MELODY 3: Uninformed

59 4 3
                                    

Chapter 3

"Puta, kinakabahan ako!"

Sinara ko na agad ang pinto ng sasakyan ni Mady nang makababa ako dala ang guitar case ko. Nagpipigil ako ng ngisi habang pinapanood si Lian na ayusin ang polo niya. Di ko na bilang kung nakailang ayos na siya niyan.

He was wearing a floral blue polo and a black ripped jeans while Mady and I are both wearing casual dresses.

"Bakit ka kinakabahan? Ikaw ba magde-debut sis?" pambabara ni Mady.

"Paki mo,"

"Sungit! May regla ka?" umilag agad si Mady ng ambahan siya nang palo. "Jia oh! Kaibigan mo nananakit!"

"Ano ba? Late na nga tayo nagpapatayan pa kayo diyan!" singhal ko at pinanlisikan silang dalawa.

"Porket nakausap mo lang crush mo gaganyanin mo na kami?"

Lumapit ako kay Lian saka ko siya binatukan. Napaka-oa ng kupal na 'to sarap pabakunahan ulit.

Kinabukasan kasi pagkatapos ng gabing nakausap ko si Russel, inaya ko sila na manlilibre ako kasi may maganda akong balita. At 'yon nga, chinika ko na lahat.

Nagpatuloy lang sila sa pagbabangayan hanggang sa dumating kami sa gate ng malaking bahay. Hinarang pa kami ng guard kanina akala mo naman mga gate crasher kami.

Sobrang late na namin dahil dito kay Lian. Hindi niya kasi alam ang susuotin niya kanina kaya halos halughugin na niya ang buong closet niya makahanap lang ng magandang damit.

It was huge house and it's beautiful. Maraming mga sasakyan sa labas kaya sigurado akong marami ng tao sa loob ng bahay.

It was like an elite party. I can see and hear those old people talking about something related to business and some teens laughing with their group.


"Gwapo 'yong kanina. What's his name?" mahinang bulong ni Mady habang sinusundan ng tingin 'yong kausap ni Lian kanina.

"Blockmate ko. May jowa na 'yon kaya tumigil ka."

"Ay, sayang! Bet ko pa naman." dismayadong sambit ni Mady habang nililibot ulit ang mga mata sa paligid.

"Edi maging kabet ka." sabi ko.

"No way! Ginawa na nga akong rebound tapos kabet naman? Napaka-useful ko ata sis." she said flipping her hair.

Nakatayo lang kami sa gilid at naghahanap ng magandang pwesto. Nilibot ko ulit ang mga mata ko sa buong bahay. There are pink and white balloons everywhere and different kinds of flower. It was a floral party.

And guess what? Mukhang kakatapos lang ng 18 roses at candles nila. Kumakain na ang ibang bisita.

"Kita mo Lian? Sobrang late na natin. Nakakahiya!" asar kong bulong sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

Palakad-lakad lang kami sa loob ng bahay at naghanap ng table na pwede naming pwestohan. Natuon ang pansin ko sa isang babae na naka-red dress na lumapit sa'min.

"You are Miss Jia Evardone right?" tanong nito habang nakatingin sa'kin.

"Yes." I replied and smile.

"Hello. This way please you have a reserved table."

Nagkatinginan kaming tatlo at sabay nagtaas ng kilay. Tahimik lang kaming nakasunod sa babae. May mga kilala naman pala kami dito na schoolmate lang din namin. Bumabati lang kami kapag nagtatama 'yong paningin namin.

Melodies Of PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon