-------------------CHAPTER XLVI-------------------

2 0 0
                                    

Wyte POV

Unti unting naalala ko ang mukha ng kapatid ko at hindi si Kuya david yun. Ang batang lalaki na nasa picture at ang mga magulang ko.

"Bakit ganon kuya, bakit hindi ikaw ang kapatid ko?" tanong ko.

"Patawarin mo ko Wyte, hindi ko alam ang gagawin ko nung mga araw na yun. Pagtalon na tin sa ilog ay ako na kinilala mong kuya. Simula nun, sa takot kong mahanap tayo nang kumidnap sa amin ni Mommy ay tinago ko na sayo katotohanan." Paliwanag ni kuya.

"Bakit ngayon lang kuya, bakit ngayon lang!" sigaw ko habang bumabagsak ang mga luha ko.

Napalabas ako ng kotse at pagbaba koo ay nakita ko si Secretary Vince.

"Princess." Tawag niya sa akin.

Nanginginig ang mga paa ko ng unti unting lumalapit ito sa akin.

"Princess, si kuya to. Si kuya vince to." Lumuluhang sambit nito habang papalapit sa akin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang patuloy akong umiiyak. Yinakap niya ako at napahagulgol na lang ako.

"Patawarin mo si kuya, hindi kita nakilala agad. Patawarin mo ko, hindi kita naalagaan mmabuti at napabayaann kita. Sorry ha? Sorry." Hinawakan niya ang mukha ko.

"Kuya!" iyak ko habang humigpit ang yakap ko.

Vince POV

Hindi ko magawang bitawan ang kapatid ko hanggang makarating kami sa hospital kung nasaan si president.

"Bakit ho, bakit tinulungan niyo pa din akong makita ang kapatid ko?" tanong ko habang nakatayo sa harap niya samantalang nasa labas ang kapatid ko.

"Alam kong kumukuha ng pera at sinadya ko yun. Tinuring kitang kapamilya, pinahahalagaan kita bilang isa ding apo ko. Matagal ko ng alam na may galit sa akin ang ama mo pero nito ko lang napatunayan na ang papa mo ang nagpadukot sa anak ko at kay David." Paliwanag niya. Inabot niya ang isang envelop. "Yan ang ebidensya ng ginawa ng papa mo sa anak ko."

"Kuya, tama na ang pagsunod kay Papa. Hindi nga ako lumaki kasama mo pero alam kong mabait ka, itama mo to." Pakiusap niya sa akin habang nasa labas kami ng kwarto ni president.

"Princess, ayokong masira ang pamilya natin." Sambit ko.

"Kuya, hindi naman masisira, itatama lang naman natin si Papa." Hinawakan niya dalawang kamay ko.

Lalong bumagsak ang luha ko ng muli kong nasilayan ang mga ngiti ng kapatid ko. Ang anghel namin ni Mama. Nakita ko na ang ilaw namin ni Mama, ang buhay ko at ang anghel namin. Siya lang dahilan ng lahat at pinagsisisihan kong sinukuan namin ni Papa ang hanapin siya dahil sa nangyari sa aking naoperahan at nabaril.

"Gusto mo bang makita si Mama?" tanong ko.

Napatango siya.

Zyxed POV

"Ibig mong sabihin kaya ka wala ay dahil inaasikaso mo sila?" sambit ni Arthen at tinuro si kuya David.

Nandito kami ngayon kay Lolo sa hospital.

"Tinulungan niya din si Tito na makahanap pa ng ebidesya na wala akong kasalanan." Kwento pa ni kuya David.

"hindi ako makapaniwalang pinagpalit mo kami sa babae." sambit ni Brix.

"Sorry, lo sorry." Tingin k okay Lolo.

"Tama lang ginawa mo apo, hindi lang naman tinulungan mo ang kapatid ni Vince, tinulungan mo din ang pinsan mo." Sambit ni Lolo na nakangiting nakahiga sa higaan niya. "Pero sa pagkakataon na to, Zy apo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa inyo. Umasa ka na lang natalagang magigising si Vince sa tama." Sumeryso si Lolo.

Natahimik ako, paano nga kung ilayo siya sa akin.

Wyte POV

Dumating kami sa hospital at nilabas si Mama na agad nilapitan si Kuya.

"Vince, nakita mo na si Princess, nakitaa mo na ba siya?!" desperadong pagtatanong ni Mama.

Hiindi na naubos ang luha ko at napayakap ako kay Mama.

"Mama, si princess po to. Mama, umuwi na ako." sambit ko.

Hindi niya ako pinapansin at nagsasalita parin siya.

"Asan si Princess, asan ang prinsesa ko." Patuloy niyang paghahanap.

Humigpit ang yakap ko at napapikit na lang, yumakap na din si kuya sa amin. Pagkatulog ni Mama ay kinuwento agad ni kuya ang nangyari.

"Nung nawala ka, hinanap ka ng hinanap ni Mama. Sa sobrang sakit nangyari ay hindi na niya nagawang tanggapin ang nangyari kaya pinadala siya ni Papa dito." Kwento ni Kuya. "Naging sunud sunuran ako kay Papa dahil hindi na rin ako napagtatanggol ni Mama. Inutusan niyaa rin akong pumalit sa kanya at patuloy na nakawan ang Scott. Princess, siguradong madadamay ako kapag nakulong si Papa. Pangako mo sa sakin na lagi mong pupuntahan si Mama." Pakiusap nni Kuya.

"Kuya, sorry, iniwan kita." Sambit ko at napayakap ulit.

"No, hindi mo kasalanan okay." Sambit niya at hinawakan ang ulo ko.

Xyrus POV

Inihiiga ni Secretary Vince si Wyte sa kwarto ni Zyxed. Hindi na kasi maayos ang kwarto ni Wyte sa kabila.

"Anong plano mo?" tanong ni Kuya David sa kanya.

"Alagaan mo ang kapatid ko, may kasalanan din ako. Kailangan kong pagbayaran yun, iiwan ko siya sa inyo." Pakiusap niya.

Tumingin siya sa akin bago siya sumakay ng sasakyan niya.

"Xyrus, hindi ko alam kung naniniwala ka pa sa akin pero tinuring kitang kapatidd nnung pinadala ka sa amin." Sambit niya.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin o kung anong sasabihin ko. Hindi ko matanggap na yung tinuring kong kapatid ng dalawang taon ay nagawa sa amin yun.

"Bigay mo sa kapatid natin, she's really an angel. Salamat sa lahat." Inabot niya ang isang sulat kay kuya David at isang kwintas. "Bukas pa lang siya mag e18, sana pagkayari ng birthday niya saka niyo sabihin ang nangyari sa amin ni Papa. Gusto kong maging masaya si Princess sa birthday niya. Siguradong ngayon palang niya masecelebrate ang birthday niya."

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon