-------------------CHAPTER XV-------------------

2 0 0
                                    

Wyte POV

Napabuntonog hininga silang lahat at natingin sa akin.

"Marunong ka ba Ms. Savior?" tanong ni Gene sa akin.

"Nang ano?!" inis ko.

"Wyte Basketball, Dinadayo dansion para makipaspustahan sa basketball." Paliwanag ni Arthen.

"Tsk, wag niyo kong idamay." Inis ko saka naglakad pabalik kay Zy.

Pagkapark nito ay tumingin sa akin.

"They're going to get you." Seryosong sambit nito.

"Bakit ako?" gulat ko.

Napailing siya.

Napabuntong hininga ako. Pero pagdating namin sa building ay ang sasama ng tingin sa akin ng mga babae dito.

"Mauna ka." Sambit ni Zy at napagpahuli.

Unti unting nagsisiiwas ng tingin ang mga ito hanggang wala ng tumitingin sa akin. Pagdaan namin sa room niya ay nakatayo sa gilid ang tatlong reyna ng school. Parang sinasabing makakaganti din sila.

Maghihintay ako.

Zyxed POV

Napasama ang tingin ko pero hinatid ko muna siya sa room niya saka bumalik sa room at tumayo sa harap nung tatlo. Masang masama na ang kinatatayuan niya sa Dansion. Hindi na siya makakaiwas at lalo na sa tatlong bibe na to.

"Huwag niyo siyang gagalawin kung ayaw niyo na ako mismo magpapahiya sa inyo." Malamig na sambit ko.

Ngayon ko lang sila binantaan. Hindi ko sila ginagalaw dahil baka isipin nila ay pumapatol ako sa babae. Pero ngayon hindi ko kayang makita at iisipin kung anong pwede nilang gawin sa kahahatid ko lang kanina.

Iisipin ko palang ay nagaalala na ako na baka anong gawin nila at ngayon pa lang ay gusto ko ng patulan ang mga babae nato.

"Ano mo ba siya?!" reklamo ng Thoene ang apelido.

Hinampas ko ang pinto pader na nasa likod nila.

"Shut up!" matigas na sambit ko.

Bumaba na agad ako at tumawag kay Butler Kaizer. Hindi na ako nagdalawang isip pa, alam kong gulat si Butler Kaizer na direkta koo siyang tinawagan. LAgi ko naman kasing pinapadaan kay Arthen ang mga kailangan ko na kailangan si Butler Kaizer.

Wyte POV

Sa likod na lang ako pumwesto para hindi ako mabwisit habang nagkaklase. Pagdating ng prof na class adviser namin ay naagsalita na agad ito.

"Class, may bago kayong kaklase." Sambit ng prof namin.

Biglang pumasok si Zyxed sa room at dumiretso sa tabing upuan ko na wala siyang katabi sa kabila niya. Natingin lahat sa kanya, nagumpisang kiligin at ikatuwa nila ang makita si Zyxed. Kahit napakasungit nito ay talagang nakakahulog ng puso ang kagwapuhan niya.

Pero napailing iling ako, ang malaking tanong bakit siya lumipat sa room namin at tinabihan pa ako.

"Anong ginagawa mo dito?" bulong na tanong ko.

"Tsk, shut up." Mahinang sambit niya na painis.

"Let's start our discussion." Sambit ng prof namin.

Habang naagkaklase ay hindi ko maiwasan ang hindi tumingin sa kanya. Bakit ito lumipat sa klase ko? Bakit niya ako sinundan?

Bigla niyang hinagis sa mesa ko ang notebook niya. Napangiti ako ng naidrawing niya akong nakatingin sa kanya. May nakasulat din na " Stop it, nakakainis ka."

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon