Wyte POV
I'm Princess Wyte Martin, 18 years old. Dati akong Snow White, este sobrang puti ko ng bata. Kaso wala eh, napasabak sa init ng araw at gulo lagi ang nahahanap ko kaya unti unting kumupas ang kaputian ko. May bangs ako at habol na habol na style ng buhok ko na medyo wavy. Steady lang ang habang ng buhok dahil sa may pinaggagayahan ako. Hindi man ako ganong katangkad ay hindi naman masasabing maliit ako.
"Princess!" sigaw ni kuya mula sa taas ng truck kung saan nakalagay ang mga gamit namin.
"Po!" sigaw ko din.
"Ano ka ba princess, tumulong ka naman." Reklamo niya at mula sa likod ng cabinet na nasa truck pa ay naroon siya.
"Bakit kasi lumipat pa tayo," reklamo ko din pero tumulong pa din akong magbuhat."Boss na ako dun eh." Bulong ko pa.
Biglang baba ni kuya sa truck at binatukan ako.
"Kasalanan mo, kasalanan mong lahat ng to, kung hindi mo sana sinira ang record mo sa probinsya, hindi tayo mapipilitang lumipat dito!" sermon niya sa akin.
Natahimik na lang ako at nagpatuloy sa paghaahakot. Medyo kasalanan ko nga. Kasi naman, dahil sa pagiging ulila namin laging may nambubully kay kuya kaya ang ginawa niya, nagaral kami ng iba't ibang sports. Lagi kaming nakikisama sa mga Athlete at mas malala pa sa self defense ang tinuro niya sa akin. Matapos kasing mawala ang kinilala naming pamilya ay kami na lang ni kuya talaga ang magkasama.
Dahil sa ginawa ni kuya, habang nagaaral ako ay sa iba ako napapadpad, hindi sa pagiging varsity or Athlete. Kundi sa mga gulo at pang aaway sa mga bully at hinahanap ko talaga sila.
Dati kinukulong ako ni kuya sa kwarto dahil sa umuuwi akong bugbog or may mga pasa at sugat. Dahil ayaw niya ang ginagawa ko. Kaya mas ginalingan ko pa upang hindi ako mahuli pero dahil napapakickout ako sa bawat school pagnayayari ang bawat year ko ay nagpaalipat lipat na kami ng school at tinitirahan.
Naubos niya sa pagpapagamot sa mga nakakaaway ko o sa akin ang pera naiwan sa amin ni Lolo. Wala na rin nagawa si kuya para pigilan ako dahil nasanay na ako na sinasaktan noon pa man sa mga kamay ng taong hindi ko na gustong alalahanin.
Napasukan ko na nga lahat ng public school. Hindi naman ako makapasok sa private dahil sa hindi kaya ni kuya ang bayad sa private.
Pero hindi ko alam kung bakit sa dami dami ng pwede naming lapitan ay dito pa ni kuya naisipan na lumipat sa manila. Pinaka dapat naming iwasan sa isang bilin sa amin ng nagalaga sa amin noon pa man.
Pagkababa ng lahat ng gamit namin at pagtapos ng paglilipat namin ay nakahiga kami sa upuang mahaba ni kuya at nagpapahinga.
"Pero kuya, bakit dito? Sa magulo at sa pinagbabawal sa atin ni-" hindi ko tinapos ang sasabihin ko ng maalala kung sino ang nagbilin sa amin.
"Basta, maraming magbabago sa atin. Hindi ko pa kayang ipaliwanag sayo hanggang wala akong nakukuhang tamang sagot." Seryosong sagot ni kuya at tumayo siya upang pumasok sa kwarto. "Ikaw na dito sa kwarto at ako na sa labas." Pagbabago ng topic ni kuya.
Bumuntong hininga na lang ako at inintindi ko na lang si kuya.
David pov
James David Martin, 25. Halos kayumanggi na ako pero matangos pa din ang ilong ko. Malaki ako ng isang dangkal sa kapatid ko. Palatawa, laging nakangiti ngunit sa kabila ng nakikita ng iba ay may tinatago akong sikreto.
"Maghahanap na ako ng trabaho at makahanap na din ng School mo." Paalam ko sa aking kapatid at agad lumabas dala ang isang malaking envelop.
Lumabas agad ako ng tumango siya.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomansaIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...