Chapter 13
Biglang nawala sa isip ko ang gutom at ang planong bumili ng cup noodles pagkatapos kong makita si Russel. Kahit nakamask pa siya sigurado akong siya 'yon.
"Ano! Sabi ko kulang diba?"
Tinulak pa ulit siya ni Kuyang singhalero kaya mabilis na gumalaw ang mga paa ko papunta sa pwesto nila. Nagpagitna ako sa pagitan nilang dalawa at hinarap ang lalaking tumulak kay Russel.
"Sobra naman ata hinihingi mo Kuys. Ano ba 'yang shirt mo galing Dior at sobrang mahal? Tingin ko nga sa ukay-ukay mo lang 'yan binili, e." pagsingit ko.
Kung gulat man siya ay mas gulat ang mukha ni Russel nang iabot ko sa kaniya ang cap niyang nahubad kanina dahil sa pagtulak ni Kuya. Pinasuot ko na agad sa kaniya dahil baka may makakita pa sa kaniya dito. Medyo marami pa namang tao sa labas.
Napangiwi ako ng may humila sa balikat ko paharap at bumungad sa'kin ang mukha ni Kuya singhalero. Pinandidilatan niya pa ako at tingin niya naman masisindak ako diyan. Tsk, mas malaki pa mata ko diyan.
"Hoy babae sino ka ba? Jowa ka ba niyan?" turo niya kay Russel na nasa likod. "Ah, nilalabanan mo. Kung ako sa'yo babae umalis ka nalang."
"Sana nga Kuya jowa ko siya pero hindi," I replied bitterly pursuing my lips. "Sige po aalis na po!"
I hold Russel's wrist and grabbed him as I walked but someone block my way.
"Sabi ko ikaw ang umalis. Hindi pa ako tapos makipag-usap sa kaniya." giit ni Kuyang singhalero at tinulak ako palayo kay Russel.
Nagtama ang mga mata namin ni Russel at pati siya ay sinenyasan ako na umalis na lang. Napakawalang kwentang fan at kaibigan ko naman ata kung hahayaan ko siya dito? Inalis niya ang tingin sa'kin at muling humingi ng tawad sa lalaki. Ako naasar na ako dito kay Kuyang singhalero. Abusado ka pala ha.
"Hoy! Anong ginagawa mo?!" pasinghal na namang tanong niya habang nakaturo sa'kin.
"Say hi to my vlog, Kuya! So everyone ito po si Kuyang abusado masyado sa kapwa niya tao. Binayaran na nga ng sobra nanghihingi pa ng dagdag. Ano kaya sa tingin niyo gagawin natin? Ipapareport ko ba?"
Lumapit siya sa'kin para kunin ang cellphone ko pero mabilis ko 'tong naipasok sa loob ng bulsa ko.
"Narecord din doon ang sinabi mo sa kaibigan ko kaya kapag nireport kita pasok ka sa bahay ni Kuya. Hindi sa PBB ah, sa kulungan."
"Jia, enough. Pinapagalit mo lang lalo." mahinang sabi ni Russel.
"Edi atakihin siya sa galit."
Inirapan ko siya at hinila na ulit si Russel pero tinampal niya ng malakas ang kamay ko kaya napadaing ako. How dare he put a hand on me?! Sira ulong matanda 'to ah!
Sa galit ko ay padabog akong naglakad papunta sa kaniya saka siya tinulak ng buong lakas dahilan para tumama ang likod niya sa mesa nila na natumba kasama siya. Nabasag pa ang bote ng alak na nakalapag doon. Masama akong tinignan ng mga kasama niya at naramdaman ko na lang ang kamay na humila sa'kin at tumakbo.
"HAYOP BUMALIK KAYO DITO!"
Mahigpit ang hawak ni Russel sa kamay ko habang tumatakbo. Sa bilis niyang tumakbo ay halos maubusan ako ng hininga. Pakiramdam ko nga maiiwan ko na ang mga paa ko sa daan. Hindi naman kasi akong pinanganak na runner at mas lalong tamad akong tumakbo.
Nang hindi ko na talaga kinaya ang pagod ay hinila ko shirt ni Russel at sumenyas na tumigil muna. My knee collapsed as soon as we stopped. Naupo ako sa daan at wala na akong pakialam kung madumihan ang suot kong jeans. Habol din ng kasama ko ang hininga niya habang nakayuko at nakasandal sa pader. Hinubad niya ang suot niyang cap at tinignan ako.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...