Melody 9: Thoughts

37 2 0
                                    

Chapter 9


"Lester!"

Tinawanan niya lang ang reaksyon ko. Maayos ko na siyang hinarap pero hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya. Kung nandito siya, nandito ang iba. Pero bakit? Anong meron?

Bakit hindi na naman ba ako na inform?!

"Nice to see you again!" he gave me a high five kahit gusto ko yakap. Na miss ko kaya sila.

Napalingon ako sa pinto ng exit ng may marinig na ingay ng naglalakihang lalaki. May nakalagay sa likod ng shirt nila na staff at kasunod na pumasok nila ay ang mga kasama ni Lester at ang Manager nila. Doon siguro sila dumaan para walang makakita sa kanila. Nagulat pa si Lashi ng makita ako at tuwang tuwa pa habang palapit sa'min.

"Jia! Nandito ka?!" tinanggal niya ang suot niyang mask. Bakas sa mukha niya ang pagkasorpresa.

"Estatwa lang ako dito," birong sagot ko. "Dito ako nag-aaral, 'no."

"Talaga? Schoolmate pala kayo ng kapatid ni Russ."

Lumapit na rin sa gawi namin si Hui kasama si Russel na abala sa cellphone niya. Naka-plain gray shirt siya na may denim jacket at jeans. May suot din siyang specs at silver chain necklace. He's rocking his outfit today that anyone who'll see him will stare to heaven. Yayamanin ni babe samantalang ako dito maganda lang.

"Kayo bakit kayo nandito?" tanong ko. Nasa gilid ako nakatayo ngayon dahil inaayusan sila ng mga staff nila.

"Surprise school attack since last week," si Hui ang sumagot. "Are you invited here to sing?"

"Ah, oo."

Lumayo muna ako roon dahil busy ang mga staff nila at baka mabwisit sa panggugulo ko. Si Lashi takam na takam makipagchika sa'kin pero sabi ko mamaya na pagkatapos niya. I checked my Instagram and visited their official page. Hindi kasi ako nakapag-open ng mga accounts ko sa social media dahil sa sobrang busy ko.

May sampung schools pala silang pupuntahan pero hindi nilalagay ang mga pangalan. Nire-reveal lang nila pagkatapos ng event at last na pala ang school namin. Kaya pala may pa secret 'yong school council namin.

"Hi Jia!"

Si Justine ang nakita ko ng tumingala ako. Hindi naman ako nagtaka kung bakit nandito siya. Kapatid niya kaya nandito.

"Hello," bati ko pabalik. "Ikaw ha, bakit di mo ako sinabihan?"

"Di ko nga rin alam. Kuya just told me a minute lately." she replied, searching for her brother. "Why are you here with them?"

"Guest sa event, ikaw?"

"Really? Oh, I'm gonna surely watch and my brother called me here."

Kakabanggit niya pa lang sa kapatid niya ay narinig agad namin ang boses nito. Pinanood lang namin siya na maglakad palapit sa'min. Nag-usap sila sa harap ko about something. Eavesdropping is not my thing. Kinuha ko na lamang ang gitara ko at pinaglaruan 'yon kesa makinig sa kanila.

"Goodluck everyone! Bye!" Justine waved at us before exiting herself.

Umupo si Russel sa katabing upuan ko at tinignan ang hawak kong gitara. Naalala ko tuloy ang jacket niya ng maamoy ko ang pabango niya ngayon. Nilipat niya ang tingin sa'kin nang itinabi ko 'yon. Ganiyan, dapat sa'kin ka nakatingin.

"Di mo sinabi na kasama pala school namin."

"Surprise nga diba?" pagsusungit niya.

Nahinto ang pag-uusap namin ng pumasok ang Dean namin at binati ang grupo kasama na ako. May iilan pa siyang sinabi sa kanila pero hindi na ako nakinig dahil kausap ko ang organizer ng event. Sinabihan niya ako kung saang parte ng event ako papasok. Mauuna akong mag-perform pagkatapos ay ang Moonlight. Ilang minuto lang ay narinig na rin namin ang sobrang lakas na hiyaw sa harap ng grandstand ng magsimula na ang event.

Melodies Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon