sa sahig at hinayaan silang ilabas ang dala nilang pagkain.

Tanghaling tapat na rin pala at sabi nila ay kanina pa sila nandito pero hinayaan na muna nila ako dahil mukhang masarap ang tulog ko at nagawa ko pang humilik. Masarap naman talaga e! Inaantok pa nga ako na parang isang oras lang ang tulog ko.

"Dumaan nga pala ako sa bahay nila Yanu kanina and he's doing fine. Naabutan ko nga 'yon na nagwawalis sa labas ng bahay nila." pagkwekwento ni Mady habang kumakain.

"Dapat do'n nagpapahinga," Tigas talaga ng gilagid ng isang 'yon. Sinabihan ko na nga kagabi na magpahinga lang at hayaan ang kapatid niyang umasikaso sa gawaing bahay. Bumaling naman ako kay Lian na sarap na sarap sa kinakain niya. "Hoy tomboy. Kamusta na ang channel ko? Sabi ko update mo 'ko, e."

"Paano maga-update 'yan sis? Mas busy pa ata sa'yo 'yan." nguso ni Mady at tumayo para kumuha ng tissue sa bag niya.

"Ah talaga?" she mocked a face before turning to me. "Halos isang buwan ka ng walang update sa vlog mo at maraming naghahanap sa'yo. Tanong mo pa sa President ng fans club mo."

"Why don't you inform your fans about your debut soon? For sure they'll be happy with the news." suhestyon ni Mady nang makabalik siya sa pwesto niya. "Alam mo mas better nga na ipaalam sa kanila, e. Baka kasi isipin nila ghoster ka kasi bigla ka nalang nawala."

"Kahit gusto kong sabihin sa kanila hindi naman pwede. The CEO told me that they will spill the cup first or if I'm going to spill it, I need their permission."

Melodies Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon