Chapter 29
"Manong pakibilisan po please!"
Tumango sa'kin ang taxi driver at nagpatuloy sa pagda-drive habang nandito ako sa likod at hindi mapakali. Pagkatapos na pagkatapos naming makapag-usap ni Pachiko ay agad kong inayos ang sarili ko kahit sinabi niya na 'wag na akong pumunta.
Kinalimutan ko ang sakit ng paa ko at pinilit si Russel na hayaan akong umalis dahil pinigilan niya rin ako kanina. Gustuhin niya man na samahan ako ngayon ay hindi pwede dahil kailangan din siya ng grupo niya at kanina pa pala siya tinatawagan ni Manager Kops.
"Nasaan siya?" tanong ko agad kay Pachiko nang dumating ako building at inabangan niya nga ako tulad ng sabi niya.
Bihis na bihis pa siya at mukhang kagagaling niy alag sa lakad. "Ayos ka lang ba? Yung paa mo."
"Nasa office pa siya ng CEO diba?" I shot another question ignoring his.
After receiving his nod, we walked straight to the elevator even if I am silently aching. Nakaalalay si Pachiko sa'kin na parang nagsisisi na pinaalam niya sa'kin ang nangyari. Dumaloy kaagad ang kakaibang pakiramdam habang naglalakad kami sa lobby papunta sa opisina.
Nahinto kaming dalawa ng may isang baklang naka-office attire ang sumalubong sa daan namin at nakatingin sa katabi ko.
"Pachiko! Glad, you're here. Can I borrow you for a while?" nakangiting sabi nito at parang naaliw sa kakisigan ng lalaking kasabay ko.
I saw this gay one time with Thang Nana. Lagi niya itong kasama kapag nakikita ko siyang palabas o papasok sa building. He finally introduce himself as Thang Nana's manager. Napakamot lang sa batok si Pachiko habang nahihiyang nakangiti. Kinalabit ko siya mula sa likod niya kaya taas ang kilay niya nang tumingin sa'kin.
"Sige na. Mukhang importante 'yan." bulong ko dahil parang nagdadalawang isip siya kung sasama o hindi.
"How about you?"
"I can walk, Pach." I said in assurance, tapping his shoulders.
Ilang sandali lang ay naiwan na akong mag-isa rito kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad kahit pa ikaika. Madalas akong may makitang mga security guards sa harap ng opisina ng CEO pero ngayon lang wala. Nang makarating ako mismo sa harap ng pinto ay dahan dahan itong binuksan at sumilip sa loob.
"Are trying to scare me, Eva? Baka nakakalimutan mong sino ako at ano na ang posisyon ko ngayon?"
Napasinghap ako sa gulat nang makapasok ako at nakitang sakal sakal ni Mr.Tim si Coach na parang kakapusin na ng hininga. Parang walang sugat ang paa ko dahil mabilis akong nakarating sa direksyon nila sabay tulak sa CEO namin palayo. Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat ng makita ako rito sa loob.
"Coach..." dinaluhan ko siya at inalalayang makatayo ng maayos pagkatapos niyang matumba sa sahig. Patuloy siya sa pag-ubo habang hawak ang namumulang leeg niya.
"Anong...g-ginagawa mo rito?" she tried to ask.
Hindi ko sinagot ang tanong niya at inilipat ang mga mata sa likod kung nasaan ang taong sumakal sa kaniya. Mr.Tim is filling his glass with whiskey like nothing happened earlier and I can see the dark smirk in his lips.
What's with this man? Parang hindi ito ang palangiting CEO na nakilala ko. Parang ibang tao itong nasa harap ko ngayon. Dati kapag nakikipag-usap siya sa'min ay hindi ganito ang nararamdaman ko. Hindi ako nakakaramdam ng pagkainis at kaba sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomansaThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...