Chapter 35
Nangangawit na ang panga ko kakangiti at halos mabulag ako sa mga flash ng camera. Tatlong oras na akong nakaupo rito at wala akong ibang ginawa kundi ang pirmahan ang album, makipagkamay at ngumiti sa mga fans.
Today's my album launched and anyone who will buy today will have an official album signing and a picture with me. I'm enjoying the part that I get to meet and chat with my fans but I just can't deny the fact that it's tiring.
"Jade! Nandito ka rin?" natutuwang sabi ko. At first I didn't recognize but after she called herself as fansclub's President, I knew it.
"Palalampasin ko ba naman 'to? First album mo kaya!" she giggled putting my album in front of me. "Alam mo ba na may mga schoolmates din tayong pumunta?"
"Talaga?"
Jade is right. Marami nga sa mga schoolmate namin ang pumunta sa album launch ko at may mga tao akong hindi inaasahan na pumunta rito ng personal. William and other people from Taft was also there asking for my signature while holding my album. They said that they are beyond proud of me. I was overwhelmed by that and I didn't hold back my tears. I called my manager and asked some camera man from our staffs to take us a group photo.
"Papatugtog namin to sa Taft kapag absent lahat ng vocalist!" saad ni William bago sila umalis sa stage.
I really miss Taft and if I have free time, I will really visit that place. Nawala ata ang lahat ng pagod ko nang makita ang iilang kakila kong tao na pumunta at alam kong hindi mawawala ang mga taong unang naniwala sa'kin. Kahit hindi ako umasa ay alam kong darating sila.
"Tangina. Pirma mo 'yan? Bakit ang pangit?" sinamaan ko ng tingin si Lian ngunit natawa nalang din ako. I asked her why did she bought two albums. "Sa baby ko 'yong isa, hindi kasi siya makalabas sa kanila kaya binilhan ko na."
"Really? Kailan ka pa nanganak at ano pangalan?" mapag-asar kong tanong.
Inabot niya ang water bottle na nasa gilid ng mesa at aktong ihahampas sa ulo ko nang pinigilan siya ng body guard. Pinagtawanan lang siya ng iba pa naming kaibigan na nakasunod sa likod niya. Nandito rin si Yanu at si Jo na pasimuno sa suot nilang shirt na ngayon ko lang napansin.
"Hayop kayo. Ang dami kong picture bakit 'yan pa?" bulong kong sabi at napatakip sa mukha ko ng sabay sabay silang humarap sa mga taong nasa baba ng stage. It was my wacky picture when we were in high school and I swear I am so ugly with that!
"Picture! Picture!" pinatayo ako ni Mady at pinapunta sa harap ng mesa para maayos kaming makapagpapicture. Pinagtatawanan pa kami ng ibang tao sa baba dahil sa trip ng mga kaibigan ko.
Inabot ko muna ang microphone sa mesa at muling humarap sa mga tao. "Pagpasensiyahan niyo na po itong mga kaibigan ko. May mga saltik talaga 'to kaya pinagtritripan ako."
Everyone laughed and I went back to my position at the center. Maraming mga camera sa baba mula sa mga iba't ibang group of media ngunit doon kami sa tinurong camera man ni Lian tumingin at ngumiti. We did all the poses we usually do before and they even copied my face on their shirts.
"Kuya Elliot?" I called as I realized that he was the cameraman Lian pointed earlier.
Hindi ko naman nakita ang mukha niya kanina dahil nakaharang ang kamay at camera sa mukha niya. Agad siyang umakyat sa stage at tumabi sa'min dala ang album na hawak niya.
"Can I have your sign, Jia?"
Nakangiti akong tumango at bumalik sa upuan ko. Sumabay pala siya sa mga kaibigan ko at kay Lian niya rin nalaman na album launching ko ngayon. Sabi pa niya ay kanina pa niya ako kinukunan ng litrato sa baba at balak niya itong ipost sa photography page niya. May trabaho pa raw siyang iniwan sa studio kaya hindi rin siya magtatagal.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomansaThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...