-------------------CHAPTER XLIV-------------------

2 0 0
                                    

Brix POV

Nasa sala lang kami ng sinimulan ni Sean ikwento ang nalaman namin.

"May sinabi si Lolo samin nung pumunta kami sa office. Hindi namin masabi sayo kasi lagi mo siyang kasama." Sambit ni Sean.

"Yung ano?" taka ni Zyxed.

Natingin muuna kami sa hagdan at baka bumaba si Wyte.

"Hindi niya tunay na kapatid si kuya David." Bulong ko.

"What?" gulat ni Zyxed.

"Hindi niya dapat malaman hangga't hindi pa alam ng kuya niya kung sino siya. Gusto ng kapatid niya na alamin muna ang totoong pagkatao niya." Pabulong na paliwanag ni Sean.

"Sinabi niyo sana agad sa akin, hindi n asana natin inalam yung tungkol kay tita." Sermon ni Zyxed.

"Wala na kaming pagkakataon, lagi mo siyang kasama. Tapos kung nagkataon na pigilan ka namin habang nasa harap siya ay lalo lang siyang magtataka kung bakit." Paliwanag ko.

"Hindi rin si Lolo ang pupuntahan nila Arthen, yung kuya niya." Sambit na din ni Sean.

David POV

Ayoko na sanang balikan si Tito Zander pero baka alam niya kung paano kami nakita ni Lolo. Baka may mga makikita pa ako nanagamit namin noon nung nakuha kami.

"David?" gulat nito.

"Tito." Sambit ko.

"Si Wyte?" tanong niya agad.

"Wala siya, nasa manila siya. May gusto akong malaman." Malamig na sambit ko.

Nasa maliit siyang bahay ngayon, nagtago kami sa kanya dahil natatakot akong kung anong gawin niya kay Wyte, lalo na't wala na si Mama at lolo.

"Hindi mo pa din ba ako napapatawad?" tanong niya.

Pinapasok niya ako sa loob habang nandon ang asawa niya.

"Nakapagasawa pa pala kayo?" tanong ko.

"Pagkalaya ko hinanap ko kayo ni Wyte para ibigay naiwan ni Papa sa inyo, pero siya ang nakita ko." Kwento niya.

"May naiwan si Lolo?" gulat ko.

"Halatang nagmamadali kayo makaalis dahil hindi niyo man lang pinuntahan ang kwarto ni Papa." Sambit niya. "Teka lang." sambit nito.

Pumasok siya sa isang kwarto at paglabas nito ay dala ang isang box. Inilapag niya sa lamesang nasa harap ko.

"Mga damit niyo, sa tingin ko ang nasa isip ni papa na ibigay to sa inyo kapag nasa tamang edad na kayo. Takot na takot ka nung mga araw naa nagising ka, kaya minabuti ni Papa na itago sa inyo ang mga damit at mga meron kayo nung natagpuan niya kayo. Yung singsing, hindi ko na makita. Subukan mong hanapin sa mga gamit ni Wyte. Muntik na kasing ibenta ni kuya kaya kinuha ko. Pinilit kong itago sa gamit ni Wyte para di na mahanap ni kuya. Patawarin mo ko david sa lahat ng pagbubugbog namin ni kuya sa inyo. Masyaado akong natatakot din kay kuya noon kaya sumusunood lang ako sa kanya." Kwento niya kasunod ng paghingi ng tawad.

"Hindi ako ang kapatid ko, masyado pa siyang bata noon kaya madali para sa kanya na patawarin ka. Pero hindi ako." tanggi ko at binuhat ang box. "Pero salamat sa pagtago ng gamit namin, kapag handa na kami ni Wyte na makita ka ulit, babalik kami." Malamig na sambit ko at agad ng sumakay ng sasakyan para umalis na dun.

Pagdating ko sa mansyon ay sa office ni lolo sa bahay agad ako pumunta.

Zyxed POV

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon