Wyte POV
Nanaginip akong hinawakan ni Zyxed ang kamay ko habang natutulog sa higaan niya. Hanggang magising ako sa liwanag ng araw. Bumangon ako sa pagkakahiga pero nanlaki ang mata ko ng mapansin kong nasa kwarto nga ako ni Zyxed.
Ilang saglit pa, bago pa ako makagalaw mula sa kama ni Zyxed ay pumasok si kuya David. Sunod sunod ng lumabas si Xyrus, Gene, Arthen, Sean at Brix.
"HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!" kanta nila.
Si Arthen ang naggiguitara.
"Ano? Nagbirthday na ako kuya." Sambit ko.
"Sinabi ng kuya Vince mo na ngayon ang totoo mong birthday. Yuung birthday mong ginagamit, yung araw na natagpuan tayo ni Lolo." Paliwanag ni Kuya.
"Asan si kuya." Tanong ko agad.
"Ah siya, kasama ni Lolo." Sagot ni Xyrus.
Tiningnan ko pa sila at may isa pang hinahanap ang mata ko.
"May iba kang hinahanap pa?" tanong ni Arthen.
"Huwag mo nang hanapin, andito kami." Sambit ni Brix.
"Tama na yan, nangangawit na ako." sambit ni Kuya David.
Bumangon na ako at hinipan ang kandila.
"Pero gusto naming malaman, Princess? Veronica? Or Wyte?" tanong ni Arthen.
Napaisip din ako. Hindi ako sanay na Veronica.
"Wyte, Hindi din naman ako tinatawag ni kuya at Mama ng Veronica, princess ang tawag nila sa akin noon. Pero mas gusto ko pa din ang Wyte."paliwanag ko.
"Paano, panalo kami ni Zyxed." Sambit ni Arthen.
"Teka, pinagpustahan niyo ko?!" pagsusungit ko.
"Hindi ako kasali, sila lang." sambit ni kuya David, "Yung kambal, princess ang pinili nila, si Xyrus at Gene, Veronica, yung dalawa lang ang Wyte ang pinili."
"Asan ba siya?" tanong ko.
"Bumaba ka na, kanina pa gising yung lalaki na yun at pinaghanda ka." Aya ni Kuya David.
Nauna naman silang lahat nagsikain. Nang makita ako ni Zy ay ngumiti agad siya sa akin. Nilapitan ako.
"Happy Birthday." Sambit niya.
Natingin lang ako sa kanya. Nakausap k din siya sa wakas. Agad akong yumakap ng mahigpit sa kanya. Parang ngayon lang talaga din kami nagkita. Hanggang tingin lang ako sa kanya simula kahapon.
"Namiss mo ko?" tanong niya.
"Sobra." Sagot at parang ayoko ng bumitaw sa kanya.
Arthen POV
Napahinto kami sa pagkuha ng pagkain. Ang tagal nilang magkayakap. Hindi talaga sila nagbibitaw.
"Seryoso, hindi talagaa kayo magbibitaw?" sambit ni Brix.
Bumitaw na nga si Wyte. Umupo na din sa gitna na tatabihan sana siya ni Zy kaso inunahan ni Kuya david.
"Kuya!" sigaw ni Wyte sa kanya.
"Oo na." sambit ni kuya David at umasog siya para makaupo si Zyxed.
Pero napabuntong hininga si Wyte.
"Bakit?" tanong ni Zy sa kanya.
Natingin din kaming lahat sa kanya.
"Nakilala ko na pamilya ko pero bakit hindi ko sila pwedeng kasama ngayon?" buntong hininga ni Wyte.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...