Chapter 10
Umaalingawngaw na naman ang malakas na tili ni Josephine sa loob ng banyo. Akala ko nga ay hihimatayin 'yan kanina kakatili buti nga di nauubusan ng boses. Nagkatinginan kami ni Mady sa repleksyon namin sa salamin at sabay na natawa habang pinapanood na umiyak sa tuwa si Jo. Nakaupo lang siya sa gilid ng sink habang nakatingin sa cellphone.
"Utang mo sa'kin buhay mo, ah." pagbibiro ko sa kaniya.
Pinagpatuloy ko ang pag-aayos ng sarili ko. Tinanggal ko ang naka-apply na powder sa mukha ko at kumuha ng wipes sa bag. Natawa na naman kami ni Mady nang marinig ang tili ni Jo sa loob ng cubicle kung saan siya pumasok para umihi.
Pati tuloy 'yong mga pumapasok ay nagtataka. Kanina pagkatapos ng event ay pinapunta ko si Jo sa backstage at sinabi sa kaniya na may regalo ako. Humingi ako ng pabor sa grupo ni Russel na makapagpicture sila kasama ng kaibigan ko.
"Okay ka na? Pwede na tayong lumabas?" I asked Jo with my thumbs up.
"Oo, nakakahinga na ako ng maayos."
"Fangirling life," Mady scoffed and walked out first.
Pagkalabas namin sa banyo ay naabutan namin sa may hallway si Lian na kausap si Justine. Ngiting-ngiti pa siya samantalang kanina busangot ang mukha dahil sa gutom. Naunang nakalapit si Mady at Jo sa kanila dahil nahinto ako ng may lumapit sa'kin at nagpapicture.
Kanina pa may nagpapa-picture sa'kin pagkatapos ng event. Pagkatapos magpaalam ng Moonlight sa'kin ay umalis na ako sa backstage kanina. Nasorpresa pa ako ng makita ang iilang grupo na naghintay pala para makapagpa-picture sa'kin.
I was like a celebrity for one day.
"Thank you po!"
"You're welcome!"
Naglakad na ulit ako palapit sa mga kasama ko at nakinig sa pinag-uusapan nila. Tinanong ko kay Justine kung sasama siya sa party mamaya.
Gaya ng sabi ni Russel kanina ay nagimbita ako ng mga kaibigan. Sinama ko na rin si Jo at walang pagdadalawang isip ay pumayag siya. Uuwi pa siya ngayon para makapagbihis. Si Lian, di ko pa sure kung sasama dahil pag-aaralan niya pa ulit 'yong sa actual test nila sa Med. Mababa kasi score niya nong last.
"Yes, I will be there. I'm already 18 though." ngiting tugon niya. " I can party na."
"Ininvite mo rin pala 'tong pinsan mo, Jia?" tanong ni Jo habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Justine.
"Bakit di ba pwede? Ikaw nga ininvite ko, e." sagot ko sa kaniya.
"Pinsan?" Lian and Mady asked in chorus.
"W-we're cousins,"
Mukhang hindi naman ganoon katanga ang dalawa dahil nakuha naman agad nila ang ibig sabihin ng mga titig ni Justine. Their lips smiled while nodding silently. Hanggang ngayon ay sarado pa rin ang bibig naming tatlo.
"Si Lian hindi ata makakapunta ngayon." anunsyo ko.
"Why?" Justine questioned.
"This alien needs to study tonight." Mady throw a smile at Justine. "Masipag kasi 'tong kaibigan namin."
Oo, masipag matulog.
Nilunok ni Lian ang mura niya at sinamaan ng tingin si Mady pagkatapos siyang kaldagan nito sa likod. May tumawag sa cellphone ni Justine kaya nagpaalam na agad ito. May pupuntahan pa raw kasi siya bago sa party. Si Jo ay umalis na rin kasunod ni Justine.
"Bakit ko nga kayo kaibigan? Tanong ko lang."
Busangot ang mukha ni Lian na nakaupo sa backseat ng sasakyan ni Mady. Hindi niya dala ang motor niya dahil tinatamad na naman siya magdrive. Dadaan muna kami sa Mcdo bago nila ako ihahatid sa bahay. Gutom kasi kami pareho. Maaga pa rin naman at mamayang alas dyes pa magsisimula ang party.
BINABASA MO ANG
Melodies Of Pain
RomanceThe melody of the song tells how lonely it is. The lyrics of the song are words that wanted to hear. Hiding something is not forever. Hiding your feelings to someone is something that you will regret for not telling to soon. It's about love. Love th...