MELODY 4: Disguised Cousin

47 4 0
                                    

Chapter 4

"You look like you're from a date!"

Nakangisi kong binawi ang cellphone ko kay Josephine saka nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa desk ko. Nakasunod lang siya sa'kin pero ang ingay niya pa rin.

Hindi siya makapaniwala na may picture kami ni Russel at ginawa ko pa 'yong wallpaper. Ang ganda pa tignan dahil naka-casual attire kami pareho. E, kaso ang tipid ng ngiti ni Russel habang ako ang saya tignan.

Parang nanalo sa lotto kahit di naman nagpusta.

"So you guys talked?" tanong ni Jo na nasa kabilang desk.

Fan din siya ng Moonlight kaya nagkakaintindihan kami sa pagfa-fangirl. A fan girl buddy.

"Uulitin ko pa? Oo nag-usap kami," I played an annoying smirk. "Inggit ka?"

Tumili na naman siya kaya 'yong ibang blockmates namin napapatingin na sa kaniya tapos natatawa lang din naman. Parang tanga kasi 'tong si Jo.

"Good morning, Jia!" masiglang bati sa'kin ni Yanu pagkarating at naupo sa tabi ko.

"Tell me what's good in the morning," masungit kong sabi.

"Because you're my sunshine." nakangisi niyang sagot.

Our mates squeals in chorus after hearing him. Kinuha ko ang hawak niyang notebook at hinampas sa ulo niya. Hindi siya agad nakailag dahil mabilis kong hinawakan ang damit niya.

Ang korni pa rin bumanat! Mas magaling pa rin ako.

"Hoy ang aga naglalandian kayong dalawa!" sita naman ni Jo.

Umirap lang ako at kinuha ang cellphone ko saka nag-open sa ilang social media accounts ko. Dumadami na pala ang followers ko sa IG. Ngayon ko lang napansin. Natili ako ng makitang finollow nga ako ni Lashi.

"HOY! SANA ALL!"

Si Jo nakichismis na naman kaya ayan halos mangiyak na sa inggit. No need to follow back dahil naka-follow na ako sa kaniya noon.

May IG story si Russel pero short clip lang 'yon na nagjo-jogging siya kasama 'yong ibang members. Mahina akong siniko ni Yanu nang pumasok na ang prof namin kaya tinago ko na ang cellphone ko at nakinig na sa klase.

May pa surprise quiz pa 'yong sumunod na subject namin sa Business Stats. Na sorpresa nga ako. Grabe ang saya!

Wala namang ibang laman 'yong utak ko sa mga nagdaang araw kundi 'yong pagkikita namin ni Russel.

"Bilisan mo naman maglakad gutom na 'ko," reklamo ni Yanu na nasa baba na ng hagdan. Nakasimangot pa siya.

"Oh edi mauna ka," sabi ko. "'Di ko naman hawak 'yong cafeteria."

Sumandal siya sa railing ng hagdan. "Hindi na kita iiwan,"

"Ah talaga ba?" sarkastikong sabi ko at hinampas siya sa balikat ng makalapit ako.

Si Jo ay kinurot ko sa tagiliran niya ng magsimula na siyang mang-asar. Nang dumating kami sa cafeteria ay agad kaming nag-order ng pagkain at naghanap ng table. Saktong nakita namin sina Mady at Lian kaya roon na kami naupo sa table nila dahil silang dalawa lang naman.

"Kumpleto ang PowerPuff girls ngayon ah," ngisi ni Yanu nang nilapag niya ang tray sa table.

"Hey Yanu boy," Mady waved her fingers to him while drinking her pineapple juice.

He invented calling us three as Powerpuff Girls since junior high. Magkaklase kasi kaming tatlo noon. My second name is Blossom and according to him Mady and Lian looks Bubbles and Buttercup. Isip bata diba?

Melodies Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon