-------------------CHAPTER XLI-------------------

2 0 0
                                    

Zyxed POV

Pumunta muna ako sa puntod ni Dad.

"Dad, can you help me? Hindi ko alam kung paano sumuyo." Kausap ko.

I hate this way, dati naman okay lang sa akin na hindi na ako pansinin basta hindi lang ako magpaliwanag ng sarili ko. Hindi ko pa nga nasasabi nalaman ko kay Mom.

"Dad, paano ba gagawin ko?" bumuntong hininga ako.

Bumalik na ako sa bahay pero sinalubong naman ako nila Arthen at Brix.

"Saan ka galing?" tanong ni Brix.

"Kay Daddy." Tipid na sagot ko. "Nakausap mo na ba si Wyte?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. Pumasok kami sa loob ng bahay at nandon yung tatlo pa na nakasimangot at nakatingin lang sa mga pagkain na nasa harap nila.

"Kahit pagkain, di tumalab." Kwento ni Arthen.

Napabuntong hininga ako at natingin sa hagdan.

"Zy!Zy!Zy!"tapik tapik sa akin ni Arthen na natutuwa.

"WHAT?!" sigaw ko.

"Labas mo na yung private drawing mo." Ngisi niya.

"Hoy hoy, bastos ka Arthen, akala ko matino ka!" biglang tayo ni Xyrus.

"Hindi yun ganon kuya Xyrus, labo namang gawin ni Zyxed yun." Tanggi ni Arthen.

"It's her." Pag amin ko.

"Siya?" taka ni Sean.

Sean POV

Sinundan namin siya sa kwarto niya aat nilabas niya ang mga napilas na drawing sa isang sketchpad. Pinakita niya sa amin at pinagpasapasahan namin.

"Wait, ano to?" tanong ko.

Isang sketch ng babaeng nakatalikod na nakatali ng panyo ang buhok.

"Alam ko yan, yan yung unang pagkikita ni Zy at Wyte, bigla niya kasing hinila si Wyte at nagaway sila, binuhasan niya ng juice si Wyte nun." Kwento ni Arthen.

"Eto yung pinahiram mo yung damit mo sa kanya." Gulat ni Arthen.

Tinignan ko at yung sketch na may towel si Wyte sa ulo at isang paper bag sa harap niya.

"Pinahiram niya ng damit si Wyte?" gulat ni Gene.

"What's this?" tanong ni Brix at pinakita saming lahat.

Tinakpan ng lalaking nakatalikod yung bibig niya at nasa gilid sila na nakalugay ang buhok ni Wyte.

"Pinaghahanap siya ng mga inutusan nila Sean, tinago koo siya. Nung araw na binuhasan kayo ng pintura." Paliwanag ni Zyxed. "napagkamalan kaming may ginagawa." Mahinang pagamin niya.

"Bakit ganon, puro nakayakap ka Zy?! Meron pang nakayakap siya sayo habang nakatalikod ka?" gulat na tanong ni Brix at pinakitaa sa amin ang apat na sketch na nakayakap nga si Wyte.

"Hindi lang yan Brix, laging natutulog si Wyte sa balikat niya, ilang beses nato ha?!" tanong ni Gene.

"Tatlong beses sa rooftop, dalawang beses sa kwarto niya at isa sa-" hindi na siya pinataposo ni Arthen at pinakita sa amin ang isang sketch na natutulog sa kwarto niya habang tinutugtugan niya.

"Nagdate kayo kelan to?!" inis na tanong ni Xyrus.

Pinakita sa amin yung ocean park at museum na magkasama sila.

"Hindi kami nagdate, gusto niya daw gumala. Nung gabing lasing si Brix, magkasama kami." Tanggi niya pa.

"Sabi mo nasa kaibigan niya siya?" taka ni Arthen.

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon