Chapter 11
Buti na lang at dumating si Lester sa lugar namin kanina at tinulungan akong makaalis sa lugar na 'yon kasama si Russel na parang nawala ng konti sa sarili niya. I didn't know he will act like that though. He was so protective and concerned.
Hinatid lang ako ni Lester sa table namin pagkatapos ay umalis siya kasama ni Russel. Papakalmahin niya raw muna ang bungo ng kaibigan niya. Medyo nakainom na rin daw kasi 'yon kanina pa.
Sa table kung nasaan kami ng mga kaibigan ko ay kasama namin si Grant na hindi pa rin nalalasing kahit nakailang shot na siya. Mas mataas pa ata ang alcohol tolerance niya sa chance na magkakajowa ako.
"Hey Jia! What's up!" ngising bati ni Lashi ng dumaan sa table namin.
"Hello Lashi!"
Tinapik niya ang kasama niyang lalaki bago naupo sa table namin. Si Jo at Mady lang ang wala sa table namin ngayon dahil nasa dance floor na. Si Lian tahimik lang sa gilid habang nakaharap sa cellphone niya. Si Grant naman ay tuwang tuwa habang pinapanood ang kaibigan ko na sumasayaw.
"Kanina pa kayo dito?"
"Medyo." sagot ko.
Nagkwentuhan kami ni Lashi pero agad din naman siyang umalis ng may nakita na naman siyang kakilala. Actually the party is really enjoying since I can see my friends enjoying it. Sinundo pa kaming dalawa ni Lian ng mga kasama namin at kinaladkad sa dance floor.
I was a bit tipsy dahil medyo marami ang nainom kong shots kanina. One on one kasi kami ni Grant kanina habang nagtatanong siya ng mga bagay na tungkol kay Mady. I guess my friend hit someone straight here.
Bumalik na ako sa table namin ng maramdaman ang sakit ng paa ko. Nagpaalam muna ako sa mga kanila pero halata namang hindi ako napansin. Sumabay na rin si Lian sa'kin dahil hindi na kinaya ang sikip doon.
Hawak agad ni Lian ang cellphone niya nang makaupo kami. Naalala ko bigla si Justine na hanggang ngayon ay wala pa rin. Ang sabi ni Lian ay kausap niya ito kanina at sinabi na papunta pa lang ito.
"Hey!" I whined as someone grabbed my shot glass.
Pinanood ko kung paano diretsong ininom ni Russel bago niya nilapag ulit ang baso sa mesa namin. Nakapamulsa siya at nakatingin sa'kin.
"How are you?" tanong niya at naupo sa tabi ko.
"Okay naman," I replied, caressing my shoulder for a second.
He nod and lean towards the table to fill the empty shot glass. Pinanood ko lang siyang uminom at uminom ulit.
Nakita naming dumaan sa table namin si Lashi at nagpaalam na iaakyat niya na si Lester na inaalalayan niya ngayon dahil sa kalasingan. Mukhang lasing nga ata ang kaibigan nila dahil kung anu-ano na lang ang pinagsasabi nito.
"Is that Jia? Oh dude! Galing galing niya!"
Natawa ako nang magflying kiss si Lester sa'kin. Nang makaalis sila ay bumalik na rin sa table namin si Jo at Mady na panay ang tawa. Si Jo, halatang lasing na lasing na.
"Nandiyan ka pala Russel. Tagay my friend!"
"Hoy!" saway ko kay Mady ng abutan niya ito ng shot. "Sira ka ba?"
"Why? Bawal ba tagayan 'yang crush mo?" sindak niya sa'kin.
Tinanggap naman agad ni Russel ang shot at walang ibang sinabi. Sinulyapan niya lang ako at tipid na ngumiti. Ngumiti ako pabalik pero umismid ako ng tumingin kay Mady. Si Lian naman ay umiinom din pero sinabihan niya ako na kapag nawala na siya sa sarili niya ay pigilan ko na siya.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...