-------------------CHAPTER XI-------------------

2 0 0
                                    

Zyxed POV

Napatakbo agad ako ng marinig sa gilid ko ang nangyayari at wala na akong pakealam kung masaktan ko ang mahahawi ko. Yinakap ko agad ito ng nakaluhod na at nanghihina.

"Zy-xed?" mahina niyang sambit sa pangalan ko.

"Ako nga to." Sambit ko at mahigpit na yinayakap siya dahil patuloy parin ang pagbato sa kanya.

"Hindi ko na kaya, nilalamon na ako ng Allergy ko." Mahina niyang sambit at nararamdaman ko ang mga luhang pumapatak sa braso.

"TAMA NA SABI!" sigaw ko.

Tumigil ang lahat at nanghihinang bumitaw mula sa pagkakahawak sa braso ko ang mga kamay niya.

"Hey, wake up. Tapos na." pakiusap ko.

Arthen POV

Binuhat ni Zyxed si Ms. Martin. Bigla namang kinwelyuhan ni Brix si Xyrus.

"Papatayin niyo siya, May allergy siya sa pinabalibag niyo!" sigaw ni Brix.

Hindi na din nakapagsalita si Sean at hindi na napigil si Brix. Nilapitan ko agad ito para pigilan.

"Tama na Brix," pigil ko.

"Kotse Arthen, she's contact with her Allergy." Utos ni Zyxed kaya napatigil si Brix.

Kinuha ang kotse diretso sa pinakamalapit na hospital.

Nakaantay lang kami ni Brix, samantalang si Zy ay nasa kotse ko dahil hindi siya pumupunta ng hospital. Biglang dumating ang isang lalaki na parang kahawig ni Lolo nung kabataan. Sakto namang lumabas ang doctor.

"Mr. Scott-" kakausapin na sana si Brix ng lumapit ang lalaking may hawig sa mga batang picture ni Lolo.

"Doc, ako ang kapatid niya, James David Martin." Bungad ng lalaki.

"Mr. Martin, she's okay now. Nabigla lang ang Katawan niya dahil sa ngayon lang ulit inatake ng Allergy. Ilang patak lang naman ang pumasok sa mouth niya. Natakot lang at natrauma ang katawan niya kaya nanghina at nawalan siya ng malay. Pinalinis na rin naman namin agad ang katawan niya para wala na siyang makitang trace ng eggs sa katawan niya. Pero opinainom na rin namin siya ng anti allergy para sure na walang cause na mangyari. Excuse." Paliwanag ng doctor.

Nakahinga kami ng maluwag. Pero obiglang lingno sa amin nito.

"papatayin niyo ba talaga ang kapatid ko?!" galit nito.

"Kuya david, ipapaliwanag ko." Sambit ni Brix.

"Hindi mo ko kapatid, paano mo ko nakilala?" inis nito at kinwelyuhan si Brix.

"Kuya si Brix Magallanes to,remember the lost boy." Pagpapakilala ni Brix.

"Brix? Bwisit ka bakit mo pinabayaan ang kapatid ko." Saka nito sinakal ng braso niya si brix.

Napaatras naman ako peroo biruan lang pala dahil ngumiti si brix pagkayari.

"Ano bang nagyari?" tanong nito at umupo kaming tatlo.

"Obviously, palaban kasi si princess kaya nakasagupa niya ang pinakamalalakas sa dansion. Pero yung kanina, hindi na alam ni Xyrus at ng kapatid ko na matutuloy yun. Pinigil pa nga kanina nila ang mga bumabato. Naparusahan kami kagabi kaya, natakot na din yung dalawa." Kwento ni Brix.

Napatingin lang ako kay brix habang nagpapaliwanag ito, ngayon lang kakomportable itong magkwento.

"Kuya david, ilipat niyo na si Princess, baka kung mapano pa siya sa dansion." Pakiusap ni Brix.

"Hindi, simula ngayon hindi na siya mapapahamak, babantayan niyo siya simula ngayon." Iling nito at tumingin sa nakahigang si Ms. Martin.

"Ano ibig niyong saabihin Mr. Martin?" tanong ko.

"Umuwi na kayo, mamaya niyo na lang alamin, sige na. May itlog ka sa katawan mo brix." Turo nito sa katawan ni Birx.

Oo nga, kasi siy nagpasok kay Ms. Martin dahil nga hindi pwede si Zy, naiwan din si Zy sa kotse at mainipin yun.

David POV

Nakatingin lang ako sa kapatid ko. Bakas sa mukha niya ang takoot ng nakalipas na nangyari sa kanya. Kilalang kilala ko siya, alam kong yun ang pinakamalalang naranasan niya sa buong buhay niya. Itinago namin sa lahat ang Allergy niya para mas madaling makaiwas, pinabayaan ko siya na makipagaway para maprotektahan niya ang sarili niya.

Hindi yun sapat, hindi yun magiging sapat hanggat wala akong pera. Si Wyte ang buhay ko, siya ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ko.

"Patawad Wyte, ito ang pinakamabilis na paraan para makuha ko ang kailangan mo." Sambit ko at hinawakan ang kamay niya.

Sorry kung isasacrifice kita saglit para makuha ang tiwala nito. Para sayo naman to, para na rin makaganti ako sa ginawa niya sa mommy ko. Hinugot ko ang phone ko sa bulsa at tumawag kay secretary vince agad.

"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, pumapayag na ako." sambit ko sa phone agad agad.

"Okay Mr. Martin. I will inforo president now." Sambit naman nitto sa phone.

Pagkababa ko ng phone ay siyang pagdilat ni Wyte, bumangn agad ito at napaupo ako sa tabi nito.

"Okay na ako kuya, umuwi na tayo. Alam mong ayokong nagtatagal dito." Inis niya habang mukhang tatayo na siya.

Napangiti ako saka ginulo ang buhok niya.

"oo na boss." Sambit ko pa.

"Sus kuya, ewan ko sayo!" tapik niya sa mga kamay ko.

Brix POV

"She's okay now, we can go back home." Bungad naa bungad ni Arthen.

"Let's go, hindi ko na kayang magtagal dito." Inis ni Zyxed na nasa likod nakasakay.

He really hates this kind of building. Matapos dalawang taon niyang nakitang pabalik balik dito ang ama niya at nahihirapan. Kahit sino ay hindi magtataka. Kaya nagulat rin ako sa kanya kanina matapos niyang masabi ito at nagawa niya pang buhatin si Princess.

Pero isang pakiramdam ang nalilito ako. Pakiramdam ko ay nagseselos ako na kung ano. Naiinis dahil nauna siyang yumaakap kanina kay Princess, sana ako ang naauna. Napailing iling ako, bakit kailangaan kong mainis, pasalamat na lang ako at niligtas niya si Princess.

Pagdating namin sa bahay ay nakita na naman namin ang sasakyan ni secretary Vince. Hindi siyaa umalis sa mansyon? May sariling mansyon si lolo, hindi siyaa pupunta at magiistay ng walang dahilan.

"We're dead, siguradong nakarating to kay Lolo." Sambit ni Arthen ng pababa na kami.

Pagpasok namin ay nandon ang tatlo sa living nakatayo sa harap ni Lolo.

"Good you all here now. Let's briefing." Sambit ni Secretary vince na nakatayo sa gilid ni lolo.

"Wait, sinabi na namin sa inyo Lolo, hindi namin alam ang kanina, yung mga Schoolmate na namin yun." Reklamo ni Xyrus.

Sa tuwing nagsasalita ito ay lalong lumalala yung sitwasyon namin.

"Idiot! You all started it!" sigaw ni lolo at binato ng unan sa supa si xyrus. "Continue." Saka tuluyang umalis si Lolo.

"Magsiupo na kayo, ipapaliwanag ko na sa inyong mabuti." Sambit ni secretary vince. "Ms. Martin is NOT one of you. She's not Scott, pero she's line with you all. Your all going to protect her, everyday.-" hindi pa natatpos ito ay may sumingit agad.

"Wait, are you saying we're going to guard her?" tannog ni Seaan.

"Technically, yes. Yan ang magiging parusa niyo. Every action na makakarating sa akin ay hindi ko na icocover up. You all done worst than I though, Mr.Xyrus." Iling ni Secretary Vince, "I don't know what action will going to do of President pero sigurado akong mas worst pa kahapon."

"Teka lang Secretary Vince, hindi naman pwedeng sundan namin siya palagi, sungit kaya nun." Biglang pagsasalita ni Arthen.

Napailing iling ako at tinapik siya dahil nakatayo ako pasandal sa kinauupuan niya saka niya pa nasabi yun.

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon