Sean POV
Tatalikod na ako dahil nakita ko ang kakambal koo na nandon din.
"Hoy, pumasok ka dali." Biglang utos ni Ms. Martin.
Lumapit siya at lumagpas sa akin para humarang sa pinto.
"Gusto ko sanang linisin to kaso may pilay ako." sambit niya at tinaas pa ang kamay niyang may pilay.
"Sa katulong mo na lang palinis yan." Sambit ko.
"No, gamit natin nandito." Sambit ni Xyrus.
Oo nga pala, kahit ako ayokong hawakan ng iba ang mga nadito. Yung iba ay may mga alalaalang ayaw na naming balikan.
"Wala ako sa mood ayusin to, hilingin mo na lahat huwag lang to." Pakiusap ni Xyrus. Hindi siya galit pero seryoso siya.
"Bakit dinala mo ko dito kung ayaw mong pagalaw sa iba?" Inis ni Ms. Martin.
"Ikaw nga pwede, pero hindi ng iba." Paliwanag ni Xyrus.
"Wyte, pasensya na, mga may past kasi mga gamit dito kaya hindi namin ginagalaw nung tinambak dito." Tipid na ngiti ni Arthen.
"Sige, ako na maglilinis, umalis na kayo." Seryoso niyang sinabi yun at inalis ang benda niya sa kamay.
"Princess, teka." Pigil ni Brix pero tuloy tuloy lang siyang tinanggal ang benda niya.
Hindi naman kami makaalis lahat at nakatingin lang sa kanya.
"Ano? Sige na, ako na maglilinis magisa." Seryoso siya pero hindi siyaa galit at nilapitan niya yung mga gamit dun.
Biglang pasok ni Zyxed at hinila siya palayo.
"What do you think are doing? May pilay ka!" sigaw ni Zyxed.
"Brix sorry, suko na ako." sambit ni Arthen, "tutulong na ako Wyte."
Gene POV
"Sorry, we're done, ang boring mo kasi." Sambit ko saka tumayo ng makatanggap ako ng text kay Sean na nasa luma silang court.
"Wait Gene, kahapon lang tayo-" hindi ko na pinatapos ito at lumabas na sa restaurant na yun.
Sumakay agad ako ng kotse at umuwi.
Pagdating ko ay naabutan ko silang lahat na itinatabi sa gilid ang mga nakatamabak sa gitna ng court. As in lahat sila. Kapag magbubuhat si Ms. Savior at gagalaw ay pinipigil nila.
"Hey, sabi ko dun ka lang." inis ni Zyxed ng makita itng magbubuhat.
Nilapitan niya si Arthen na nagwawalis para agawin pero umiling si Arthen.
"No no, dun ka lang sa tabi Wyte." Sambit ni Arthen na nginitian lang si Ms. Savior.
"Gene!" tawag ni Sean sa akin ng nakita ako.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko.
Tinuro nila si Ms. Savior.
"Tumulong ka na, mamatay ako sa alikabok dito kung magtatagal pa ako dito." Reklamo ni Xyrus.
"Dun ka na princess, ibalik mo na lang yung benda mo sa kamay pwede." Pakiusap ni Brix kay Ms. Savior.
"Kaya ko namang kasi." Inis niya naman ng pinagtutulakan siya palayo.
Napailing iling ako saka aatras n asana pero nakita ko naman itong tumingin kaya napilitan na ako.
Wyte POV
BINABASA MO ANG
Snow White and The Seven James
RomanceIsang babae ang dadating sa isang mayamang campus na siyang magbabago ng mundo ng anim na Scott. Scott boys na may iba't ibang klase ng ugali at problema sa isa't isa. Sino mag aakalang isang simpleng babaeng tulad niya ay ipapaalaga sa anim na lala...