Zyxed POV
Kinabukasan ay napabangon agad ako at diretso sa harap ng kwarto niya. Kumatok ako pero walang sumasagot. Bumalik na lang ako sa kwarto ko para magbihis na.
Pagdating ko sa parking area ay andon na silang lahat.
"Sakin siya sasabay." Sambit ni Xyrus.
"Ako na Xyrus ang maghahatid sa kanya." Pilit ni Sean.
"Sa pickup na, haro haro kayo magdrive diba." Ngisi ni Gene.
"Kuya sakin na sasabay si Wyte." Sambit naman ni Arthen.
"Pwede ba, huwag ka ng sumali kami lang naguusap." Inis ni Gene.
"Sakin naman siya sumasabay lagi." Medyo mahina ang boses ni Arthen.
"Tumapang ka yata, nasanay ka naman yata kagabi na ayos tayo. Hanggat buhay ka, walang magiging maayos satin dalawa." Saka tinulak ni Gene si Arthen.
"Ano bay an Gene, tigilan mo na si Arthen." Pagbawal ni Xyrus at pumagitna.
"Teka, huwag kayong magaway. Sakin na sasabay si Wyte." Singit ni Sean.
"Sige, kuya ka eh, halata namang siya lagi pinapanigan mo." Binunggo ni Gene si Xyrus at tatalikuran na sila.
Hinawakan sa balikat ni Xyrus si Gene at pinaharap sa kanya.
"Teka, ikaw ang lagi kong kasama, hindi pa ba sapat na hindi ko sinasamahan si Arthen. Buti nga siya ginagalang akong kuya." Tinulak tulak ni Xyrus si Gene.
"Kuya? Gusto mong matawag na kuya, ni hindi mo nga naalalang namatay si daddy dahil dito." Nilamukos ni Gene ang damit ni Arthen pero binitawan din patulak.
Sa mga oras na to kapag nakealam ako, siguradong sakin na magagalit si Xyrus. Pero si Arthen na naman ang pagbabaon ng away nato kung hindi ako makekealam.
"Nagaaway ba kayo?" lumabas si Wyte sa likod ko.
Natingin silang lahat.
"Seryoso, nagaaway kayo?"lumapit nan g tuluyan si Wyte.
Hindi sumagot yung tatlo at tiningnan ako.
"Pinapanood mo lang sila?" turo niya sa akin.
"Bakit ako makekealam?" malamig na sambit ko saka sinuot ang helmet ko para umalis na.
Wyte POV
Natingin lang ako kay Zyxed na umalis na.
"Mapapaaway kasi siya kay Kuya Xyrus kapag nakealam siya." Bulong ni Arthen.
"Teka, ang kailangan ko ng paliwanag kung bakit kayo nagaaway?" tanong ko.
"Kung kanino ka sasasabay." Sagot ni Sean.
"Sayo ko sasabay, kailangan kitang makausap. Hindi niyo naman kailangang magaway diba." Sambit ko.
"Eto kasing dalawa, binabalik pa yung nakaraan dahil lang sa kung kanino ka sasabay." Inis ni Xyrus.
"Kasalanan naman niya talaga at pinagtatanggol mo pa." galit ni Gene.
"Tama na." pigil ni Arthen pero mahina ang boses niya.
"Pabiktima ka talaga noh." Sinugod ni Gene si Arthen at hinila sa damit. Buti na lang at nasa gitna si Xyrus para harangin.
Naguumpisa na naman talaga sila. Hindi ko gustong simulan ang away nila dahil ang gusto kong maayos ngayon si Sean at Brix. Pasasalamat ko lang sa pagpapauwi nila kay Kuya.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...