Zyxed POV
Nagpabalik balik ako ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit siya naiinis, may sasabihin pa naman sana ako sa kanya. Napakinig ako sa kwarto ng marinig ko sigaw nung tatlo.
"Wow! Tuwang tuwa siyang kasama yung mga yun?!" reklamo ko sa sarili ko.
Kung kelan ayos na lahat tungkol sa pangamba kong magmahal sa kanya. Kung kelan pwede na, saka niya ako aawayin.
"Samantalang siya unang yumayakap sa akin." Patuloy kong kausap ang sarili ko.
Sumabay aknog kumain sa kanila ng hapunan at sa unang pagkakataon ay kumpleto kaming anim. Okay na din yung tatlong magkakapatid. Pero kami, hindi.
Arthen POV
Natahimik kaming lima nung si Zyxed at Wyte ay nanggigil sa pagkain. Parang wala nang pilay din si Wyte. Benda na lang din ang pinaayos niya sa amin kanina. Napapikit kami ng biglang tinusok ni Zyxed yung baboy na ulam niyang niluto. Tiningnan lang namin siya.
Pero nabaling kami kay wyte ng siya naman ang gigil na gilig sa pagkain niya.
"Teka, baka mabasag yung-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng tiningnan ako ng masama nung dalawa.
Umiling iling sa akin si Kiuya Xyrus na huwag akong makealam.
"Mas galit pa sakin. Siya nga tong nakakainis." Bulong na bwisit ni Wyte.
Buti na lang at magkabilang dulo sila. Kami yung nasa gilid, dito kami sa kanan ni Wyte at sa kaliwa naman sila Brix at Sean. Pero ang masama kasi kami ni Brix ang nasa tabing gilid ni Wyte. Si Kuya Gene at Sean ang pinakamalapit sa gilid ni Zyxed.
"Pinagluto ko pa kahit hapunan." Bulong naa gigil ni Zyxed.
"Ahh, ganon! Hindi ako kakain!" binitawan nni Wyte yung kutsara't tinnidor niiya.
"Huh! Edi huwag, ikaw lang naman pumilit kainin pagkain ko!" galit ni Zyxed.
Susuntukin sana ni Wyte yung lamesa gamit ang kaliwa niyang kamay pero sumigaw na si Zy.
"WAIT! Walang ganyanan!"napatayo si Zy.
Pigil tawa ako, hindi nga kaya ni Zy si Wyte.
Brix POV
Natakip lang ako ng bibig at natatawa sa nangyari.
"BWISIT!" sigaw ni Wyte kay Zy.
Tumahimik si Zy at tinapos na pagkain. Napasama lalo ang mukha ni Wyte ng umalis si Zy. Napatigil siya sa pagkain, luto nga ni Zy kinakain niya, kahit pa may luto naman ang maid. Yung pagkain nga ni Zy ang pagkain niya.
Hanggang umalis na din si Wyte sa harap ng lamesa. Napabuntong hininga kaming lima.
"Kasalanan mo to Brix." Sisi ni Sean sa akin.
"Abay, nagpaliwanag na ako kay Wyte." Paliwanag ko.
"Kay Zy?" tanong ni Arthen.
"Wala naman akong sinabi kay Zy na huwag." Iling ko.
"Diba sinabi moo kay Zy na gusto mo si Wyte?" tanong ni Artheen.
"Anong mali dun." Tanong ko.
"Wala ka talagang alam." Iling iling ni Xyrus.
"Hindi ko alam kung baakit kakambal kita, ang dumi mong lumaban." Sambit ni Sean.
"Malamang, iisipin ni Zy na binabakuran mo na si Wyte." Paliwanag ni Gene.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...