Zyxed POV
Nakatulog na si Wyte sa tabi ko at nagpalipas kami ng gabi dun.
Nagising ako ng marinig ang tawag ni Arthen.
"Kuya ni Wyte ang main suspect, pero hindi parin inaamin ng kapatid niya ang totoo." Bungad ni Arthen.
Napatingin ako kay Wyte na napabangon na mula sa pagkakasandal sa akin.
"Zy, alam kong mahal mo si Wyte pero isipin mo din si Lolo." Sambit ni Arthen.
"Sige na, papatayin ko na." saka ko pinatay na agad.
"Ano yun?" tanong ni Wyte sa akin.
"Yung kuya mo ang suspect sa nangyari kay Lolo." Sambit ko.
"Naniniwala ka?" tanong niya.
Hindi ako makasagot, hindi ko alam kung sinong pipiliin kong paniwalaan. Napailing iling siya at tinalikuran na ako.
"Wyte! Please wala kang ibang pupuntahan." Pakiusap ko.
Hindi na niya ako pinansin, wala na rin akong magawa.
Wyte POV
Kumatok ako sa bahay ni Chezka.
"Chezka" bungad ko at tuluyang bumagsak ang luha ko.
"Anong nangyari bes?" tanong niya agad sa akin.
"Nakulong si Kuya." Tuluyan akong napahagulgol.
Mula sa kwarto ni Chezka ay naririnig ko pa rin ang usapan nila ng mama niya.
"What do you think are doing Chezka, bakit dinala mo siya dito?" rinig kong pagalit ng mama niya.
Wala na akong choice, wala na akong magagawa.
Arthen POV
Dalawang linggo na halos nakalipas, wala kaming balita kay Wyte. Natahimik ang mundo namin sa pagalis ni Wyte. Hindi na kami nakapasok, pero buti na lang at maayos na si Lolo, hindi nga lang gumigising pa. Si Xyrus ang pumalit kay Lolo at tinutulungan siya ni Secretary Vince. Kasama naman niya si Kuya Gene. Wala namang pwedeng pumalit sa amin kay Lolo, si Xyrus lang. Siya ang pinakamatanda sa amin. Pero dahil walang alam si Xyrus ay parang si Secretary Vince padin ang kumikilos.
Samantalang ako, si Brix at minsan si kuya Gene ang nagsasalitang magbantay kay Lolo. Si Zyxed naman ay hindi ko alam kung saan napapadpad, palaging wala, umuuwi lang sa bahay kapag gustong matulog. Naiintindihan naman namin na ayaw niya sa hospital pero ang hindi namin mainitindihan kung bakit ayaw niyang man lang kamustahiin si lolo. Palagi siyang wala pero hindi rin naman pumapasok. Sabi ng mga kabanda ko ay wala na sa amin ang nakakapasok kahit pa si Wyte.
Yung kaso naman ng kapatid ni Wyte ay pausad pa lang, nakaisang hiring pa lang at hindi namin naisip na hindi lilitaw si Wyte, tanging tito nila ang kasama ng kuya niya. Kinuha na din kasi ng kaibigan niya mga gamit niya sa bahay at gamit ng kuya niya sa mansyon.
Xyrus POV
Pagkayari sa trabaho ay sa mansyon ni Lolo ako umuwi. Pinuntahan ko ang office niya at napaikot ako. Sa sobrang pasaway namin, hindi man lang namin naisip kung gaano kahirap ang ginagawa niya.
Napaikot ako sa office ni Lolo pero nakaagaw pansin sa akin ang isang volt. Sinubukan kong buksan. Ginamit ko oang birthday niya peero hindi bumukas. Sinubukan ko yung birthday namin pero wala pa din.
Pinaligid ko ang paningin ko. Parang kusang kumkilos ang katawan ko at nacurious sa mga drawer niya. Hanggang nakita ko larawan namin nung bata na nasa lamesa niya.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...