Arthen POV
Kakatapos ko lang magpractice sa kwarto ng maalala kong walang kasama si Wyte, siguradong iiwasan siya ni Zyxed sa bahay. Si birx hindi pa yata bumabalik. Papalabas na ako ng biglang pumasok si Brix.
"Asan si Princess?" bungad niya agad, may dala siyang set ng fastfood.
"Huh?" taka ko.
"Wala siya sa kwarto niya, wala siya sa sala, wala sa kusina." Paliwanag niya.
Napalabas ako ng kwarto saka pumunta sa kwarto ni Zyxed. Pumasok na ako agad ng hindi kumakatok.
"Zy, si Wyte." Bungad ko agad pero wala siya sa loob.
"Wala siya." sambit ko sa sarili ko.
"Asan?" tanong ni Brix.
Bumaba na kami at tumingin sa ibang kwarto kahit hindi naman napuntahan pa ni Wyte. Kahit pati sa painting room ni Zyxed ay tnry namin pero ang lumabas si Zyxed.
"Zy, andyan ka pala." Sambit ko.
"Sabing huwag kang papasok sa loob diba." Inis ni Zyxed na lumabas, kahit hindi pa naman ako pumapasok sa loob.
"Si wyte?" inis na tanong ni Brix at pumasok siya bigla sa loob.
Hinila na lang palabas ni Zyxed si Brix dahil sa biglaan pagpasok nito.
"Bakit ko siya papasukin dito?! Pwede ba, hanapin niyo sa iba, huwag dito at hindi ko daadalin dito yun." Galit ni Zyxed.
"Sorry Zy, wala kasi siya sa kwarto niya." Hinila ko na lang si Brix.
Ayaw niya kasing makita ng kahit sino ang painting na nandon. Hindi ko alam kung ano yung nandon. Hindi makikita agad kung saglit mo lang pupuntahan dahil nakatalikod ito. Pagkakatanda ko ay dating pagmamayari ng daddy niya to.
Pagbaba namin sa sala ay nagsalita na ako.
"Hindi ka dapat pumasok bigla kanina." Sambit ko.
"Nawala sa isip ko." Sambit ni Brix pero alam kong masama ang loob nito.
"Hindi niya kinakausap sa bahay si Wyte, hindi sila nagkikita sa bahay." Kwento ko para lang masigurong hindi niya padin pinaghihinalaan si Zyxed.
Huminto siya at humarap sa akin.
"Bakit si Zy pa?" Bulong niya.
"Tawagan na lang natin si Wyte, diba may number naman tayo." Pagbabago ko ng usapan.
Kinuha ko agad ang phone ko sa bulsa saka tinawagan ang number ni Wyte. Pero hinila ni Brix at siya ang sumagot.
"Si Brix to, asan ka ba?" mahinahong bungad niya.
Xyrus POV
Nakatingin lang ako sa kanya habang nagshushoot siya ng isang kamay at ako nanonood lang sa kanya sa gilid. Nagaalala rin ako na magamit niya ang isang kamay niya na may pilay, benda na lang din kasi ang merono ang kamay niya at wala ng suporta. Pero bigla siyang tumigil.
"Hindi nakakatuwa, magisa pa din ako." inis niya.
"Hindi mo naman kasi sinabi, edi maglaro tayo." Sambit ko saka tumayo mula sa kinauupuan ko.
Pero bigla namang tumunog ang phone niya.
"Sino to?" bungad niya agad. "Paano mo nakuha number ko? Nasa bahay lang ako ahh." Patuloy niya.
"Sino yan?" tanong ko.
"Si Brix." Nilayo niya saglit saka ibinalik din agad. "Kasama ko si Xyrus dito sa lumang court niyo." Patuloy niyang kausap dito.
"tara na." aya ko.
"Punta kayo dito, dalin mo na din si Arthen." Sambit niya saka pinatay.
"Teka, teka, bakit mo sila papupuntahin dito?" taka ko at medyo lumapit.
"Tawagan mo din si Gene at Sean, bilis." Tuwa niyang utos sa akin.
"Wait nga lang, bakit nga?" pilit kong tanong.
"SHH! Bilis na." pilit niya.
Dinukot ko na yung phone ko sa bulsa saka tinawagan si Sean.
"Nakauwi na ba si Gene, punta daw kayo dito sa court." Aya ko.
"Sino may sabi?" tanong ni Sean.
"Si ano, basta, siya, tara dito." Inis ko dahil hindi ko talaga masabi ang pangalan niya at hindi ko siya matawag sa pangalan.
Arthen POV
Sinundan ko lang si Brix at sa likod ng bahay ay bukas ang gate ng court. Pumunta agad kami dun at dun na nga namin nakita si Wyte.
"Kuya Xyrus?" gulat ko naman ng nakita ko ito na nakaupo lang sa gilid.
"Bakit ka nandito?" tanong na bungad agad ni Brix.
"Naboboring kasi ako, basta wait, hintayin natin yung dalawa." Paliwanag niya at maya maya ay tumingin siya sa akin. "Arthen, tawagan mo pa yung pinakamasungit niyong pinsan, hindi kami close nun eh." Sambit niya.
Napansin ko ang mga sinabi niya na parang gusto niya maassure na ipaalam kay Brix na hindi talaga sila naguusap ni Zyxed.
"Wait, hindi maganda ang nasa isip mo." Seryosong sambit ni kuya Xyrus.
Bigla naman siyang binatukan ni Wyte.
"Nakikita mo ba, may pilay ako." pinakita niya pa kay Xyrus ang benda niya.
Tinext ko na lang si Zyxed at siguradong galit yun.
Zyxed POV
Natahimik lang ako habang nakatingin sa mga nakatalikod na malalaking painting, ayokokng makita ang mga painting na yun. Hindi ko gusto makita ang babaeng painting ni Daddy. Nawala na ako sa mood dahil sa biglaang pagpasok ni Brix sa loob.
Binawi ko ang tingin ko sa sa mga nakabaliktad na painting at tiningnan ang ginagawa ko. Buti na lang din at nakatalikod ito sa pinto, hindi nakita ni Brix. Halata na rin na mukha ni Wyte to kahit hindi pa patapos.
Hindi ko na kayang magpatuloy, naiinis lang ako. Tumayo na ako at pumunta sa Cr ng kwarto nay un saka naghugas ng kamay at inilabas ang apron na ginagamit ko para kunin ng katulong para labhan. Pagbalik ko sa lob ay tumunog ang phone ko.
"Zy, andito kami sa lumnang court, pinaaya ka ni Wyte. Please daw." Arthen.
Isang text mula kay Arthen ang natanggap ko.
Lumabas na ako at inilock ang pinto.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...