-------------------CHAPTER III-------------------

3 0 0
                                    

Wyte POV

"Please para sakin, wala ng gulo noh?" bilin ni kuya ng nakarating na kami sa school.

"Asus, kuya kahit puro gulo ako, alam mong nagaaral akong mabuti." Sambit ko.

"Tadyakan kita eh, alam mo ba kung bakit dito ka magaaral sa school?! Dahil uso paghingi ng good moral sa ibang university!" inis ni kuya.

Bigla akong hinila ni kuya pagilid sa gilid ng kalsada, muntik na ako ng motor na ang bilis magpatakbo palabas ng school at huminto lang saka lumingon. Pero umalis din agad.

"Siraulo!" inis ko.

"hayaan mo na, di ka naman na ano, maingat ka na lang." pigil ni kuya.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sige na, lumayas kana, kaya kona." Saka ako pumasok sa loob ng gate ng school na to patakbo. Hindi ko alam kung anong number ng gate ito pero sabi ni kuya ay dito ako dumaan.

"Asus, talaga naman." Bulong ko ng makita ko isang lalaki na binuhusan ng juice ang isang babae. Dalawang lalaki ang nasa likod nito at yung babae ay kinorner nila na nakasandal sa pader.

Umiling iling ako, hindi, mageenroll muna ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad pero napahinto ako.

"ahhh, umiiyak na siya, alam mo, minsan dapat kilalanin mo yung mabubunggo mo." Sambit nung lalaki.

"Ayan na naman si Xyrus, di naman siya binunggo eh, lakas mantrip ng babae, enrollan na enrollan eh." Bulong ng isang babae na nakatingin sa kanila.

"Hindi nga kita binunggo!" sigaw nung babaeng basang basa ng juice.

"sumasagot ka?" saka nito binatukan, inulit pa.

Xyrus POV

Isang Batok pa sana gagawin ko ng biglang may nagpaling ng braso ko patalikod at pinaluhod ako patadyak sa binti ko. Sa gulat ko ay hindi ko na nagawang pigilan pa.

"Sh*t! Hindi mo ba ako kilala!" inda ko, hindi ko na magawang tumayo dahil tapak tapak niya binti ko na nakaluhod.

"Miss, alis na, hindi niya kasi masabi sorry kaya lumuhod na lang siya." Sambit ng babaeng nasa likod ko.

Biglang takbo nung babae at nagulat na lang ako ng idinukdok ako sa pader at biglang bumagsak sila Gavin at Darwin.

Gene POV

May katabi akong babae at nakakandong sakin dito sa park ng napatayo ito.

"Babe, kapatid mo!" gulat ng babae kasama ko, di ko alam ang pangalan, nakalimutan ko na.

Napalingon ako kung saan nakatingin lahat.

Nakaluhod si Xyrus at tapak tapak ng isang paa ng babae ang binti niya. Tutulungan sana ng dalawang kaibigan niya ng biglang idinukdok ang ulo ni Xyrus sa pader saka yung tapak tapak na paa sa kapatid ko ay pinangsipa niya sa dalawa niyang kaibigan.

"Woah!" gulat ng lahat ng bagsak na bagsak yung dalawa.

Natulala na lang ako sa nangyari. Napatingin lang ang lahat sa kanilaa, ngayon lang kasi may pumatol kay Xyrus. Siguradong transferee yun. Lahat ng mga former student ay takot kay Xyrus.

Wyte POV

Binitawan ko na pasubsob yung hawak kong kamay na kanina pa nakapaling patalikod sa kanya. Pinadapa ko agad para makalayo na ako.

"Siraulo ka, sino ka bang pakeelamero ka!" sigaw nito.

Tinalikuran ko na agad bago pa makatayo at mabilis na naglakad papunta sa registration office. Hanep nayan, nageenroll pa lang ako gulo na agad naabutan ko.

Snow White and The Seven JamesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon