MELODY 8: Favor Turning

42 4 1
                                    

Chapter 8

Nanatili kaming nagkatitigan ni Russel hanggang ngayon. Ewan ko lang talaga kung bingi na ba ako o nabingi dahil sa sinabi niya. Inabot niya ang kamay ko at pinilit na buksan ang gate.

Nagtatalo pa kaming dalawa habang maingat kong binubuksan ang gate. Nagtanong siya kung gising pa ba ang mga tao sa loob pero hindi ko siya mabigyan ng sagot. Hindi ko naman alam kung pumasok na si Kuya Elliot sa kwarto niya at natulog.

Nang mabuksan ko na ang gate ay nauna agad siyang pumasok kaya nataranta ako. Seryoso nga ata talaga siya sa sinabi niya kanina. At bakit niya naman gagawin 'yon?

Nasa may bakuran kaming dalawa ngayon para silipin ang bintana sa sala pero nakasarado na ang mga kurtina.

"Go inside and check it." bulong niyang utos sa'kin.

Hinampas ko siya nang tinulak niya ako kaya napaupo ako sa lupa na may bermuda. Ang sama niya dahil tinawanan lang ako. Saya niya pa ata sa ginawa niya. Kung hindi lang kita crush sinapak na kita Russel.

"Impakto!"

Napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumukas ang pinto kahit hindi ko napipihit ang door knob. Nakatayo si Kuya Elliot habang kagat ang isang tinapay sa bibig niya.

"G-Gising ka pa pala,"

"Hinintay lang kita. Natagalan ka ata?" tinagilid niya ang ulo niya senyales na pumasok na ako.

"May ano, nakasalabong akong kaibigan kaya napachika sandali." inabot ko sa kaniya ang ice cream mula na binili ko.

"Nag abala ka pa pero salamat."

"Ah, hindi ka pa po matutulog?" tanong ko.

"Later after I finish this." turo niya sa mga ginagawa niya.

Tumango lang ako at nagpaalam na aakyat na. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay sinarado ko agad ang pinto at tumakbo sa may bintana. Nasa baba pa rin si Russel habang hawak ang cellphone niya. Nagvibrate ang cellphone ko at nakita ang message niya.

navarez.russel:
Ang tagal mo

songs_jia:
Tingin ka sa taas may magandang babae

Ngumiti ako sa kaniya pero sumimangot din ng nag-thumbs down siya. Instead of sending him a dirty finger I sent him a finger heart.

songs_jia:
Nasa baba pa Kuya ko ano uwi ka nalang?

navarez.russel:
I can climb up I saw a ladder at the back

songs_jia:
GAGO SERYOSO KA BA?
HOY!!!! JUSKO ANO IISIPIN NG MGA BUTIKI SA KWARTO KO KAPAG NAKITA KA NILA!

Gusto ko man murahin si Russel sa baba ay hindi ko magawa. Hindi na siya nag-reply sa chat ko kanina. Sinilip ko ulit siya sa baba ng bintana at talagang kinuha niya ang hagdan. Maingat ang mga ginagawa niyang kilos.

Ako kinakabahan sa kaniya. Baka mahulog pa 'to ako pa makapagbayad sa hospital bills. Pero kung sa'kin siya mahulog, aba walang bayad 'yan! Feel free.

"Alam mo para kitang jowa na umakyat sa bintana para makita lang ako," pang-aasar ko habang tinutulungan siyang makapasok. "Sweet mo naman."

"Mas gusto ko pang magnanakaw na lang."

I snapped my fingers in front of him. "Gusto ko ng magnanakaw!"

Hindi na siya nagsalita pagkatapos niya akong tapunan ng tingin at tahimik lang na nilibot ang mga mata niya sa loob ng kwarto ko. Iniwan kong nakabukas ang purple na LED light kanina bago ako umalis at hanggang ngayon ay 'yon pa rin ang nagsisilbing ilaw. Lumapit ako sa may switch at inilipat sa maayos na ilaw.

Melodies Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon