Chapter 6
"Thank you! Enjoy the night!"
Ngumiti ako sa mga taong nasa baba saka tumalikod para makipagpalitan ng apir sa banda. Kinakabahan akong bumaba sa stage at iniisip pa rin ang mga titig kanina ni Russel at ng mga kasama niya. Akala ko ay hindi ako makakanta ng maayos dahil sa kaba.
Hindi pa rin tanggap ng utak ko na nandito sila pero buti nalang wala akong utak.
Kausap ko si Ate Lisa nang maramdaman ko ang kamay na humawak sa balikat ko. Nagpaalam na rin ang kausap ko kanina at sinabing sa dressing room na muna siya. Halos mawala na ang mata ni Lashi dahil sa lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa'kin.
"Jia! Ang galing mo!" pumapalakpak pa siya sa harap ko. Natawa tuloy ako.
"Thank you!" nakangising sabi ko. "Nandito pala kayo, di ako na inform."
Sabi niya ay nasa stage na raw ako at nakikipag-usap sa banda nang dumating sila. Tuwang-tuwa pa nga raw siya dahil nakaabot sila. 'Yung usapan kasi nila gagala lang sila pero nakita niya raw 'yong IG post ko at sinabi na dito nalang pumunta.
Fan ko talaga ata siya 'no? Kapal ko.
"May gagawin ka?" tanong niya. "Doon ka muna sa table pakilala kita sa kanila."
"Ha? Uy, sigurado ka ba?"
"I'm sure. Sabi mo gusto mo kami makilala diba?"
"Oo pero parang-"
I was cut when he grabbed my wrist. Muntik pa 'ko masubsob sa likod niya. Mas excited pa ata siya sa'kin, e. Ang ingay niya pa kanina at hindi matigil kaka-cheer.
Nakakatuwa lang kasi ang bait ni Lashi sa'kin. Ayoko sa mga taong feeling close pero kung sila naman 'yon, okay lang. Oo tama choosy ako minsan.
"Dali na, 'wag maarte VIP ka ngayon,"
Pareho kaming natawa sa sinabi niya habang kaladkad niya ako. Hindi naman kalayuan ang table nila dahil malapit lang 'yon sa stage. Naabutan naming nagtatawanan ang mga kasama niya roon sa table ng madatnan namin. Maliban sa kanila ay may isang mas matanda silang kasama na kausap din nila.
"Dudes, si Jia pala 'yong sinasabi ko sa inyo," pagpapakilala ni Lash para sa'kin.
Natigil sila sa pag-uusap at tumingin sa'kin. Kumakabog na naman dibdib ko dahil sa kaba at saya. Ang gwapo nila, jusmeyo! Parang noon lang sa YouTube at pictures ko lang sila nakikita tapos sa mga mall lang ngayon nasa harap ko na!
Sign na ba 'to na jowain ko na si Russel? Char.
"Hi Jia! Lester," tinanggap ko agad ang kamay niya. Ang lambot! Parang di nakapaghugas ng plato ah.
"Nice to meet you happy virus!" napapangiti na rin ako sa dahil sa ngiti niyang nakakahawa talaga.
"Hui, bias mo ba ako?" nakaupo lang siya at nakatingin sa'kin. Ang gwapo talaga nito pero taken na ko, e.
"Hindi pero fan mo pa rin,"
Tinawanan siya ni Lester at Lashi. Medyo makapal kasi mukha nito at feeling niya bias siya ng lahat. Ay sori, taken na talaga ako. Nakipagshake hands din si Hui sa'kin pati na 'yong katabi nila na manager pala nila. Pati pala rito sinasamahan sila? Nahiya tuloy ako pero sabi ni Lashi mabait naman daw ang manager nila.
"Oh, may bisita pala tayo."
Nagslow-mo ata nang nilingon ko si Russel na nakatayo sa gilid ko na di ko alam saan galing. Wala kasi siya dito kanina nang dumating kami. Akala ko nga umuwi na, e. Amoy na amoy ko ang pabango niya at parang gusto ko pang umusog ng konti para dumikit 'yong bango niya sa damit ko.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...