Chapter 40
I received so much pain for the past four days and yesterday was like paying me happiness for causing so much scars. I was so happy when I met him and I was more determined today to continue with my journey.
Maaga akong gumising at planong handaan ng makakain si papa at dahil nga wala ako masyadong alam sa pagluluto ay humingi ako ng tulong kay Russel.
[Put the flame in moderate level if you don't want to get burned there.Wash the meat and slice it according to what size you prefer. Marunong ka ba humawak ng kutsilyo?]
"Oo naman! Saksak ko pa sa'yo, e."
Nakavideo call kami ngayon kaya kitang kita ko kung paano siya umirap sa'kin at sinabing gawin ko na ang sinabi niya. Kagabi ko lang sinabi sa kaniya na nagkita kami ni papa at ramdam kong masaya siya para sa'kin. Pati siya ay hindi na makapaghintay na makilala ito ng personal. We even planned to have a dinner at their house without informing our fathers. Iniisip pa lang namin ang munting reunion na magaganap ay excited na kami.
He told me the steps one by one and I am carefully doing it. I want to make sure that I will do everything right and gonna scratch my stupidness first.
[You look so happy and I'm happy for you.]
"Masaya ako dahil nagkita na kami ni papa pero alam mo nagaalala pa rin ako sa mga kaibigan ko. Hindi pa rin nila sinasagot ang mga tawag ko pero hindi ako titigil sa paghahanap ng paraan para magkaayos kami."
[That's so sweet of you being a friend. Maswerte sila sa'yo at mukhang maswerte din ako sayo.]
"Pa'nong maswerte? Ako ata maswerte sa'yo."
Kausap ko lang siya hanggang sa matapos ako sa pagluluto at parang pati raw siya ay gustong tikman ang luto ko. Sinabihan ko na lamang siya na paglulutuan ko siya pagkabalik niya rito.
[Tulog ulit ako. Bye bye! I miss you!]
"Miss na rin kita kaya bumalik ka na agad!"
[Oh please Jia don't say that I might get my ass off here and be there in a minute.]
"Ano ka si Flash? Sige na itulog mo na 'yan. Miss you more mwa!"
Pagkatapos kong ihanda ang hapag ay nagpunta muna ako sandali sa sala at umupo sa sofa dala ang telepono. I contact Mady's mom again asking her how is she doing. Sinabi ko rin sa kaniya na baka maghulog ako ng pera bukas sa account niya at ganon pa rin ang mangyayari, hindi malalaman ni Mady 'yon. Kinausap ko ang mommy niya at sinabing huwag pahintuin sa pag-aaral ang kaibigan ko at ako ang magbibigay ng allowance niya weekly.
Wala akong ibang kakilala ni Lian na pwede kong utusan na tanungin para kamustahin siya kaya wala akong ibang choice kundi ang kausapin si Mitch. I asked her favor to check on Lian and she's even willing to do the favor.
"May lakad ka ba ngayon anak at nakabihis ka ng maaga?" tanong ni papa ng mapansin ang suot ko habang kumakain kami.
"Aalis po tayo mamaya. Igagala ko po kayo at bibili tayo ng iba pang gamit dito."
"Bibili na naman? Anak, ang dami mong binili kahapon." paalala niya at natawa lang ako.
"Basta ako bahala pero dadaan po muna ako sa kompanya dahil gusto akong kausapin ng CEO namin. Ipapasundo na lang kita rito kaya magbihis po kayo ha?" sabi ko at inalok pa siyang kumain ng maayos dahil parang naninibago pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...