Chapter 23
Jia Evardone the Youtube sensation will have her debut next week . The CEG company released an update about this new artists who's under training with them and will have their public show soon....
.....the news became trending yesterday after their photos were posted by their Producer, CEO Tim.
Natigil ako sa pagbabasa nang bumukas ang pinto ng music studio at iniluwa nito ang nakangiting si Pachiko. Pinakita niya pa sa'kin ang fake tattoo niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin tinatanggal. May photoshoot kami noong isang araw at nilagyan siya ng tiger tattoo sa balikat niya at wala ata siyang planong tanggalin 'yon.
Pareho ang kulay ng buhok naming dalawa at hindi na ito fake. We really did dye our hair for the big day soon. It's a mix of purple and black. Actually I don't really like dying my hair with colors but the stylist said that I need to. Nasa dulo lang ng mahabang buhok ko ang kulay purple na nilagay nila kaya pwede ko lang 'tong ipagupit pagkatapos. 'Yong kay Pachiko naman ay nasa top hair ang highlight ng kulay.
"Pinapatawag tayo ng CEO." sabi niya kaya tumayo na agad ako at inayos ang sarili. Wala rito si Coach Eva dahil may pinuntahan sa 2nd floor.
Sabay na kaming lumabas para magpunta sa office ni Mr. Tim. Actually madalas naman siyang nagpupunta sa practice room dati para itanong sa dalawang Coach kung may improvement ba kami. Nagtatagal naman siya sa practice room mga 1 minute ata.
Nang makapasok kami sa malawak na opisina ng CEO ay agad kaming pinaupo sa harap ng table niya. He's wearing his office attire and currently taking his coat off before giving us a smile.
"I guess you already know that you are the topic of the media right now?" he leaned towards the table. "I want to congratulate you guys in advance. Mukhang nagustuhan agad kayo ng mga tao lao ka na Jia."
"Po?"
"The company staffs and me didn't know that you already have a huge amount of fans," ngumiti lang ako sa kaniya at nahihiyang tumango. "Tapos na ang photoshoot niyo, may mga single na rin kayong nagawa at baka sa susunod na araw ang magsho-shoot na kayo para sa music video."
We were silently listening to him as he was talking. Nakikinig ako sa kaniya at natatandaan ko 'yon lahat pero nadidistract ako sa nakikita ko kay CEO Tim. He has a kiss mark on his neck. Medyo natatabunan ito ng kwelyo niya pero duh, ang laki kaya ng mata ko. Pulang pula pa ito at parang kakasisip lang ata.
Teka napakachismosa ko naman.
"Make sure to have a good profile, okay? Lalo na ngayon na kilala na kayo ng mga tao at mas makikilala pa kayo sa susunod. Always remember that your attitude and actions will affect the company."
Maya maya lang ay lumabas na kami sa opisina ng CEO pagkatapos naming magpaalam sa kaniya. Hinintay kong magsalita si Pachiko tungkol doon sa nakita ko pero wala naman siyang binanggit. Mukhang hindi niya ata napansin.
Sinabi ko kay Pachiko na mauna na muna siyang bumalik sa practice room dahil magbabanyo pa ako. Tinitignan ko ulit ang pictures ko noong pictorial namin and it came out perfectly. Inaasahan ko pa naman na si Kuya Elliot ang magiging photograher namin pero iba 'yong nandon. Nakakainis pa nga dahil ang sungit sungit ng lalaking 'yon.
Kakapasok ko pa lang sa banyo ay natigilan agad ako ng may marinig na boses. It wasn't creepy since that voice is seriously singing.
"Ain't too proud to beg, second chance you'll never get
And yeah, I know how bad it must hurt
To see me like this but it gets worse"Her strong voice is blasting inside the rest room and it is very mesmerizing to the point I forgot that I went here to pee. Nakahilig lang ako ngayon sa may washing area at hinihintay na lumabas sa cubicle ang babaeng kumakanta ngayon.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomansaThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...