Wyte POV
Hindi ko alam ang dahilan, hindi ako pinapansin ni Zyxed. Nginingitian niya lang ako pero parang malalim ang iniisip niya. Hinatid niya ako sa bahay.
"Pupuntahan ko lang si Lolo." Paalam niya sa akin.
Hahawakan ko sana ang kamay niya dahil hindi siya tumitingin sa akin pero iniwas niya. Tinalikuran niya ako.
"Zy." Tawag ko sa kanya.
Hindi niya ako pinansin at umalis na lang siya bigla. Napatingin lang akoo habang papalayo siya. Hinintay ko siyang umuwi dahil nagaalala ako sa kanya. Pero hating gabi na pero owala pa siya.
"Matulog ka na, dadating din yun." Sambit ni Kuya David.
"Mauna ka na kuya, hiihintayin ko siya." Tanggi ko.
Hinayaan na lang ako ni kuya david. Naghintay ako hanggang nakatulog ako sa sofa. Naramdaman ko na lang na binuhat ako at dinala sa kwarto.
"Zy?" sambit ko kahit nakapikit.
"Ako nga to, matulog ka na ulit." Rinig ko ang boses niya.
Hinawakan ko siya at hindi binitawan hanggang nakampante na akong katabi ko siya.
Pagbangon ko ay maliwanag na ang araw. Sa kwarto niya ako nakatulog, pagtingin ko sa paligid ay walang bakas niya. Tiningnan ko yung Cr, pero wala siya. Napababa tuloy agad ako pero sinalubong ako ni kuya david.
"Si Zy kuya?" tanong ko.
Hindi ako sinagot ni kuya.
Brix POV
Hindi kami makasagot dahil sa pinaalam ni lolo.
"Umalis na si Zy, kumuha siya ng pera kay Lolo at umalis ng pilipinas." Si Xyrus ang naglakas ng loob na sabihin ang totoo.
"Kasama ko lang siya kagabi, hinatid niya pa ako sa kwarto." Iling ni Wyte habang unti unting bumabagsak ang mga luha niya.
"Kaninang madaling araw lang siya umalis." Dugtong ni Gene.
"Hindi, hahanapin ko siya." Sambit ni Wyte.
Hinarang siya agad ni kuya David.
"Tama na Wyte, umalis na siya!" sigaw ni Kuya David.
"Hindi pwede yun, hindi niya gagawin yun kuya. Nangako siya kuya." Tuluyang bumagsak ang luha ni Wyte at napaupo siya sa sahig.
Yinakap siya agad ni Kuya David. Napaiwas ako ng tingin.
"Kuya nangako siya eh, hindi niya ako iiwan. Hindi ko maintindihan, okay na kami nung birthday ko." Patuloy na pagiyak niya.
Kahit ako ay napapaiyak na sa nakikita ko. Hindi naman kami makapagsalita dahil sa nangyari. Akala namin mga magagandang pangyayari lang ang nagdudugtong sa kanila, yun pala mas masama pa sa inaasahan namin.
Nalaman namin kay lolo ang totoo. Nabulag ni Zy si Wyte nung bata sila. Magbestfriend ang Daddy ni Zy at ang papa ni Wyte noon. Magkasama silang dalawa sa isang bakasyon ng aksidententeng natapunan si Wyte ng tray ng itlog sa ulo ni Zyxed at yung basag ng shell ng itlog ay nakahiwa sa mata ni Wyte noon kaya siya nabulag. Naging allergy kay Wyte ng hindi niya natatandaan nay un ang dahilan ng lahat. Pinaopera agad ni Lolo ang mata ni Wyte para bumalik sa dati.
Nakiusap ang daddy ni Zy at si Lolo sa papa niya na sila na lang ang magpapagamot kay Wyte. Akala nila Lolo na okay na ang lahat pero yun pala ay sobrang galit na galit padin ang papa ni Wyte.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...