Chapter 12
"Nagpadala ka na ba ng entry mo?"
Isinara ko ang librong binabasa ko at tinignan si Mady na nasa tapat ko na abala rin sa ginagawa niyang essay. Sumandal ako sa upuan ko at napanguso habang tumatango. Kaming dalawa lang ni Mady ang nasa library ngayon dahil hindi sumama ang tomboy. May aasikasuhin daw siya.
"Congratulations sis. Bilhan kita ng sapatos kapag nakapasa ka sa audition nila." hagikhik niya.
"Bakit hindi sasakyan bilhin mo para sa'kin?"
"Demanding ka sis."
Natahimik na kami ng sinita kami ng librarian. Matapos ang kalahating oras ay niyaya ko na ang kasama ko na pumunta sa canteen dahil gutom na ako. Nakasalabong pa namin si Lian sa may hallway na sobrang pinagpapawisan.
"Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya.
Inabot niya kay Mady ang isang box ng Dunkin' Donut na dala niya. Kahit hindi namin tanungin ay halatang lumabas siya ng campus. Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi niya pa rin sinasagot ang tanong ko kaya kailangan ko pang ulitin.
"May binili ako sa labas saka ano...dumaan na rin sa ako sa convenient store para bumili niyan." sagot niya habang kamot ang batok.
Nagkatinginan kami ni Mady at parehong nagtaas ng kilay. Sabay naming inakbayan si Lian dahil nasa gitna naman namin siya. Palipat-lipat ang tingin niya sa'kin at sa katabi niya. May hindi talaga sinasabi 'tong tomboy na 'to, e. Pangatlong beses na niya 'tong hindi sumabay sa'min ng lunch break.
"Sino niloloko mo?"
Bumalikwas siya sa pagkakaakbay namin at hinarap kaming dalawa ni Mady. Abot ang kilay niya at parang asar.
"May binili nga lang ako diba? Bakit ganiyan kayo makatingin sa'kin? Binilhan ko na nga kayo ng snacks para makabawi ako. Kung ayaw niyo akin na!"
"Oh oh oh!"
Agad namang inilayo ni Mady ang box na hawak niya at tinulak ang mukha ng tomboy para hindi maabot 'yon. Hinila ko ang si Lian at pinaharap ulit sa'min.
"Bakit galit ka nagtatanong lang naman kami ah? nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at pinanliitan siya ng mata. "May tinatago ka, 'no?"
Tinulak niya ang mukha ko palayo. "Tangina, wala nga. Ang kukulit niyo kasi."
"Sorry naman ang defensive mo kasi pakinggan." Mady crossed her arms.
"Hindi naman ah." bulong niya pa habang nakasimangot.
Tinignan ko ang oras at sinabi sa kaniya na pumasok na sa klase niya dahil late na siya. Ayaw pa siyang pakawalan ni Mady pero pinigilan ko na at hinayaang makaalis na. Hindi naman matigil kakadada ang kasama ko hanggang sa makarating kami sa canteen.
"Duda ako sa tomboy na 'yon, sis. May di ata sinasabi."
"Hayaan nalang natin. Sasabihin niya rin naman 'yan," sabi ko at kumuha pa ng donut sa box. "Wala namang ibang mapagsasabihan 'yon."
Tumango rin siya at parang sumang-ayon sa sinabi ko. Inubos namin ang donuts dahil hindi naman kami kumain ng kanin ngayong lunch. Pareho rin naman kasi kaming busog. Nagpaalam na rin sa'kin si Mady na papasok na kaya naglakad na rin ako pabalik sa classroom.
Pagkatapos ng klase ko sa Business Statistics ay naisipan kong dumaan sa locker para kunin ang notes ko para sa huling klase ko sa CommArts.
Pagkabukas ko sa locker ko ay may mga chocolates at letters na naman ang nakalagay doon. Kinuha ko ang mga letters at pinasok sa bag ko kasama 'yong ibang chocolates.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomansaThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...