-------------------CHAPTER XIV-------------------

2 0 0
                                    

Xyrus POV

Hindi ako makakilos, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at nakatulala lang ako ng hinagis niya sa gitna ng mga hita namin ang isang kutsilyo.

"Sorry, Ms. Savior, sorry na!" paakiusap ni Gene na nginginig at hindi makagalaw.

"Tara." Aya niya kay Gene.

Dahan dahang lumapit si Gene at bigla niyang binatukan. Saka niya tinulak sa gilid niya.

"Ok sorry, Sorry, hindi nako papayag kay Xyrus." Pakiusap ni Sean.

"Anong?" bulong ko.

"Bakit? Aminin mo na, kahit ikaw nagiguilty ka sa mga ginawa mo sa kanya." Sambit ni Sean paglingon sa akin.

"Tsk, umalis ka na diyan." Utos nit okay Sean kaya napatingin ako.

Pakalayong pagkalayo ni Sean ay kumuha na siya ng isa at ihahagis na.

"Ano!" sigaw niya at ihahagis na.

"FINE!" napapikit ako at nagtaas ng dalawang kamay. "Sorry, sorry hindi lang ako makapayag na andito ka! Hindi lang ako makapayag na ikaw na taong muntik naming mapatay kahapon andito sa bahay namin, makakasama namin at pinapaburan ni Lolo, Fine Soorry! Sorry!"

Zyxed POV

Natingin lang ako kay Xyrus, nung una pa lang aay pakiramdam na niya na hindi siya ang pinapaburan palagi ni Lolo. Palaging ako ang sinisisi niya.

Napatingin ako kay Wyte at binalik sa suksukan ang hawak niya at nilapitan si Xyrus.

"hindi lahat ng tulad niyo, napoprotektahan ng ibang tao. Pasalamat kayo, maayos buhay niyo." Seryosong sambit niya habang kinukuha ang mga kutsilyong hinagis niya sa tatlo. "uulitin ko lang, hindi ko alam kung bakit ako nandito, hindi ko din gustong makasama kayo. Pero iniwan na lang ako bigla ni kuya na walang sinasabi." Huling hugot niya sa pagitan ng hita ni Xyrus.

Napaupo yung tatlo sa sahig dahil sa nangyari. Ibinalik na nito ang dala niya sa kusina.

Umakyat na ako at nailing iling na lang sa nangyari. Kahit sinong matigas magugulat sa nangyaari.

Wyte POV

Humiga na ako sa kwarto at napahawak sa phone ko para itext si kuya sana sa nangyari pero hindi ko alam kung bakit nagpipigil ako. Gumawa na naman ako ng gulo dahil sa galit ko. Pero mas maganda kung malaman ni kuya para makaalis ako dito. Alam na ni Xyrus naa yun ang kahinaan ko. Nagawan ko na din ng masama ang magpipinsan na yun.

Hindi ko na din sure kung sa ginawa ko aay lalo lang silang magagalit sa akin. At hindi sila magdadalawang isip na gumanti.

"Okay ka na talaga?"Biglang may kumatok sa pinto.

Napabangon ako.

"Brix, Oo." Sagot ko.

Tumabi ito sa akin.

"Tara magbreakfast." Aya niya.

"Wala akong gana. Sige na, inaantok na ako. Matutulog na ako." sambit ko at bumalik ng higa.

"Sige." Paalam ni Brix.

Pagkarinig ko ng pinto ay napatingin ako sa gawi kung saan nakaupo si Zyxed katabi ko. Biglang kumabog ang dibdib ko ng maalala ang nagyari.

Napabangon agad ako at napangiti. Bakit ba palagi sa kanya akong yumayakap?

Zyxed POV

Habang nakahiga ako sa kama ay naalala ko ang nangyari kanina. Biglaang pagyakap nito at pagtabi ko sa kanya. Napahawak aako sa dibdib ko at napangiti.

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon