🎤Long update ahead! Battle begins, char.
Chapter 15
Hindi ko na bilang kung ilang beses kong tinitignan ang sarili ko sa harap ng salamin. I want to make sure that I look presentable. Minsan wala talaga wala akong tiwala sa taste of fashion kaya para sigurado ay kinunan ko ng litrato ang sarili ko at pinadala kay Mady. I asked her opinion about my looks and she said it looks fine and perfect.
I was wearing a camouflage pants and a coffee shade crop top. I used my white shoes and tied my hair in a ponytail leaving some hair strips in front.
I took a deep breath and told myself again for the nth time that I can do this. Hinanda ko na ang sarili ko kagabi pa. I practice and vocalize as much as I can. I don't want to hear any negative comments about me later so I have to do well.
"Aalis ka na?"
Saktong pagkalabas ko ng kwarto ay dumaan si Kuya Elliot. Nakasuot siya ng white dress shirt at tinutupi niya ito hanggang siko. Tumango ako at sabay na kaming bumaba. Kasabay ko rin siyang kumain sa hapag. Sa bahay na 'to ay siya lang ang may alam tungkol sa pupuntahan ko.
"Walang klase tapos gagala ka naman. Wala ka ng ibang ginawa sa buhay mo Jia puro ka gala!" garalgal ni mama habang naghuhugas ng mga pinggan.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya dahil ayokong masira ang mood ko ngayon. Niyaya ako ni Kuya Elliot na sumabay na sa kaniya. Hindi na ako makatanggi dahil inagaw na niya sa'kin ang dala kong guitar case at pinasok sa loob ng kotse niya.
My friends really wants to go with me today but they can't make it since they have personal schedules that needs to be done especially Mady. She have to accompany her mother to some business meetings.
"Are you nervous?" Kuya Elliot asked while driving.
"Konti."
"We can't force someone to believe in our capabilities so what you have to do is to continue doing your best," Hearing that, my eyes turned to him. Diretso pa rin siyang nakatingin sa daan. "Kahit mama mo pa ang ayaw maniwala sa'yo, magpatuloy ka."
I didn't said anything as I snapped my eyes off to him. I silently took a deep sighed. Hindi naman talaga ganito ang pakikitungo sa'kin ni mama noon. Nagsimula lang ito noong sinabi ko sa kaniya na gusto kong maging singer paglaki ko.
Ewan ko pero parang nagalit siya at walang nagawa ang galit niya dahil mas ginusto ko ang pagkanta. I can feel that music strings are in my soul, it's destined to connect.
"CEG," sambit ni Kuya Elliot ng tiningala ang malaking building sa harap namin ng makababa kami sa sasakyan niya.
Bitbit ang case ko ay hindi ko maiwasan na mamangha sa laki ng gusali na may malaking nakalagay na CEG sa tuktok nito. The front building is an eye catcher that you can't resist but to look up.
"I have a client working in this company and he's right. Their company is pretty huge." napalingon agad ako sa kaniya ng marinig ko 'yon. He glanced at me and smile. "So this is it. Balitaan mo na lang ako okay?"
"Syempre po." I replied and gave him an assuring smile.
Hinintay ko lang na makaalis si Kuya Elliot bago ako nagtungo sa entrance kung saan hinarang agad ako ng security guard. Magsasalita pa lang sana ako ng may isang lalaking nakablack suit ang lumapit sa gawi namin. The man in suit looks very formal.
"Kayo po ba si Miss Jia Evardone?"
"Ako nga po. Bakit?"
May binulong siya sandali sa security guard na agad napatango at umatras para bigyan ako ng daan. "Please follow me."
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...