-------------------CHAPTER XXIX-------------------

2 0 0
                                    

David POV

Hindi mawala sa isip ko si Wyte. Hindi ko alam kung matigas na naman ba ang ulo niya at kahit may pilay ay pinupwersa niya.

"Lolo." Bungad ng mga pinsan ko.

Natingin sila sa akin. Ang tatlong anak ng panganay na lalaki ni Lolo.

"Andito ka?!" gulat ng panganay sa kanila.

Pero nagtaka ako dahil magkakasama sila, ang sabi kasi ni Lolo ay hindi naguusap at ni minsan ay hindi nagkaayos ang pangalawa at bunso.

"Xyrus, Gene, Arthen, bakit kayo nandito?" gulat ni Secretary Vince.

"Teka, bakit andito siya? At andito lang pala siya, hindi man lang niya kamustahin ang kapatid niya." Inis na bigkas ni Xyrus.

"He's my assistant, hindi ko siya pinayagang makita ang kapatid niya dahil naabala siya sa trabaho,Pero bakit kayo tumapak sa mansyon ko? Sinabi ko na sa inyo diba, hindi kayo pwedeng umuwi sa mansyon ko kung hindi kayo magkakasundo." Seryosong bungad ni Lolo habang pababa siya.

"Lo, Kaya nga tatlo kaming magkakasamang pumunta dito, makikiusap kami na makita ni Wyte ang kapatid niya." Paliwanag ng bunso.

"Kahit ngayong gabi lang." pakiusap ng pangalawa.

"Bakit ako maniniwala sa inyo?" tanggi ni Lolo. "Secretary Vince, palabasin niyo na sila." Utos niya sa hindi man lang tinignan ang mga pinsan ko at tinalikuran. Umupo siya sa sofa at tinignan ang tablet niya para sa business.

"Hey, Mr. Martin, puntahan mo na siya huh, Maawa ka sa kanya." Pakiusap ni Xyrus.

"Tara na, magsilabas na kayo." Sambit ni Secretary Vince at katulong ang dalawang katulong ay pinagtulakan palabas yung tatlo.

Pagkalabas ng mga to ay nangiti si lolo.

"Salamat sa kapatid mo, nabago niya ang tatlo. Puntahan mo na kapatid mo, kahit ngayong gabi lang." pakiusap ni lolo.

Natango ako. Agad akong tumayo para lumabas na pero muli siyang nagsalita.

"Hindi na ako magtataka na sobrang mahal na mahal mo ang kapatid mo, She's great woman." Sambit ni Lolo.

"President, Sorry for interruption, I think hindi totong nagkaayos ang tatlo, baka napilitan lang sila para makarating din dito at makuha ang tiwala niyo." Sambit ni Secretary Vince.

Natingin ako dito, pakiramdam ko parang sinisiraan niya pa ang tatlo kay Lolo.

"I know, David, sabihin mo sa kanila na sa week end, kapalit ng pagpunta mo ay magbovolunteer sila sa foundation." Bilin ni Lolo.

Napatango ako.

Zyxed POV

"Nagugutom na ako." tipid niyang ngiti ng bumitaw saa akin.

Medyo nangiti ako, hindi niya pa din pala nakakalimutan ang kumain kahit umiiyak na sa sakit.

"Sige, tara sa baba, may luto na mga maid sa bahay." Sambit at bumangon.

"Awww," inda niya.

"Masakit?" pagaalala ko at nabalik sa kinauupuan ko sa tabi niya.

"Gusto niya daw luto mo." Sambit niya at pigil tawa niya akonog tinignan.

Hindi ko na napigil ang sarili ko. Napatango at nangiti na.

Wyte POV

Medyo naibsan ang sakit lalo na nangiti siya sa harap ko. Pinanood ko lang siya ulit na nagluto. Pero naalala ko na parang kanina ay nandon ang tatlong magkakapatid sa kwarto ko. Hindi ko na kasi napapansin ang nasa paligid ko nung mga oras na sibrang sakit ng kamay ko.

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon