Chapter 5
Inirapan ko si Lian na nakaupo sa motor niya na nasa tabi ng sasakyan ni Mady. Lumabas ako mula sa front seat at sumandal sa labas ng sasakyan. Kinuha ko ang cellphone at tinignan kung may message na si Justine pero hindi niya pa rin sinasagot ang mga chat ko. Kanina pa kasi namin siya hinihintay dito sa parking lot at mag-iisang oras na.
"Sigurado ba 'yan? Baka pinapaasa mo ko, ah,"
"Alam mo umuwi ka nalang kung ayaw mo maghintay,"
"Patience is a virtue Lian!" sigaw ni Mady na nasa loob na ng sasakyan. "Chiks 'yon kaya hintayin mo."
"Ay, puta!" sambit ni Lian ng muntik nang matumba ang motor niya pagkababa niya. "Jia, nandito na siya."
Gusto kong hampasin ang tomboy nang lumapit lang siya sa'kin para itulak ako. Umayos ako sa pagkakatayo ng makita nga si Justine na naglalakad papunta sa'min. May hawak pa siyang mga folder at parang nagmamadali. Sweats was all over her forehead.
"Hi girls! I'm really really sorry for making you wait," she apologized. "Babawi ako, it's on me today!"
"Okay lang naman sa'min," plastik na sagot ni Lian.
Tangina nito parang hindi nagmumura kanina kakahintay tapos panay pa ang reklamo.
"Saan ka galing? Pawis na pawis ka," tanong ko.
She keeps on saying sorry the whole time. May tinapos lang daw sila sa library ng mga ka blockmates niya tapos ay diretso na siyang tumakbo papunta dito nang makita ang mga chat ko.
Hindi kaya ako papatayin ni Russel kapag nalaman niyang pinahirapan namin kapatid niya?
Hindi naman siguro, uy. Di ko naman sinabing tumakbo siya.
"Gamitin mo muna 'to oh," abot ni Lian sa panyo niya. "Pahid mo sa pawis mo."
"Thank you, Lian."
"Diba siningahan mo 'yan kanina?" sabi ko sabay turo sa panyo.
Justine's eyebrows furrowed while she was wiping her sweats using Lian's handkerchief. Akala ko naman ay lalabas na ang baga ko sa lakas ng kaldag ni Lian sa likod ko. Mabilis siyang lumayo sa'kin pagkatapos kong maglatin ng mura.
"Justine, joke lang 'yon," sabi ko bago hinatak si Lian at binatukan.
Tinawag na kami ni Mady kaya pumasok na kami sa loob ng sasakyan. 'Yong tomboy may motor 'yon kaya susunod nalang 'yon sa'min. Nag-usap lang kaming tatlo kung saan kami pwedeng kumain habang nasa loob.
Nasa tabi namin ang motor ni Lian nang huminto kami dahil sa red light. Binaba ko ang salamin ng bintana saka ko siya tinawag at pinakyuhan. Pati si Mady ay ginaya ako habang tumatawa.
"You are really close to each other,"
"Yeah and I guess our intestines are connected," sagot ni Mady. "Ikaw ba? May kaibigan ka naman siguro?"
"Oh, I have friends but I don't have real friends."
Nagkasulyapan kami ni Mady na parang pareho kami ng iniisip. Kagaya ng napag-usapan ay pumasok na kami sa loob ng Starbucks. Si Justine ang nag-suggest na dito na lang kami dahil gusto niya uminom ng Frappucino. Medyo natagalan pa kami sa counter dahil sa pagtatalo kung sino ang magbabayad ng lahat.
Si Lian nagpapa-good shot at sinabing siya na ang magbabayad tapos si Justine gusto rin na siya na lang ang magbayad. Kaming dalawa ni Mady pa chill chill lang dahil nabubuhay kami sa libre. Sa huli, nanalo pa rin si Justine.
"Sana all nilibre ni crush," siko kay Lian.
"Asa kang ililibre ka ni Russel,"
"Ang sama mo!"
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...